Chapter Fifteen

17 3 0
                                    

6:30 PM

Kanina pa ako naglalakad  pabalik-balik sa loob ng kwarto ko. Nakabihis na din ako. Nakasuot ako ng black hooded jacket na may white T-shirt sa loob at jeans. Dala-dala ko na nga ang ticket na binigay sa akin ni Hexan.

Isa nalang kulang.

Permission.

Sa totoo lang ay kinakabahan akong magpaalam. Panigurado, hindi ako papayagan dahil ako lang mag-isa.
I bit my lips. What should I do?

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Mabilis ko itong pinulot mula sa kama at binuksan.

Hexan: Makakapunta ka ba?

Marimar.
Hindi ko alam ano sasabihin kaya hindi ako nagreply. Sineen ko muna ang message niya.

Maya-maya pa ay may narinig akong tunog ng motor mula sa labas. Tumakbo ako sa bintana para makita kung sino.

Ang pinsan ko!

"Felix! Pssst!" Tawag ko sa pinsan ko.  Nagpalinga-linga siya, hinahanap kung sino ang tumawag sa kanya. Nang makita ako sa bintana ay tumigil muna siya saglit.

"Ngano man?" Nakatingalang tanong niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa lungsod. Magsusugal." Nanlaki ang mga mata ko. Pupunta daw siyang lungsod! Baka payagan ako ni mama at papa kapag nalaman nilang kasama ko si Felix!

"Sama ako!" Sabi ko sa kanya.

"Sige, tara! Kaso, matatagalan ako e, baka antukin ka."

"Okay lang!" Nagthumbs-up ako sa kanya. Umalis na ako mula sa bintana at lumabas na ng kwarto.
Hinay-hinay akong bumaba sa hagdan. Naabutan ko si mama, si papa, si Gabin at si Sherry Ann na nanunuod ng tv sa sala.

"Ma, pa, p-pwede ba akong sumama kay Felix sa l-lungsod?" Kagat-labi kong pagpapalam sa parents ko.

Tinignan ako ni papa mula ulo hanggang paa. Ako lang ata yung nagpapapalam palang pero bihis na. 

"Saan kayo pupunta?" Kunot-noong tanong niya.

"S-sa Coliseum po. May concert kase doon. N-nilibre niya ako." Wooh! Gora sa pagsisinungaling Jaley!

"Gabi na o."

"Hayaan mo na. Kasama naman niya ang pinsan niya." Pagkampi sa akin ni Mama. Tumingin sa akin si Mama at palihim akong nginitian.

"O sige, sige. Nasaan ba si Felix?" Tanong ni papa.

"Nasa labas po. Sige na, ma, pa, at malapit na magsimula ang concert!"  Nagmano kaagad ako at mabilis na lumabas ng bahay. Baka kausapin pa nila si Felix at mabuko pa ako!

"Tara na!" Sabi ko kay Felix at umangkas na ako sa motor niya.

Maya-maya pa ay naramdaman kong gumigewang-gewang ang motor.

"Felix, kulang ba sa hangin ang gulong nito?" Kinakabahang tanong ko.

"Mukha nga, pinsan." Marimar.

Bumaba ako sa motor at nagtulong kaming dalaw na itulak ang motor. Mabuti nalang at may malapit na vulcanizing shop.

"Oh, kulang lang ba sa hangin or flat na talaga?" Tanong ko kay Felix nang matapos niyang kausapin ang may-ari ng vulcanizing shop.

"Flat talaga pinsan." I facepalmed. Edi maghihintay pa kami ng isang oras dahil matagal pa ayusin yan!

Wala akong nagawa at umupo nalang sa malapit na upuan. Binuksan ko ang messenger ko at binasa ang mga messages ni Hexan.

Hexan: Pinayagan ka ba ng parents mo?

Hexan: ano sinabi?

Hexan: hindi ka na makakapunta no?

Hexan: Kitams indianerist ka din!

Hexan: Magsisimula na.

Natampal ko ang noo ko. Hindi ako makapagreply dahil walang signal! Ano na kaya iniisip ng isang ito ngayon?

I blew a breath and patiently waited.

Alas siete y media na ng matapos ang pag-aayos ng gulong. Kaagad na kaming lumarga papuntang lungsod.

"Wag ka sana umuwi..." bulong ko sa sarili  habang umaandar  ang motor.

Thirty minutes ang pa ang biyahe.

"Felix! Felix dito lang!" Ilang beses ko tinapik ang likod ni Felix para tumigil siya sa may acacia.  Kaagad akong bumaba mula sa motor at binalingan ang Coliseum. Naririnig ko mula dito ang banda at ang pagsabay ng kanta ng mga tao.

"Huh?" Natataranta na si Felix kaya tumigil siya sa may gilid. "Bakit? Sa Don Gil tayo!"

"Ah, hindi. Manunuod kase sana ako ng concert ng Silent Sanctuary.."

"Huh? May ticket ka ba?" Tiningnan niya ang Coliseum sa likod ko.

"O-Oo! Pwede bang..dito lang ako? Ichat mo nalang ako kapag pauwi na tayo." Sabi ko.

"Tsk..tsk." Umiling siya. "Sige pero diyan ka lang ah? Gabi pa naman na." Napatalon ako sa sinabi niya.

"Oo! Sige, punta na ako don!" Tumango lang siya. Mabilis pa sa alas kuwatrong tinakbo ko ang distansya mula sa acacia hanggang sa Coliseum.

Binigay ko sa babaeng nagbabantay sa may entrance ang ticket ko. She ripped it into two, and gave me the other half.

"Pasok ka na miss! Enjoy!" Ngumiti ako sa kanya at pumasok na.

Napanganga ako sa nakita. Nagpe-perform na ang Silent Sanctuary at nakikisabay ang mga audience. Puno ang mga bleachers ng tao. Nasaan si Hexan?

Kinakanta na ng Silent Sanctuary ang kanta nilang Pasensya Ka Na.

Hindi mo na mapipilit
Wala nang babalikan
Sa liwanag mong nang-aakit
Ayoko nang masaktan

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para sana ichat si Hexan at tanungin kung nasaan siya banda. Bago ko pa siya mai-chat ay nakita kong nasa toplist ang story niya.I clicked it.

It was a photo with the Silent Sanctuary on the stage. Base sa angle ng pagkakapicture, nasa may gilid siya sa harapan. Binasa ko din ang caption na nilagay niya.

"Halika na. Mag-isa lang ako."

Nakikiusap sayo
Patawarin mo nalang ako
Patawarin...

Napakagat ako sa labi ko. Lumakad na ako at pinuntahan ang pwesto niya.

Pasensya ka na
At di ko na rin madama
Kay tagal kitang hinihintay

Nang makarating ako sa gilid sa may harap ay nagpalinga-linga ako at hinanap si Hexan sa mga Bleachers.  Nahihirapan ako dahil madilim at stage lights lang ang umiilaw sa buong Coliseum. Sobrang dami ding tao ang nakaupo sa bleachers.  Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Hexan.

Pasensya ka na
At kaya ko nang mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay
Pasensya ka na..

"Hello?" Sabi ko nang sinagot niya ang tawag.

"Jaley.." ang tanging narinig ko lang sa kabilang linya.

"Nasaan ka?" Tanong ko.

"Tingin ka sa likod mo." And I did.

There, I saw him, 5 steps away from me, at the middle of the Coliseum with his phone on his ears.

"Hexan..." usal ko.

Hindi pa din binababa ang tawag, kumaway siya sakin. Kumaway ako pabalik. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, para bang nakikipagkompetensya sa ingay ng mga tao.

"Jaley." sabi niya at tumigil sa harap ko.

Hindi ako umimik. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Ang saya ko.." He smiled warmly.



"Ang saya kong nandito ka."

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon