Chapter Two

51 5 0
                                    

Natigil ang laro sa malakas na pagpito ng referee.

25-23 sa ikalimang set. 3-2 in  favor of ANHS.

Talo kami.

Naghiyawan ang mga taga-ANHS. Rinig na rinig din sa buong arena ang tambol nila. Nagyakapan ang mga opponent players namin habang nagtatalon-talon.

"It's okay, USMAD. It's not bad. You did your best." Lapit samin ni Sir Rick, a teacher in Usmad, and also our Volleyball coach.

"Ayos lang.." my group cheered ourselves. But not me. Dismayado ako, it's my last year in Usmad tapos hindi man lang kami nanalo. Sayang,pero ginawa naman namin best namin. Pero sayang pa rin talaga.

"Jaley, it's okay. " I turned to Sir Rick and slightly smiled at him. Tinapik niya ang balikat ko. "Sige na, lapit na kayo sa ANHS."

Lumapit na kami sa net at nakipag-kamay sa mga manlalaro. We are all smiles, it was a good game after all. Tsaka, some of them are my friends.

"Congratulations!" bati namin.

"Salamat! Kayo din!" bati din nila.

Pagkatapos makipagkamay ay nauna na akong dumiretso sa gilid kung saan nakapuwesto ang duffel bag ko. Kinuha ko ang  towel ko at pinunasan ang sarili ko. Umiinom na din ako ng tubig.

"Hexan! Lapitan mo naman girlfriend mo!"

"Gago!"

"Ayieee"

I turned to look at the group of guys sa gilid ko  na nag-aasaran. Pilit nilang tinutulak patayo ang isang naka-bonnet na lalake. Nagkibit-balikat ako at umiwas na ng tingin.

"Sige na, nakatingin na dito si Evie oh!"

"Oo nga hinihintay ka na ata ng bebe mo pre." I rolled my eyes. Bebe. Sanaol may bebe. 

Nangangalay, umupo ako at ikinandong ang bag ko, nakaharap sa court. Tumaas ang isang kilay ko nang makitang nasa may harapan ko na yung grupo ng mga lalake at hinihila na yung naka-bonnet. Pinagtutulungan nila itong hilahin kaya walang laban ang huli.

"Ano ba mga gago ayoko nga!" Reklamo nung naka-bonnet, pilit nanglalaban.

" I-congratulate mo jowa mo! Nanalo pa naman!" sabi nung naka-blue jersey shorts.

"Tanggalin mo nga bonnet mo pre nagmumukha kang ewan!"

Namilog ang mga mata ko nang matanggal ang bonnet niya. Para masigurado, mas tinitigan ko pa siya mula sa kinauupuan ko.

Siya nga! He's the guy on the photograph!

"Bahala kayo diyan!" nakatakas siya mula sa pagkakahawak ng mga kaibigan niya at tumakbo papalayo.
Napailing naman sa kaniya ang mga kaibigan niya.

What shocked  me is when he's running towards my direction!

Namimilog ang mata at naka-awang ang bibig ay nakatingin ako sa kanya.
I probably looked weird. And he probably saw me staring at him because he smiled. He smiled at me!

Umupo siya sa tabi ko, mga one ruler away from me. Tumuwid ako ng upo, nakatingin lang sa harapan. Kinuha ko ang towel ko dahil bigla akong pinagpawisan!

"Mga gago talaga..." rinig kong bulong niya. Sinulyapan ko siya saglit pero kaagad ko din binawi. Pinapanuod niya mga kaibigan niyang iba na naman ang hinihila.

Maya't maya ko siyang sinusulyapan na binabawi ko naman kaagad. Kausapin ko ba siya? Pero paano? Hi, napulot ko nga pala photo mo skl.
Parang tanga naman.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon