Chapter twenty-five

5 0 0
                                    

"Tubig, gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Kakarating ko lang galing sa isang comshop dahil nageedit kami ng mga kaklase ko sa research paper namin. Nauhaw ako dahil sa pagkakatakbo mula doon hanggang dito sa Municipal Plaza.

Hindi niya kasi sinabi na pupunta siya rito.

Umiling si Hexan. "Hindi, ayos lang. " Ngumiti siya sa akin. Tumango naman ako at nagpatuloy sa pag-inom ng tubig.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ko itapon ang walang lamang botelya ng tubig.

"May kinausap lang sa malapit." Sagot niya sa akin. Tumango nalang din ako.

I waited for him to say something after that. But he didn't. Nakatingin siya sa malayo, parang may malalim na iniisip.

"May problema ka ba?"

Tumingin siya sakin. "Wala naman, may iniisip lang." Sagot niya.

"Ano iniisip mo?"

"Mga maling desisyon ko. " He said seriously.

Kumunot ang noo ko. "You sound so serious. Gusto mo bang pag-usapan?"

Umiling siya. "Wala, problema lang sa bahay.." He sighed.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ako makapagsalita dahil parang wala siya sa mood. Ano kaya ang problema?

Should I lighten up his mood? Alam ko na.

"Saan nga pala tayo papasyal sa susunod?" Tanong ko sa kanya, a bit lively.

"Aren't you tired like you said?  We've been exploring the whole Argao for a month now." He chuckled.

Totoo naman iyon. Inikot namin ang buong Argao. Natigil lang one week ago dahil nagpass muna ako. Nagagalit na kasi si mama, gala daw ako ng gala. Hindi ko na sila nakakausap tuwing gabi dahil sa pagod.

"Ayos na ako, ano. Nagpahinga lang saglit." Sabi ko sa kanya. "So, asan tayo? Btw nabalitaan ko open na ulit ang Flower Farm ng Dalaguete. Punta tayo? Libre ko naman."

Nakita ko kasi sa facebook. Nung nakita ko yun, siya ang unang naisip ko. Gusto kong puntahan namin iyon. Ang ganda kasi, puno ng bulaklak.

"Wag na muna Jaley. Next time nalang." He swallowed.

"B-Bakit? Busy ka ba?"

"Oo e.." He sighed, tumunog bigla ang cellphone niya. Nung nakita niya ay nakita kong parang bumagsak ang balikat niya.

"Ayos ka lang?"

"Sorry Jaley, kailangan ko na umuwi." He bid goodbye. Tumango nalang din ako at ngumiti kahit pilit. He tapped my head and walked away.

I just stared at his back. May problema kaya? Two nights ago, hindi na rin siya nakakapagreply ng maayos.  Iniisip ko, may problema kaya sa pamilya niya?

Baka nga sa pamilya niya. He looked so broken.

Napailing nalang ako at umuwi na. Mas mabuti na rin siguro. Makakapagpahinga ako sa bahay. Sobrang stressed na din kasi ako sa research.

"Ano kamo? May problema siya?" Riza asked me. Magkasama kasi kami ngayon dahil inaayos namin ang ihahandang research papers na para sa proposal hearing ng research namin.

"Oo, e. Nung last na kita namin, parang sobrang lungkot nya."

"Bakit daw?"

I shrugged. "Hindi ko alam. Hindi naman siya nags-share."

"Baka wala lang siya sa mood nung araw na iyon. " Riza said. I looked at her sadly. "Wait, kailan ba iyon?"

"Five days ago." I said.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon