Chapter Fourteen

20 3 0
                                    

"Hoy lumalayo na tayo!" nagpapanic na sigaw ko habang nagsasagwan.

"Kalma lang, nasa loob pa rin naman tayo ng Park." Tumatawang tugon ni Hexan habang nagsasagwan din.  Nagbabangka kase kami dito sa lake ng Nature's Park. Nagrenta kami ng bangka. Pwede din sana kami magbayad ng magiging bangkero kaso nagpumilit si Hexan na marunong daw siya. Kapag talaga kami tumaob, naku!

"Paano kapag tumaob tayo?" worried na tanong ko. Naku, pista pa naman bukas!

"Hindi yan. Tsaka, hindi naman yan malalim. Bakit, hindi ka ba marunong lumangoy?"

"Marunong akong lumangoy, at hindi nga yan malalim pero putik yan eh!" Tinuro ko ang tubig. "Kapag  tayo nahulog jan, mababaon tayo!"

Tumawa siya sa ekspresyon ko. "Hindi tayo tataob, pramis. Wag ka lang masyado magalaw." Aniya.

Huminga nalang ako ng malalim at pinabayaan siya. Sige, magtitiwala ako sa kanya. Mukha naman siyang marunong e.

Sa totoo lang, bago pa lang ng ibinalik ang pamamangka dito. Matagal kase pinasara ang lake. Pero pwede na ngayon.

"Jaley." Tawag niya sakin.

"Oh?" sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nakatingin kasi ako sa mga Koi Fish na lumalapit sa bangka namin.

"Gusto mo pumunta tayo doon?" Tinuro niya ang malaking pigura ni Mother Mary na nakatayo sa pinakadulo ng lake. Kasingtaas ito ng mga punongkahoy.

"Sige.."tumango ako. "Pero ang layo na niyan tapos kailangan pa natin dumaan sa ilalim ng bridge."

Sa gitna kasi ng lake ay may bridge. Kumbaga, pwedeng tawirin ang lake galing sa left side ng park hanggang sa right side.

"Oh tapos?"

"Baka gumuho yung bridge!" eksaheradong wika ko. Narinig ko pa naman na marupok na daw ang bridge na iyan. Hindi pa nare-repair. Pero hindi din naman sinasarado.

Tumawa si Hexan."Anong guguho? Eh may mga tao pa ngang tumatawid oh!"

Napatingin ako sa grupo ng mga tao na nandoon sa bridge at nakamasid sa mga isda. Ang iba ay nagpi-picture taking kasama ang malaking Mother Mary sa likod.

"Kaya nga! Baka gumuho satin dahil sa bigat nila!"

Saglit niyang inilapag ang sagwan at lumapit sa akin. Akala ko kung anong gagawin niya, pinitik niya lang ang noo ko!

"Aray! Bat ba?" reklamo ko.

"Eh kasi ang praning mo. Magtiwala ka kase sakin. Hindi yan guguho at hindi tayo mahuhulog. Pramis."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Paano kapag ako yung nahulog?

Maya-maya pa ay nasa ilalim na kami ng bridge. Tinulungan ko sa pag-sagwan si Hexan kaya mabilis kaming nakausog. Nandito na kami banda ng lake kung saan may waterlilies. Ilang sagwan nalang malalapitan na namin si Mother Mary.


"Jaley, alam mo ba?" biglang tanong ni Hexan.

"Hindi ko alam. " Nakangising  tugon ko. Umiling lang siya sa pambabara ko.

"Lumapit daw tayo diyan kay Mother Mary at humawak sa paanan niya tsaka tayo magwish, matutupad daw."

Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya. 17 years na ako sa Argao, ilang beses na ako nakapasyal dito sa Nature's Park, pero hindi ko pa naririnig iyon.

"Talaga ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo!" tumango siya.

"Sige, Tara!"

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon