Chapter Twenty

13 2 0
                                    

Hindi pa rin ako makamove-on.

Para akong nakalutang na naglalakad at nakatitig sa likod ni Hexan.

Why o why?

"Dali na dong, sulod na." Aya ni Mama kay Hexan. Nasa loob na siya ng bahay namin habang nasa labas naman si Hexan ng pinto.

At nasa likod niya ako.

"Naku, nakakahiya po ate." Nagkakamot na sabi ni Hexan.

Muntik na akong mapairap. Ngayon ka pa mahihiya e nandito ka na sa labas ng bahay namin.

"Sige na pasok ka na, kumain ka muna bago ka umuwi. Pasasalamat lang namin kasi hinatid mo kami."

Mas lalong muntik akong mapairap. Oo, hinatid niya kami dito sa bahay. Nagpakilala kasi siya kay mama na kaibigan ko daw siya. Pfft. At nag-offer pa na ihatid kami. Eto namang si mama, pumayag! Hindi man lang nahiya!

At tsaka isa pa, palaisipan pa din talaga sakin kung bakit sila magkasama kanina?

Hays, Ewan.

"Naku, nakakahiya talaga ate."

"Wag ka na mahiya, pumasok ka na." Sabi naman ni mama.

Dahil sa inis ko ay tinulak ko ang likod ni Hexan dahilan kaya napa-pasok siya. Tinignan niya ako, nabigla.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pasok ka na, nahiya ka pa." Sarcastic kong sabi.

Umismid lang siya sakin at hindi na ako pinansin. Pero pumasok na siya ng tuluyan at naupo sa isa sa mga sofa namin dahil pinaupo siya ni mama.

Argh! Nakakainis!

"Diyan ka muna, Hexan, iho. Kukuha lang ako ng makakain." Hospitable na sabi ni mama. "Jaley, nak, entertain mo muna kaibigan mo." Utos pa ni mama sakin.

Ngumiwi ako at naupo na sa sofa katapat ng sofa na kinauupuan ni Hexan. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Naglulumikot ang mata niya sa kabuuan ng sala namin.

"Hoy." Tawag ko sa kanya.

Hindi pa din siya lumingon.

"Hexan."  Tawag ko ulit.

Hindi pa din.

Napabuga ako ng hininga. Anong problema ng isang to?

"Kapag hindi ka nagsali----" Naputol ang pagsasalita ko ng may marinig kaming malalakas na yabag ng mga paang bumaba ng hagdan.

"Maaaa! Maaaaaa-----"Naputol ang pagsigaw ni Gabin ng makita niya ako--kami ni Hexan.

Mariin niyang tinitigan si Hexan na para bang tinatandaan niya kung kilala niya. Naglakad siya palapit sa amin mula sa ibaba ng hagdan.

"Sino ka?" Nakataas ang kilay na tanong niya kay Hexan. Hexan just smirked, amused of my brother's mean attitude.

"Gabin." Tawag ko sa kanya. Sa akin naman siya bumaling, tinaasan din ako ng kilay.

"Sino yan?" Turo niya kay Hexan.

Mabilis kong binaba ang kamay niya. "Gabin ano ba. Masama magturo ng tao ha? Umayos ka, bisita yan." I scolded him. He just pouted at me.

"Hey, it's okay." Sabi bigla ni Hexan.

"No, it's not. Magsasanay ang batang to kapag hindi pinagalitan."

Pinaupo ko si Gabin sa tabi ko.

"HOY KANINO YUNG MAGANDANG MOTOR SA LABAS?!" Natampal ko ang noo nang marinig ang napakalakas na boses ni Ann.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon