Chapter Nine

25 3 0
                                    

"Ano nga ulit iyon? Sinong wala na?" Tanong ko kay Riza.

"Edi yung crush mo, tsaka yung jowa niya." sagot naman ni Riza. "Ay hindi na nga pala sila magjowa."

"Ah."

They broke up? Why? They were so perfect for each other.

"Tapon ko na ha?" Tumango ako kay Riza. Tumalikod na siya sakin dala-dala ang trashcan para itapon ang laman nitong mga dahon.

"He must be broken.." I mumbled to myself as I go back inside our room.

Ano kaya feeling ng break-up? Sobrang sakit kaya? Nakakaya ba nilang kalimutan yung mga memories kasama ang isa't isa?

Ewan.

Hindi ko pa nae-experience at nakakatakot din. Nakakatakot sumaya ng pansamantala lang. Kung hindi magiging kayo sa huli, ba't pa nagsayang ng oras?

"Jaley!"

"Yes ma'am?" Bumalik ako sa sarili ko at tumingin kay ma'am.

" What is Media? " Napalunok ako bago ako tumayo.

"Media is..." I gave her the answer that she wants. Medyo nakapag-study naman ako kagabi bago ako natulog.

"Very good, but pay attention to the class okay?" Nahihiyang tumango ako sa aking guro. Nakinig na ako sa klase niya at kinalimutan muna ang mga pinag-iisip ko kanina.

The day passed in just a blink of an eye. Nakauwi na ako sa bahay galing sa UNHS.

"Mano po ma.." lumapit ako kay Mama na naghahanda ng hapunan sa kusina.

"Aga mo ata Jel." sabi ni Mama. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam na para umakyat.

Pumasok na ako sa kwarto ko at pasalampak na humiga sa kama.
Nahagip ng tingin ko ang cellphone ko na iniwan ko sa aking maliit na bedside table.

Kinuha ko iyon at ini-on. I turned on my wifi and go to messenger.

Hexan Salamanca: Hi

He's active now. Should I chat him back?

I bit my lower lip as I typed a reply.

Jaley Villacorta: Yow

Seconds later, na-seen na niya ang reply ko. I patiently waited for his reply.

2 minutes na pero wala pa siyang reply. Okay girl. Na-seen ka ata.

"ediwao." I muttered and scoffed. Nag-hi lang ako sa GC tapos ay umalis na ng messenger. Pumunta akong YouTube at naghanap ng Korean Vlogs.

Habang nanunuod ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Lumabas mula sa itaas na bahagi ng screen ang isang notification.

Hexan Salamanca : Musta?😁

Walang pagdadalawang-isip ko itong pinindot kaya napunta ulit ako sa messenger, sa chatbox naming dalawa.

Jaley Villacorta : Still breathing, ikw ba?

Pinalo ko ang sarili ko dahil napaka-pilosopo ng sagot ko. Wala ka bang ibang maisip na sagot, Jaley?

Hexan: Gwapo pa din.

Alam ko.

Jaley: Wow, confident.

I replied with a sleepy emoji at the bottom.

Hexan: Well, ganun talaga.

Ano pwede i-reply?

Jaley : Ah okay.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon