Hanggang sa loob ng opisina ni Destiny ay gigil na gigili at naguguluhan parin si April sa ginawa at pinagsasabi ni Jhasmine.
"Ate huminahon kana"awat ni Destiny sa nakakatandang kapatid.
"Destiny magsabi ka nga saken ng totoo!anu ba talaga ang nangyre?totoo ba lahat ang sinasabi ng hayup na Jhasmine na yun!?"
Umupo si Destiny sa kanyang shivel chair at nasapo ang ulo na halatang naguguluhan na din sya sa mga nangyayare sa kanila ni Gabriel.
"Hindi ko din alam ate,,ang alam ko lang na buntis si Jhasmine,pero ang palayain sya ni Gabriel,..wala akong alam dun!"naiiyak na tugon nya sa kapatid.
Kahit anung pigil ni Destiny na wag pumatak ang luha ay kusa itong rumaragasa sa kanyang mga mata dahil pakiramdam nya sinaksak sya patalikod ng fiancee alang alang sa anak neto kay Jhasmine.
"panung nangyare na nabuntis si Jhasmine?"
Ipinaliwanag naman ni Destiny kay April ang nagyare kay Gabriel at Jhasmine sa Italy at naintindihan naman ito ni April pero ang palayain nito ni Gabriel ang hindi nya maunawaan.
Napansin ni April ang pananahimik ni Destiny habang nakakubli ang mga palad neto sa kanyang mukha,ramdam nya ang tahimik na pagluha neto.
Lumapit si April sa kapatid at niyakap nya ito.
"Destiny okay ka lang?"pag aalala ni April sa kapatid.
"okay lang ako ate"
"Alam kong mabigat ang pakiramdam mo ngayun,kung gusto mo umuwe na lang muna tayo sa bahay para makapagpahinga ka muna,"alam din kasi ni April na naging busy si Destiny nitong mga nagdaang araw,late na rin minsan nakakauwe dahil sa movie project neto,at idagdag pa ang nangyare kanina.
"Sige ate,tatapusin ko lang itong mga dapat kung pirmahan,wala din talaga akong gana magtrabaho ngayung araw at isa pa namiss ko na din si mama,"malungkot na tugon ni Destiny sa kanyang Ate.
Nang isa isahin ng buklatin ni Destiny ang mga files ay biglang bumukas ang pinto at si Gabriel ang iniluwa dito.
"Destiny we need to talk please..."pagmamakaawa ni Gabriel sa fiancee.
Tumayo si Destiny mula sa kanyang kinauupuan at humugot ng malalim na paghinga.
"Ate April,pwede bang iwan mo muna kame" nanginginig sa galet ang tono ni Destiny.
Tumango lang si April at pumukol ng matalim na tingin kay Gabriel.
Nang maisara na ang pintuan ay di na mapigilan pa ni Destiny ang kanyang emosyon.
"Baket di mo sinabi saken ang tungkol sa paglaya ni Jhasmine ,Gabriel!?" pigil na galet ang tono ni Destiny.
"I was suppose to tell you about this but you're too busy and very much entertained with Dave!" sarkastik na tono ni Gabriel.
"Hindi totoo yan! at huwag mong idamay si Dave dahil wala syang kinalaman dito!Ginagawa mo ba ito para gantihan ako dahil nagseselos ka sa kanya!?" asik ni Destiny
"of course not! I didn't mean to do that! all i wanted is my child's welfare at di ko sinasadyang maisali si Jhasmine dito dahil alam mo naman na dinadala nya ang anak ko!"
"sige Gabriel..pipilitin kong unawain amg ginagawa mo!kahet masaket tatanggapin ko alang alang sa anak na di ko kayang ibigay sayo! pero ipaalala ko lang din sayo,,na minsan na akong pinahirapan at kamuntikang patayin ng taong pinalaya mo!at gusto ko ring intindihin mo ang sasabihin ko!..."
Humugot nang malalim na paghinga si Destiny bago pinagpatuloy ang sasabihin..
"Gabriel,,.i need space.."
Nagulantang si Gabriel sa huling katagang sinabi ni Destiny..
"No please Destiny...im sorry..i didn't mean to hurt you"sinubukan pa nyang yakapin ang fiancee ngunit tinulak sya ni Destiny.
"Get out of my office Gabriel!"mahinahon ngunit pigil na galet ang tono ni Destiny
"Destiny please.."pagmamakaawa ni Gabriel.
Ngunit buo na ang pasya ni Destiny na wag na munang makita at makipag usap sa fiancee.
" I said leave!"buong tapang na sigaw ni Destiny at pinagtutulakan nya itong palabas ng kanyang opisina sabay padabog na isinara ang pinto.
