Chapter Twenty- Seven

8 0 0
                                    


As days goes by, medyo nags-sink in sa akin na baka nga sila nang dalawa. Baka nga kaibigan lang ang tingin sa akin ni Hexan. Baka nga ganoon.

Nag-assume lang talaga ako. Pero alam ko na kung nag-assume man ako, hindi ko na iyon kasalanan.  Baguhan lang ako sa larangang ito.

Ang nakakalungkot lang, si Hexan ang una ko. Unang kilig, unang mahal. Si Hexan na hindi pa sa akin.

Simula ng gabing iyon, iniwasan ko na siya. Sinubukan kong hindi na siya hintayin. Pinigilan ko na ang sarili kong tignan kung may message ba siya o wala.  Pero nagrereply pa rin ako. However, I'm not as giddy as before. Siguro, dala na rin ng bigat sa dibdib ko. Dala ng hiya at sakit.

Naalala ko yung isang linggo na  halos nagc-chat na siya kada gabi. Tinatanong kung kumusta ako. Nagrereply lang din ako na ayos lang ako. Pagkatapos nun, hindi ko na alam pa kung ano ang sasabihin sa kanya. Sa tingin ko ay siya rin.

"Merry Christmas Jaley!" Bati sa akin ni Riza. Binati ko rin siya pabalik. Katatapos lang ng Christmas party namin at napagpasyahan naming dalawa na pumasyal sa lungsod. Libre namin ang isa't isa. Nasa Milktea shop kami at nags-snack.

"This is my gift for you " Excited niyang inabot sa akin ang isang Christmas Paper Bag. Tinanggap ko iyon at tsaka tinignan ang laman.

"Oh God Please, sana magustuhan mo."

Napangiti ako ng makita ang laman. Isang jersey shirt and shorts. Pang-volleyball. Jaley, 26.

"Thank you!" I thanked her. She smiled widely.

"Mabuti naman  at nagustuhan mo!" She cheered. "Alam ko magc-college na tayo pero kasi,  tiwala ako na magiging volleyball player ka pa rin. Ang galing mo kaya!" 

"Salamat, Riza." Natouch ako sa sinabi nya. Gusto ko siyang yakapin pero ayoko maging madrama kami. Kinuha ko din ang gift ko para sa kanya.

"Ano ito?" She curiously asked. Sa kahon kasi nakalagay. Medyo may kabigatan rin.

"Buksan mo!" I encouraged her. Ginawa nya naman. I chuckled as I watched her do it. I also filmed her.

"Oh my Gosh!" Tili niya nang makita ang laman. Tumayo siya at mabilis na niyakap ako.

"Salamat Jaley! Hindi ko expect na army bomb ang ibibigay mo sakin!" Mangiyak-ngiyak na pasasalamat niya sakin.

"Alam ko magugustuhan mo talaga yan." I smiled. Buti nalang din kasya sa ipon ko. Nagsale kasi yung shop na nagtitinda nyan, so afford ko na.

"Thank you talaga!" She held the object and waved it. Natawa ako sa kanya.

"Concert ticket nalang ang kulang!"

Pinagpatuloy namin ang pagkain. I also secretly put her video on my story. Maya-maya, tumunog ang cellphone ko. Someone replied to my story. Tinignan ko kung sino.

Hexan: Wow, sana all. Nasaan yung sakin? Hehe.

Natigil ang mga daliri ko sa pagtipa. Hindi alam kung ano ang sasabihin ko. Huminga ako ng malalim at piniling ignorahin na lamang ang message nya.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Mabilis ko iyong binuksan at binasa.

Hexan: Merry Christmas Jaley. Namiss kita.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagtipa na rin ako ng mensahe.

Jaley: Merry Christmas din, Hexan!

Napailing ako. I seem so lively sa reply ko. Binitawan ko na ang cellphone ko at nagpatuloy na sa pagkain.

"Jaley, may sasama sana satin ngayon..." Riza suddenly said..I looked at her blushing, while holding her cellphone.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon