Chapter Sixteen

21 3 0
                                    

Minsan oo
Minsan hindi
Minsan tama
Minsan mali

My lips parted as I look up at Hexan.
Nasa gitna pa din kami ng Coliseum dalawa, nakaharap sa isa't isa.

"Akala ko umuwi ka na.." sambit ko. Hindi ko alam kung naririnig niya ako dahil sa ingay ng tugtog at pagsabay ng mga tao sa kanta. 

"Hindi. Hinintay kita."

Umaabante,
Umaatras.
Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag-ibig mo?

"B-bakit mo ko hinintay?" hindi ko napigilang itanong.

Bahagyang nangunot ang noo niya. "Bakit hindi kita hihintayin?"

Napalunok ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay mas maingay ang puso ko kaysa sa buong Coliseum.

Kaya mo bang isigaw?
Iparating sa mundo...

"Paano kung hindi ako dumating?" Buong tapang kong balik tanong sa kanya.

He bit his lips and looked away. "Alam kong dadating ka." tugon niya.

"Hexan.." tanging pangalan niya lang ang nasambit ko.

"Kung..hindi ka pa dumating, hihintayin pa din kita. Hanggang sa matapos to."

Tumingin saking mata
Magtapat ng nadarama
Di gusto, ika'y mawala
Dahil, handa akong ibigin ka

"Salamat." Ngumiti ako. "Salamat dahil hinintay mo ko."

Ngumiti din siya. "Wala yon."

Tumango lang din ako at tumingin na sa harapan, hindi alam ang sasabihin. Ano, dito lang ba kami? Tatayo?

"Jaley." Tawag niya.

"Oh?"

He offered his hand. "Tara?"

I stared at his hand for a while and nodded. I placed my hand on his.

"Tara."

Kung maging tayo
Sayo lang ang puso ko..

Tahimik lang ako habang nakatingin sa harapan. Pinapanuod ko ang bandang Silent Sanctuary na tumugtog.

Dito pinili ni Hexan na maupo sa bleachers sa may left side ng Coliseum. Malapit lang kami sa stage dahil nasa may harapan kami.

"Wala ka bang ibang kasama?" Tanong ko kay Hexan kalaunan.

"Wala, ikaw lang binigyan ko ng ticket."

Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw pa rin

"Wala ka bang ibang mga  kakilala na pumunta din dito sa concert?" Nagtatakang tanong ko. Sabi niya sakin marami siyang kaibigan, imposible naman na kahit isa walang nakaisip na bumili ng ticket.

"Wala." Iling niya.

"Uhm...ibang ano..ibang tao? Wala din?" Yung girlfriend mo? Si Evie? Nandito din ba?

"Sinong ibang tao?" Kunot-noong tanong niya. Nagtataka sa tanong
ko.

May gulo ba sa iyong isipan
Hindi tugma sa nararamdaman

Nagtataka din ako sa kanya. Nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit hindi ko mapigilan ang magtaka.

I dismissed all of my thoughts. Ngumiti ako sa kanya at umiling.
Hindi nalang ako magtatanong. I should enjoy the concert. With him.

Bumaling ulit ako sa bandang tumutugtog sa harapan at nagsimula ding sumabay sa kanta.

Nang magsalita ulit siya sa tabi ko.

"Ikaw lang ang may alam na pupunta akong concert."

Napatingin ako sa kanya at naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

He pursed his lips. "Ikaw lang inimbita kong manuod. Ikaw lang."

Kung tunay nga ang pag-ibig mo?
Kaya mo bang isigaw?
Iparating sa mundo...

Nganong ako ra man, Hexan? Bakit ako? Gusto ko iyon itanong sa kanya. Pero kinakabahan ako sa isasagot niya.
Sa halip ay tumango lang ako sa kanya, kunwari ay naiintindihan ko.

"Alam mo yung kanta?"

"Oo." He smiled.

"Sumabay tayo."

Tumingin saking mata
Magtapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka

Natawa kami habang itinataas namin ang mga kamay namin sa ere habang sumasabay sa kanta. Natawa kami kasi para kaming mga tanga.

"Para tayong tanga."Bulong ni Hexan sa akin.

"Oo nga." Natawa kami pareho.

Maya-maya pa ay kinuha niya ang isang kamay ko at hinawakan. Pagkatapos ay itinaas niya din ito sa ere.

"Sabay tayoo!" sabi niya at iwini-wave ang mga kamay naming magkahawak.

Kelangan ba kitang iwasan?
Sa tuwing lalapit may paalam?
Ibang anyo sa karamhihan
Iba rin pag tayo lang
Iba rin pag tayo lang

Gusto kong sumabay sa kanta, pero hindi ko magawa. Nakatuon ang atensyon ko kay Hexan, at sa mga kamay naming magkahugpong. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Masaya ako, na malungkot. Masaya ako dahil magkasama kami ngayon, pero hanggang kailan ba ito?

Tumingin saking mata
Magtapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka

"Kung maging tayo...sayo lang ang puso ko." I sang, as I stare at him.


---------------

Send kasipagan.




A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon