Tinanghali na ng gising si Destiny dahil napuyat sa kakaiyak sa ngadaang gabi..
kaya naman agad syang nag ayos sa sarili upang kausapin ang fiancee.."buti naman at nagising kana..kakatukin na sana kita eh.."
sabi ni April ng mabungaran sya neto sa kanyang silid..ngunit di na nya pinansin ang sinabi ng kapatid at dali dali sana syang lalabas ng silid..
"oh!san ka pupunta?"
pagtatakang tanung ni April.."ate April..pupuntahan ko lang si Gabriel..
may sasabihin lang ako sa kanya.."
pagmamadali nyang palabas.."umalis na si Gabriel..kanina pa..
nagulat nga ako baket parang nagmamadali sya.."
tugon ni April.."hah?"
napatigil si Destiny sa pinto.."ang sabi daw may aasikasuhing kasal"
napangiti pa si April sa sinabi..Nawindang si Destiny sa kanyang narinig mula sa kapatid..
"naku Destiny ah..mukhang hindi na talaga kayo paaawat ni Gabriel.."
panunukso pa nang kapatid..ngunit di nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha ng napatitig sya kay April..
"oh baket?"
naalarma naman si April dahil sa biglang pagluha ni Destiny kaya nilapitan nya ito.."a-ate April..pakakasalan nya si Jhazmine.."
naluluhang bulaslas nya sa kapatid.."ANO!?"
ang gulat na nasambit ni April..Magmula ng tagpo nila ni Destiny at Gabriel ay mailap na ang binata kay Destiny..
at kahit nagkakasalubong sila sa publishing ay ang binata na ang kusangnumiiwas sa kanya..
Sadyang napakasaket para kay Destiny ang paglayo ng loob sa kanya ng binata..
ngunit sa kabilang banda ay naisip na rin nya na para sa ikabubuti na rin ng lahat ang nangyare sa kanila ni Gabriel..Isang umaga habang nang bubuklat ng mga files si Destiny ay masayang sumulpot si Jhazmine sa kanyang opisina..
"Good morning.."
masayang bati ni Jhazmine..Bagamat nagulat si April at Destiny ay tinanggap naman ito ni Destiny ngunit umalma si April..
"anung ginagawa mo dito?manggugulo ka naman?"
asik ni April sa bumisitang pinsan.."Ate April.."
saway ni Destiny sa kapatid..Tumingin ng derecho si Destiny kay Jhazmine..
"anung ginagawa mo dito Jhazmine?"
diin na tanung ni Destiny.."ito naman ang ha-high blood nyo naman..
umagang umaga.."
nakangiti parin si Jhazmine sa kanila.."sino ba namang hindi mahigh blood kung kampon ni lucifer ang bubungad sayo sa umaga.."
bulong na sabi ni April..ngunit nahagip iyon ni Jhazmine kaya naman tumaas ang boses neto!
"anung sabi mo!"
pag alma ni Jhazmine.."ate April tama na!"
awat nya sa kapatid sabay baling kay Jhazmine.."Jhazmine..sabihin mo na ang pakay mo dahil mga busy kameng tao!"
pigil nyang inis sa pinsan..Bumalik naman sa masiglang mood ang mukha ni Jhazmine habang kaharap si Destiny..
"well..nagpunta lang naman ako dito..
para ibigay ang invitation para sa kasal namen ni Gabriel..
dahil malalapit ko naman kayong kamag anak kaya dapat lang naman na nandun kayo sa araw ng kasal ko.."
tuwang tuwa ngunit may bahid na sarkastik ang himig ni Jhazmine sabay abot sa sobre..
BINABASA MO ANG
Destiny Rose 2 (Infinite Love)
عاطفيةA continued story of a transwoman named Destiny Rose. Ang pag ibig ay parang rosas,maganda at namumukadkad ito pag dinidiligan ng pagmamahal,,ngunit sa kabila ng maganda netong bulaklak ay may tinik ito,tinik na kung minsan ay susubok sa dalawang pu...