Pagkaalis ni Gabriel sa bahay nila Jhasmine ay agad namang nag uusap ang mag ina sa dramang kanilang isinagawa.
"Inay parang di naman ata umepek yung drama naten,yung baklang Destiny parin ang pinili ni Gabriel!"
inis na sabj ni Jhasmine."sa tingin ko parang may magandang resulta ang drama naten,mag antay lang tayo anak"
"sana nga magtagumpay tayo sa plano naten bago pa mabuko ni Gabriel na di talaga ako totoong buntis!"
"kung di man umepek kay Gabriel kay Destiny tiyak tatalab ang drama naten"
"anung ibig nyong sabihin inay?"
"basta maghintay ka lang"
nakangisi si aling Dhalia sa anak.Excited na nag aantay sa pagdating ni Gabriel si Yvonne upang makikibalita sa date ng anak kay Destiny
Ngunit napansin nyang malungkot ang mukha ng anak kaya nag alala sya dito.
"Gabriel kamusta ang date nyo ni Destiny?nagka ayos naba kayo?"
"Sad to say mama pero di kame natuloy ni Destiny sa date namen"
"Ha!?"what happened?"
"si Jhasmine mama,nagwawala sa sobrang depressed sa kalagayan nya ngayun, kaya pinuntahan ko sya,,she wanted our baby to be legitimate"
"ibig sabihin gusto nyang pakasalan mo sya?"
"di nya deriktang sinabi saken pero yun ang punto nya"
"pakakasalan mo ba sya anak?"
"of course not mama,sinabi ko na yun sa kanya kasi ayokong maging unfair samen pareho"
" I understand you hijo"
"thanks and goodnight mom,,excuse me po gusto ko nang magpahinga"
"anak ayaw mo munang kumain?kasi sabi mo di kapa nag dinner"
"thanks po mama pero wala po akong gana"
"okay hijo"
Humalik si Gabriel sa kanyang ina at pumanhik na ito sa kanyang silid.
Naaawa si Yvonne sa sitwasyon ng anak ngunit ang bukod tangi nyang magagawa ay ipagdasal na lang ito na malagpasan ang anung mang suliranin na kinakaharap neto.
Nakahiga at tahimik na lumuluha si Destiny,
Naguguluhan man sya sa sitwasyon nila ni Gabriel ay nanaig parin ang pagmamahal nya sa binata.Natigil ang kanyang pagmumuni muni ng may narinig nyang marahang kumatok sa pinto ng kanyang silid ang kanyang tito Armani.
"Pasok po kayo tito"
agad syang bumangon at pinunasan ang kanyang mga luha.Pumasok naman si Armani at umupo ito sa gilid ng kanyang kama.
"Just came here para kamustahin ka"
"okay lang naman po ako tito,,nag enjoy po ako sa dinner date namen ni Vince"
pilit syang ngumiti sa kanyang tito Armani."buti naman kung ganun pero nakikita ko sa mga mata mo na malungkot ka"
Yumuko si Destiny at tuluyan ng bumagsak amg mga pigil na luha.
"alam mo Destiny sa totoo lang mahirap din yung part ni Gabriel na pakisamahan ang taong ayaw nyang makasama alang alang sa anak nya"
"yun din po ang naisip ko tito Armani..kaya nga po pilit ko po syang iniintindi kahit masaket na"
Niyakap ni Armani si Destiny upang aluin ito.
"anak alam ko ang bigat na nararamdaman mo pero naniniwala ako sa mahal na mahal ka ni Gabriel at alam kung kahit anung mangyare ay ipaglalaban ka nya kaya wala kang dapat na ipag alala"
BINABASA MO ANG
Destiny Rose 2 (Infinite Love)
RomanceA continued story of a transwoman named Destiny Rose. Ang pag ibig ay parang rosas,maganda at namumukadkad ito pag dinidiligan ng pagmamahal,,ngunit sa kabila ng maganda netong bulaklak ay may tinik ito,tinik na kung minsan ay susubok sa dalawang pu...