Chapter 15

126 6 0
                                    

Walang inaksayang oras si Jhasmine,,maaga itong umaaligid aligid sa publishing house upang bantayan ang mga kilos nila Gabriel at Destiny,ngunit mahirap sa kanya ang makakalap ng imporsyon dahil hindi naman sya nakakapasok sa publishing house dahil ipinagbilin sa mga guards sa off limits sya sa loob ng publishing.

"Sayang at wala si Miss Bethilda kung nandyan yun,mas madali kong mababantayan ang kilos ng dalawang yun"naiiritang bulong ni Jhasmine sa sarili.

Naagaw ang atensyon ni Jhasmine sa dalawang lalaking nag uusap na pawang empleyado ng publishing house.

"pare baka may extra ka pang pera jan pahiram naman kasi nasa ospital ang inaanak mo"

"Pare pasyensya kana kapapanganak lang ng kumare mo talagang nasagad din ako"

"ayos lang pre,nagbabakasali lang naman ako,"

"pasyensya kana ulit pre,pasok na ko sa loob pre tapos na break time ko"

"sige pre salamat,"

Sinunggaban ni Jhasmine ang pagkakataon na ito...

"Psst..! halika dito"nakangisi si Jhasmine sa lalaking kanina lang ay nangungutang sa kumpare nito.

"M-Miss Jhasmine,anu ginagawa nyo rito?"

"Wala ka nang pakialam kung anu ginagawa ko dito ang importante ay masusulosyunan ko ang problema m0!" naiirita man sa lalaki ay nanatili syang nakangiti si Jhasmine.

"Talaga po!?naku Miss Jhasmine hulog po kayo ng langit,salamat po!"

"Hep! hep! bago mo ako pasasalamatan syempre may gagawin ka para saken?"

"Anu po ibig nyong sabihin?"

At binulong na nga si Jhasmine ang nais ipagawa ni Jhasmine sa lalaking nangangailangan.

Ibinuhos ni Destiny ang sarili sa kanyamg trabaho.
Iniwasan nya na okupahin ni Gabriel ang kanyang isipan.
Halos mag iisang linggo na rin nyang iniiwasan at di sinasagot ang mga tawag ng fiancee dahil masamang masama ang loob nya sa binata.

Binisita sya ng kanyang tito Armani isang araw sa kanyang opisina.

"Tito Armani napasyal po kayo?"

" Alam ko na hindi maganda ang mood mo nitong mga nakaraang araw,but i think this will help to cheer you up"nakangiti si Armani sa anak anakan.

"Anu po yun Tito?"

"Minsan nabanggit mo saken na gusto mong magkaroon ng medical mission sa Leyte,,specially dun sa mga kalugar mo?"
"opo tito,i remember that"

"well some of pharmaceutical dito sa ating bansa ay nagcomply at nagdonate sila ng mga gamot"

"really tito!"

"yes hija at may ilang private sector na willing din mag donate ng cash to help raise the fund"

"that's great tito! marame tayong matutulungang libreng serbisyong pangmedical sa mga taong nasalanta ng bagyo"at sumilay ang ngiti sa labi ni Destiny.

"I knew you would be happy to hear this hija, sa katunayan hija may mga ilang doctors na willing sumama papunta sa Leyte to support your project,some of them are health volunteer ng "Project Build a Life" ni Gabriel"

At tipid na syang ngumiti sa tito ng marinig ang pangalan ng fiancee.

"Hija i knew you have a hard time with Gabriel this past few days pero diba dapat pag usapan ninyo ng maayos ang inyong problema?"

Napatingin sya sa kanyang tito Armani..

"Destiny hindi makakatulong ang pag
iwas mo para magkaayos kayo ni Gabriel,wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo anak,"

"Naguguluhan lang siguro ako aa ngayun tito,pero wag po kayong mag alala,kakausapin ko na po si Gabriel"

"That's good hija,by the way di lang pala regarding sa project mo ang pinunta ko dito"

"May ibang pakay pa po ba kayo saken Tito?"

"Kasi hija,pinakiusapan ako ni Gabriel na kausapin ka kasi gustong gusto kana nyang makausap kaso iniiwasan mo dw sya at hindi mo rin sinasagot ang tawag nya,ang sabi nya saken gusto daw nya sana makipag usap sayo mamaya sa favorite place nyo"

Napangiti naman si Destiny dahil talagang nag effort pang kuntsabahin ang Tito Armani nya para lang makausap sya ng fiancee.

"sige po Tito darating po ako"may excitement namang naramdan si Destiny.

"okay hija,inform ko lang din si Gabriel na pupunta ka,at sana magkaayos na kayong dalawa,ramdam ko naman talaga Destiny na mahal na mahal ka ni Gabriel,"

"salamat po titio"

"sige di na ko magtatagal, i have to leave kasi may aasikasuhin pa ako"

"okay po tito and please tito wag po kayong masyadong magpagod"

"i won't hija, before i forgot siguro mga two weeks from now ay maihahanda na naten ang lahat para sa project mo sa Leyte and enjoy mo ang dinner nyo ni Gabriel later"

"thanks po again tito"

Nang maiwang mag isa si Destiny ay nanumbalik ang isip nya kay Gabriel,sa totoo lang ay namiss na nya talaga ang binata,kaya naman ganun na lang ang kanyang pagka excite sa pagkikita nila ng fiancee mamaya.

Kinahapunan ay masayang naggayak si Destiny para sa dinner nila ni Gabriel,
Habang naglalakad sya sa hallway ng publishing ay napasin nya amg isang janitor na nooy nagmo mop ng sahig kaya naman ito'y kanyang nilapitan at punuri.

"Kuya ang sipag nyo naman po,nagsisi uwian na po yung iba,baket di pa po kayo umuuwe ?mukhang malinis na naman po dito"

"Miss Destiny tinatapos ko lang po ang ito,mamaya kunti ay uuwe na rin po ako"

"Sige kuya at alam kong hinihintay kana din ng pamilya mo,lalo na mga anak mo"

"opo Miss Destiny,,,syanga po pala baket mag isa na lang po kayo?si air Gabriel po?"

"May lakad kame ni Gabriel,sa katunayan po ay inaantay na nya po ako sa dinner namen"

"Ganun po ba,enjoy po kayo ni Sir Gabriel,"

"salamat kuya,sige po mauna napo ako sa inyo"

At tumalikod na si Destiny sa janitor.

Siniguro muna ng janitor na nakalayo na si Destiny bago nya dinayal ang numero ni Jhasmine.

"Hello Maam Jhasmine..."pagbabalita ng janitor kay Jhasmine.








Destiny Rose 2 (Infinite Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon