Chapter Twenty- Nine

11 0 0
                                    

"Ate! Ate Jaley!" Malakas na kalabog sa pintuan ang gumising sa akin. Ano bang problema ng babaeng ito? Lagot ito sa akin si Ann. Inis akong bumangon at kinusot ang mga mata ko. Tinanggal ko ang mga dumi sa mukha at tsaka tuluyang nang tumayo para buksan ang pinto.

"Bakit?" Nayayamot na tanong ko kay Ann.

"Good morning ate!" Malawak ang ngiti na bati niya sa akin. Napapikit ako at hinilot ang sentido. Kailangan ko kumalma.

"Bakit mo ko..ginising?" Mahina at galit na tanong ko.

"May bisita ka!"

Bisita? Sino? Kumunot ang noo ko. Wala akong maalala na may inimbitahan ako. Hindi rin naman ako yung tipo na nag-iimbita.

"Huh? Sino?" Nagtataka kong tanong.

"Si Kuya Hexan!"

Nanlaki ang mga mata ko. S-Si Hexan? Kumurap ako ng tatlong beses.

"Ulitin mo nga. Sino ang bisita kamo?"

"Duh!" Umirap si Ann. "Si Kuya Hexan nga!"

Natutop ko ang bibig ko. Bakit nandito si Hexan?! Kakakita lang namin kahapon ah?

"N-Nasaan siya ngayon?"

"Nasa baba. Sa sala, kinakausap si Gabin."

Mabilis akong tumango at tsaka sinara na ang pintuan. I walked back and forth trying to think what I should do. Anong ginagawa niya  rito? Anong kailangan nya sakin?

Nagbihis ako ng panibagong damit. Nagsuklay din ako. Ginamit ko ang mouthwash ko dahil wala na akong time para magtoothbrush.

Huminga ako ng malalim bago bumaba. Kalma lang Jaley. Si Hexan lang iyan, si Hexan lang.

Pagkadating ko sa sala ay nandoon nga si Hexan, kausap si Gabin. Tumatango-tango si Hexan sa kung ano mang kinukuwento ni Gabin sa kanya. Tumikhim ako para mapansin nila ako.

Napatingin naman sila sa banda ko.

"Hexan, anong ginagawa mo rito?" I tried so hard to sound hospitable to him. Nakangiti pa ako sa kanya. Siniko ako ni Ann sa tabi ko.

"Good morning, Jaley." He said, smiling a bit. His face is a bit stern, kahit na nakangiti. Para bang ngumingiti lang siya dahil nandito ang mga kapatid ko.

" G-good morning din sayo." Bati ko rin pabalik. Natahimik sa pagitan namin. Nakaupo pa rin si Gabin sa tabi niya at nandito lang ako nakatayo sa dulo ng hagdanan,  dalawang metro ang layo sa kanila.

"Alam mo ba Kuya Hexan, si Ate natutulog pa yan tapos nainis sakin dahil ginising ko daw siya." Itrimididang singit ni Ann. "Hindi ata inaasahan na bibisita ka. Surprise visit ba ito, kuya?"

Nakakunot ang noo ko habang binabalingan si Ann. Kailan pa sila naging close at ganito siya kung makapagsalita?

Hexan chuckled to Ann. "Nakalimutan yata ng kapatid mo na may lakad kami ngayon, Ann."

Nagulat ako sa sinabi Hexan. Lakad? Anong lakad? Bakit di ko yata alam iyan? Hindi na nga kami nakakapag-usap e!

"Nakalimutan nga yata, kuya! Lutang din kasi si ate ngayon. Parang dumaan sa isang dagok ng buhay." Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko.

"Aalis kayo?" Nakita kong kinulbit ni Gabin si Hexan sa may tagiliran. Bumaling naman siya sa kapatid ko.

"Oo, kung ayos lang sa inyo at sa mama niyo." Sagot niya pa.

"Ay, okay lang! Wala si mama e, tsaka si papa! 'malis!" Makulit na sagot ni Gabin. Muntik ko nang matampal ang noo ko.

"Nasaan sina mama?" Tanong ko kay Ann.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon