Chapter 48

163 7 13
                                    

Di maalis sa isipan ni Destiny ang pagtatalo nila ng kanyang ama..
Batid nyang masama ang loob ng ama nya sa kanya..
kaya naman di maiwasang maapektuhan ang kanyang trabaho ngayun..nasa opisina sya ngunit wala naman ang kanyang focus dito..

"Destiny..lunch break na..tara na sa cafeteria.."
aya ni April sa kanya..

"Mauna kana ate,tatapusin ko muna itong ginagawa ko.."
alibi ni Destiny ngunit ang totoo ay wala talaga syang ganang kumain..

"Kaninang umaga,nag kape ka lanng tapos ngayun di ka na naman kakain?"
pag aalalang tugon ni April

"Kahit sino naman siguro ate April pagmay problema sadyang mawawalan talaga ng ganang kumain..lalo na at tatlong araw na lang susunduin na ni Gabriel si Gabby sa bahay..ayokong magkagulo o baka umabot pa sa sakitan pagnagkita sila papa at Gabriel.."
malungkot na ani ni Destiny..

"Kunsabagay may point ka..pero dapat di mo rin pinababayaan ang sarili baka kung mapanu ka..pero teka..baket di mo ulet kausapin si sir Gabriel tungkol dito..sabihin mo sa kanya na willing ka naman gawin ang gusto nya pero di pumapayag si papa.."

Napaisip si Destiny sa suhesyon ng kapatid..

"Makiusap ka kay sir Gabriel na kong pwede ay bigyan kapa ng palugit para maipaliwanag ng husto kay papa ang gusto nya..di rin naman ganun kadali para samen na malayo kay Gabby..napamahal na rin samen yung bata.."

Nakumbensi sya ng kanyang ate na kausapin upang pakiusapan si Gabriel..

"Sige ate kakausapin ko si Gabriel.."

"Destiny,,mabait naman si Sir Gabriel..alam kong papayag yun.."

Matamlay na tumango na lang si Destiny sa kapatid..

"Oh!?halika na sa cafeteria.."
pag aya ulit ni April sa kapatid..

"Mauna kana lang ate..naisip ko na ngayun ko na lang kakausapin si Gabriel..pupuntahan ko na lang sya sa opisina nya.."

"Sige..pero sumunod ka ah..balitaan mo agad ako sa napag usapan nyo.."

"Oo ate,"

Sa pag alis ni April sa kanyang opisina ay agad din namang kumilos si Destiny upang puntahan at kausapin si Gabriel sa opisina neto..

Habang naglalakad sa pasilyo ay nasalubong ni Destiny si Vince at napansin nyang palinga linga ito na tila may hinahanap..

"Vince!"
tawag nya sa kaibigan

"Destiny!"
at masiglang lumapit si Vince sa kaibigan..

"May hinahanap kaba?"
tanung ni Destiny

"Wa-wala naman..actually papunta talaga ako sa office mo para ayain sana maglunch..last day ko na kasi dito ngayun natapos na namen yung expansion ng printing house..ililibre sana kita kasi alam kong matatagalan ulit bago tayo magkita..sobrang busy mo kasi"
ngunit ang paningin ni Vince ay inilibot parin na tila may gustong makita

Kilala ni Destiny si Vince,alam nyang di naman talaga sya ang pakay ng kaibigan..
ngunit sa di kalayuan ay natanaw ni Destiny si Violet na nakatitig sa kanila..

"Natutuwa naman ako sayo Vince..hanggang ngayun galanti kapa rin saken..pero may mahalagang tao kasi akong kakausapin sa ngayun..pero makakaasa ka na sa susunod sasama na talaga ako sayo.."

"Nauunawaan ko pero sa susunod ah..
di na lunch..friendly date na.."
may bahid na pagkadismaya na himig ni Vince

"Sure Vince..pero sa ngayun ay may naisip ako na dapat mong ayain"

"Sino?"
pagtatakang tanung ni Vince..

"Vince..wag kang lumingon sana likuran mo si Violet..ayain mo syang maglunch dahil sa kanya ka dapat bumawe.."
saka lumakad si Destiny ngunit saglit na huminto sa gilid ni Vince saka bumulong..

Destiny Rose 2 (Infinite Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon