Sa bahay ng mga Vergara nagpalipas ng gabi si Destiny.
Dito naibuhos nya sa kanyang ina ang sama ng loob sa fiancee at bilang ina ay nag aalala din si Aling Daisy para sa kanyang anak."anak hindi naman sa kinakampihan ko si Gabriel,maaaring may mali sya,maaaring tama sya,base sa kwento mo nakikita ko sa kanya na ginagampanan lang naman nya ang responsibilidad nya bilang ama sa magiging anak nya,maselan kamo ang lagay ni Jhasmine baka naman ginawa lang nya talaga yun para mas maingatan ni Jhasmine ang bata sa sinapupunan nya"paliwanag ng ina kay Destiny.
"Ma,,kung talagang iniingatan ni Jhasmine ang anak magiging anak nila ni Gabriel dapat di na sya nanugud dun sa publishing house,malakas ang loob ng demonyang iyun na saktan si Destiny kasi alam nyang di papalag ang kapatid ko dahil nga buntis sya!"
"Mga anak,wag nyo ng patulan pa si Jhasmine baka anu pa mangyare sa kanya,kayo pa mananagut kay Gabriel"
Ngunit si Destiny ay walang imik na nakikinig lang sa payo ng kanyang ina.
"Anak Destiny..okay ka lang ba?"malamyos na himig ng ina ngunit mababanaag parin sa boses nito ang pag aalala sa anak.
Humugot ng malalim na paghinga si Destiny at yumakap sa ina.
"Magiging okay din ako mama"malungkot na sagot ni Destiny
"Anak mas mainam na mag usap kayo ni Gabriel para magkaliwanagan kayo,pero kung di mo pa kayang kausapin sya sa ngayun dahil masama pa ang loob mo sa kanya,kaya antayin mo munang humupa ang galet mo,
kilala kita anak,nagagalet pero di nagtatanim ng galet"nakangiti ang ina sa kay Destiny."Opo mama,salamat po" mas lalo pang humigpit ang yakap ni Destiny sa ina,kahit panu ay maibsan ang bigat ng kanyang saloobin.
"Maya maya ay dumating ang kanyang ama na galet na galet dahil sa malaman nitong balita.
"Destiny buti at nandito ka,,may ibabalita ako sayo, akalain mo na nakapagpyensa si Jhasmine dahil pala buntis ito! kaya mag iingat ka baka gawan ka naman ng kahayupan ng babaeng yun"
Nababalisang nagkatinginan ang mag iina sa galet na galet na ama.
"Oh!?baket ganyan kayo makatingin?"
"Pa kasi anu..si-si Gabriel po ang nagpyansa kay Jhasmine kasi...kasi po sya po ang ama ng pinagbubuntis ni Jhasmine" halatang takot ang boses ni Destiny.
"Anu?!pinagloloko ka ng gagong Gabriel na yun!wag na wag ko lang makikita ang lokong yun baka pasabugin ko pagmumukha nun!"
mas lalo pang tumindi ang galet ngayun ni Mang Lito dahil sa narinig mula kay Destiny."Lito huminahon ka,pakinggan mo muna ang paliwanag ni Destiny"
"Pa ganito kasi yun,,.." at pinaliwanag ni Destiny sa ama ang lahat ng pangyayare.
Bahagyang kumalma naman ang ama matapos marinig ang paliwanag ng anak.
"Anak Destiny, basta wag na wag ka lang saktan uli nyang Jhasmine na yan!at huwag ko lang mabalitaan na niloloko ka ng Gabriel na yan at sisiguraduhin ko na mamghihiram talaga sya ng mukha sa aso!" galet na banta ni Mang Lito.
Nakadama man ng kunting takot si Destiny para sa fiancee ay yumakap sya sa kanyang ama,masarap din pala sa pakiramdam pag ama ang uang nagtatanggol sa kanya.
Nabigla man si Mang Lito sa pagkayakap ni Destiny ay niyakap nya rin ito,ramdam din naman nya itong may mabigat na pinagdadaanan.
"salamat papa,pero wag mo naman gawin yun kay Gabriel,mahal ko po yun," malambing na tugon nya sa ama.
"Anak Destiny,minsan ko man nakalimutan ang pagiging ama ko sayo ay natauhan din ako,mahal na mahal ko kayo kaya ayokong makitang saktan kayo ng kung sino dahil ako ang makakaharap nila!"
At yumakap na rin si April.
"Baket April?niloloko ka rin ba ng Aries na yun?"
"Hindi papa.nainggit lang ako kay Destiny"
Nakangiti si Mang Lito habang yakap yakap ang mga anak ng bumaling ang tingin sa asawang naluluha habang nakatingin sa kanilang mag iina.
"Daisy naghain kana bago pa tayo magkaiyakan dito"
"Sabi ko na nga Lito"natatwang tugon ni Aling Daisy
"Sya..tama na itong drama na ito baka madiscover pa tayo sa teleserye"
"Si papa talaga panira ng moment"
Sabay nagtawana sila April at Destiny.Napansin ni Aling Dhalia ang nakasimangot si Jhasmine ng umuwe ito ng bahay kaya inusisa nya ang anak kung anu nangyare sa lakad nito.
"Jhasmine kamusta ang lakad mo ngayun araw?nakapagpacheck up kanaba?"
"Walang magandang nangyare sa mga lakad ko ngayun inay"mataray na tugon nito sa ina.
"San kaba kasi nagpunta?"
"Pinuntahan ko si Destiny inay, at mga walang hiyang magkapatid na yun aba'y pinagtulungan ba naman ako!"
"Anu!?nakipag away ka?Jhasmine baka nakakalimutan mo na buntis ka baka mapanu yung bata sa sinapupunan mo!? at syanga pala..napuntahan mo na yung doctor na nirekomenda sayo ni Gabriel?"
" Isa pa yung doctor na yun inay! akalain nyo ba namang sabihin nya saken na di ako buntis,,sabi nya may bukol o cyst daw ako sa matris!!peke ata yung doctor na yun!"naiiritang kwento ni Jhasmine
"Anak,,ang sabi ng doktor?ma-may cyst ka sa matris?"
"Oo inay,at ang sabi pa nya kailangan dw magpakunsolta ako sa isang espisyalista sabihin ko daw kay Gabriel"
"Kailangan anak naalaman ito ni Gabriel para masuri ka baka kailanganin kang maoperahan para maalis kung anu man yang bukol sa matris mo" pag aalala ni Aling Dhalia.
"inay nag iisip ba kayo? pagnalaman ni Gabriel na hindi ako totoong buntis malamang tapos na tayo!wala nang sustento sakin at malamang ay maibabalik ako sa kulungan! gusto nyo bang manyare yun!?"
Ayaw man mangyare ulit sa anak ang makulong ngunit nangingibabaw ang pag alala ni aling Dalia sa kalusugan ng anak.
"Pero anak,hahayaan mo na lang ba ang bukol sa matris mo? baka ikamatay mo yan?"
"Hindi syempre inay,pero ang gusto ko ay maikasal muna kami ni Gabriel bago pa man malaman ni Gabriel ang totoong kondisyon ko nang sa ganun ay wala na talaga syang kawala saken!"
"a-anung pinaplano mo anak?"
"sa ngayun ay wala pa akong naiisip,kailangan kong malaman muna ang mga kilos nila Gabriel at Destiny"
"panu mo magagawa yun anak,di kana sa publishing nagtatrabaho?"
"yun nga din ang iniisip ko,di na ako makapsok sa publishing house dahil nagalet saken si Gabriel nang makita ako dun,,pero wag kayong mag alala..magmamasid parin ako dun"
"anak,nag aalala ako para sayo,sana magpatingin ka muna sa espisyalista baka malubha na yang kalagayan mo"
"pangako inay..magpapakunsolta ako sa magaling sa doktor pero sa ngayun ay kailangan maisakatuparan muna ang plano ko"
"pangako yan anak ha,,pero mag ingat ka baka malaman ni Gabriel ang pinaplano mo"
"Oo naman inay mag iingat ako,at sisiguraduhin ko na mapupunta saken si Gabriel bago pa nya malaman ang lahat"
Determinado si Jhasmine sa pag agaw muli kay Gabriel mula kay Destiny.
BINABASA MO ANG
Destiny Rose 2 (Infinite Love)
RomanceA continued story of a transwoman named Destiny Rose. Ang pag ibig ay parang rosas,maganda at namumukadkad ito pag dinidiligan ng pagmamahal,,ngunit sa kabila ng maganda netong bulaklak ay may tinik ito,tinik na kung minsan ay susubok sa dalawang pu...