Di na napigilan pa ni Destiny na humagulgol sa likod ng pintuan dahil sa sama ng loob sa fiancee habang naririnig parin nya sa kabilang panig ng pinto ang pagmamakaawa at paghingi ng tawad ni Gabriel sa kanya.
"Destiny please...I'm sorry"
"Leave me alone Gabriel!"patuloy sa paghagulgul ni Destiny.
Di na napigilan ni April na maawa sa kapatid kaya maging sya ay nakiusap ma rin kay Gabriel.
"Sir Gabriel nakikiusap ako sa inyo,hayaan nyo muna ang kapatid ko!"madiin na pakiusap ni April
Lulugong nilisan ni Gabriel ang pintuan ng opisina ni Destiny.
Nang araw ding iyon ay pinuntahan ni Jhasmine ang OB gyne na nirekomenda ni Gabriel kay Jhasmine,kilala kasi ng binata ito dahil isa din ito sa mga volunteer health worker ng 'Project of Life' na organisasyon ng binata.
"okay napo Miss Jhasmine"inabutan ng doctor ng tissue si Jhasmine dahil tapos na ang 'transvaginal' na isinagawa sa kanya,isang uri ito ng ultrasound.
Pinaupo muna ng doctor ang dalaga habang inaantay pang maprocess ang resulta ng isinagawang test kay Jhasmine, di nagtagal ay lumabas na rin ang resulta at binasa ito sa harap ni Jhasmine.
"Miss Jhasmine may ilang katanungan lang po ako sa inyo"ani ng doctor
"buwan-buwan po ba kayo nireregla?"
"Hindi po,minsan tuwing makalawang buwan,pero netong huli ay hindi napo talaga"sagot naman ni Jhasmine.
"Miss Jhasmine nakararanas kaba ng pananakit ng puson at balakang minsan?"
"Opo minsan sumasaket puson ko,nakakaramdam din ako ng pagsusuka,pagkahilo at minsan naghahanap ako ng gusto kong kainin pero wala akong ganang kumain,diba doc normal lang naman yun sa mga nagbubuntis!?"kasi yun ang sabi ng nanay ko"masayng kwento ni Jhasmine.
"Miss Jhasmine, i think you need some test, base dito sa ultrasound hindi kayo buntis,may bukol o cyst kayo sa matris"
"Anung sinasabi nyo dyan doc!?baket dun sa clinic naririnig pa nga nila ang pintig ng puso ng baby ko sa sinapupunan ko"
"Miss Jhasmine calm down,ganun po ang Ovarian New Growth,minsan pumipintig pintig na akalain mo na pulso ng baby pero hindi pala,yung mga nararanasan mong kaparehas ng pagbubuntis ay ganun din kasi ang sintomas neto,mas mainam na sumangguni kayo sa isang specialist para maagapan agad ang kondisyon nyo"
"sigurado ba kayo dyan sa resulta nyo?naiiritang tanung ni Jhasmine sa doctor.
"Accurate po ang test result namen Miss Jhasmine,as I said dapat sa isang specialist sumangguni para makasiguro kayo, don't worry i will explain Gabriel about this"
"wag!,,a-ako na lang magsasabi sa kanya,,wag na wag mo munang banggitin ito sa kanya ako na bahalang magpaliwanag" nababahalang tugon ni Jhasmine sa doctor
"okay kung yan ang gusto mo,pero kung need pa ng further explanation regarding sa condition mo,tawagan nya lang ako paki sabi kay Gabriel"
"s-sige doc,tatawagan ka na lang namen," at nagmamadaling lumabas ng ospital si Jhasmine.
Halos wala sa sarili ng umuwe ng bahay si Jhasmine dahil sa nalamang kondisyon neto.
Gumuho ang kanyangbmga plano na para sa kanila ni Gabriel at ang kinatatakutan nya ay pagnalaman pa ni Gabriel na hindi sya buntis ay iiwan at kamumuhian na naman sya ng binata.
"Di pwedeng mapunta sa iba at lalong lalo na kay Destiny Gabriel akin ka lang!! nangangambang bulong nj Jhasmine sa sarili.
Nag iisip sya at nakabuo ng isang plano...
BINABASA MO ANG
Destiny Rose 2 (Infinite Love)
RomanceA continued story of a transwoman named Destiny Rose. Ang pag ibig ay parang rosas,maganda at namumukadkad ito pag dinidiligan ng pagmamahal,,ngunit sa kabila ng maganda netong bulaklak ay may tinik ito,tinik na kung minsan ay susubok sa dalawang pu...