"Destiny!"
tawag ni Vince sa kaibigan isang hapon sa parking lot ng.publishing house.."Vince ikaw pala..pauwe kana rin ba?"
"oo Destiny.."
"kamusta na pala ang expansion ng publishing?"
"doing well naman..mga 4weeks na lang baka pwede nang magamit yun.."
"talaga naman. Ang galing at ang sipag ng kaibigan ko.."
papuri ni Destiny sa kaibigan..Sa di kalayuan ay tanaw na tanaw.ni Violet ang dalawa kaya naman inis itong sumakay sa kanyang kotse saka binuhay sana ang makina neto ngunit ayaw magtuloy ng pagstart ng makina kahit na paulit ulit nya itong ini start..
kaya sa pagkainis ni Violet ay nahampas nya ang manebela at di sinasadyang natamaan ang bosena ng kanyang.kotse..Napalingon sa kinaroroonan ni Violet ang dalawa at napansin nila na medyo iritable ang dalaga sa kanyang sasakyan..
"Vince..ikaw na muna bahala kay Violet..sa tingin ko ito na siguro ang perfect timing mo.."
nakangiting sabi nya sa kaibigan..Nakuha naman ni Vince ang ibig sabihin ni Destiny kaya tuluyan na silang nagpaalam dalawa at si Vince ay lumapit sa kinaroroonan ng kotse ni Violet..
Kahit anung gawin ni Violet ay ayaw talaga umandar ng kanyang kotse at mas lalo pa syang natarantang paandarin ng makitang papalapit si Vince sa kanya..
"oh come on not now!"
ang bulong ni Violet sa sarili habang.pilit parin nyang binubuhay ang makina ng kotse.."need help Violet?"
ang magalang na sabi ni Vince..Sa pagkakataon na ito ay wala nang magawa si Violet kundi ang sabihin kay.Vince ang problema ng kanyang sasakyan..
"ayaw kasi umandar ng kotse ko eh.."
kaswal lang na sagot ng dalaga.."pwede ko bang tignan ang kotse mo?"
"marunong kaba?"
angil ni Violet sa binata.."kahit panu ay natutunan ko naman magmekaniko ng sasakyan nun nandoon pa ako nakatira sa bahay nyo.."
ang tinutukoy ni Vince ay ang mansion ng mga Vetto..Di na kumibo si Violet saka lumabas ng sasakyan at hinayaang suriin ni Vince ang kanyang sasakyan..
Lihim na pinagmasdan ni Violet si Vince..nakatupi ang magkabilaang long sleeves neto at walang kaarte arte na humawak sa malalangis parte ng sasakyan..
Di mapigilan ni Violet na mapangiti dahil.sa paglipas ng panahon ay mas lalong gumandang lalaki si Vince..di lang basta gwapo..maganda din ang tindig at pangangatawan ng lalaki..di malabong marameng babaeng magkakandarapa dito lalo na at isa na itong arketikto o stable na rin sa buhay...ngunit bigla napawi ang ngiti ni Violet ng maisip na kay Destiny lang ata napako ang tingin ng lalaki..at kahit maging sa kanya ay di nya mapapantayan ang pagtitinginan ng dalawa..Maya maya ay binuhay uli ni Vince ang makina ng sasakyan at nagtuloy tuloy na ito sa pag andar..
"ayan..ayos na sya Violet.."
ani ni Vince habang pinaandar ang kotse ng dalaga.."salamat Vince.."
ang nangingimeng sabi ni Violet na dahan dahang sumakay sa kanyang sasakyan..Ngunit ng isara na sana ni Violet ang pinto ng.kotse ay.bigla itong.pinigilan ni Vince na kanya namang ikinabigla..
"I'm sorry Violet..I didn't mean to hurt you.."
buong sinseridad na sabi ni Vince..Ngunit sa lumipas na mga taon ay labis na nasaktan si Violet..dahil sa mas pinili at minahal ni Vince si Destiny..kaya.di na rin nya napigilan ang sarili na huwag.sumbatan si Vince..
BINABASA MO ANG
Destiny Rose 2 (Infinite Love)
RomanceA continued story of a transwoman named Destiny Rose. Ang pag ibig ay parang rosas,maganda at namumukadkad ito pag dinidiligan ng pagmamahal,,ngunit sa kabila ng maganda netong bulaklak ay may tinik ito,tinik na kung minsan ay susubok sa dalawang pu...