Chapter Four

24 3 0
                                    

I stopped writing when someone slammed   a piece of bondpaper on my desk.  I looked up and furrowed my brows at GQ.

"Ano iyan?" tanong ko at itinuro ang bondpaper.

"YouthJam, sali ka!"  GQ said, excitedly. I closed my notebook and  looked at the bondpaper. It's a permission slip for the YouthJam.

Things you only need to bring:
1. Mat
2. Blanket
3. The Permission Slip
4. Extra Shirt

Time: 5:00 PM until 8:00 AM

"Ayoko, wala akong pera." Sabi ko at isinauli sa kanya ang permission slip.

"Free iyan, amaw!" sabi niya at ibinalik ulit sa akin ang permission slip.

"Sure ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo naman, tanungin mo pa si Raquel.  Sige naaa, sali ka na!" pamimilit niya sakin.

"Oy, narinig ko pangalan ko." Nilingon namin si Raquel na lumalapit samin.
She's our classmate.

"Inaaya ko siyang sumali ng YouthJam, girl." sagot ni GQ sa kanya, flashing her the slip.

"Ah,oo. Sali ka. Sa Sabado na iyan. Tsaka, free lahat.  May give-away  YouthJam tshirts din.  Punta ka." aya ni Raquel sakin. Tsaka ko lang naalala na mahilig nga pala si Raquel sa mga youth organizations. She's maybe one of the officers of this program.

"Punta ka na! Para may kasama ako.  Ha? Ha?" si GQ na inaalog pa ako.

"Susubukan ko." I said and kept the permission slip inside my bag.

Days passed in a blur. Sabado na  ngayon, at hinahanda ko na ang mga gamit ko para sa YouthJam mamaya. Nakabihis na din ako.

"Ann, nasayo ba charger ko?!" sigaw ko sa kapatid kong si Ann na nasa baba. 

Iyon nalang ang huling kailangan ko e. Nandito na sa backpack ko lahat. Malong, maliit na pilow, tsaka extra t-shirt. Hindi na ako nagdala ng mat, share nalang kami ni GQ.  My phone is already inside too. Ang charger ko nalang ang kulang. Oops meron pa pala. Pera.

"Nandito!" Sigaw ng kapatid ko mula sa baba. I tsked and grabbed my bag. Bumaba na ako sa sala. Naabutan ko siyang ginagamit ang cellphone niya habang nagcha-charge.

"Ann! Ilang beses ko na ba sinabi sayo na huwag mong gagamitin ang cellphone mo habang nagcha-charge ka! Gahi kaayo ka ug ulo!" I scolded her. I told her countless of times that it might damage her phone too. 

"Sorry na. May nire-replyan lang ako kaso lb na ako." Sabi niya.  Kinuha niya na din yung charger mula sa saksakan at binigay sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sinong ka-chat mo ha?"

"Wala! Classmate ko lang!"

Hindi ko na siya pinansin at pinuntahan na si Mama sa kusina para makapag-paalam.

"Ma, ari na ko."

"Hindi ka ba maghahapunan muna? Mag-utan baya unta ko." Sabi niya. May mga gulay nga na nakahanda sa lamesa.

"Hindi na ma. Doon nalang. May free dinner naman doon." Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Hala sige.  Amping ka doon ha?"  Tumango ako kay Mama.

"Pakisabi nalang kay Papa na naka-alis na ako."

Naghintay ako ng pampasaherong motor na masasakyan sa labas.  Sinulyapan ko ang relo ko, alas cuatro y media na. Makakabot pa ako, thirty minutes lang naman biyahe mula dito sa Usmad hanggang sa lungsod.

Thirty minutes later, dumating na ako sa harap ng Coliseum. I sighed. This Coliseum again.

Palagi naman akong pumupunta dito sa Coliseum noon. Every year akong sumasali sa Inter High e. I don't know why it feels weird this time.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon