Chapter Seventeen

21 3 0
                                    

"Ang init!" Reklamo ko ng pabulong. Sobrang daming tao sa simbahan, dahil nga pista ngayon ni Saint Michael The Archangel. Hindi na kami nakapasok sa loob kasi sobrang puno na. Dito nalang kami sa labas, nakikipagsiksikan at nakikinig sa misa.

"Oh." Napatanga ako ng bigla akong paypayan ni Hexan. Hala ka!

"Hoy, nganong naa kay paypay?" Tanong ko sa kanya. Wala naman siyang dalang pamaypay kanina pagdating namin dito ah. Napatingin ako sa pamaypay. Color pink na may flowers pffft.

"Kanina pa kase kita naririnig ba nagrereklamo kaya bumili ako kanina nung may dumaang nagtitinda." Sagot niya.

I stared at him, amazed. He is really unpredictable. Gumagawa siya ng mga bagay na hindi ko inaasahan. Mga bagay na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Mga bagay na hindi ko alam kung bakit, dahil kahit konti ay hindi ko siya mabasa.

"T-Thank you..."

Hindi ko man maintindihan ang mga ginagawa niya, hindi ko nalang iintindihin. Hindi na kailangan. Basta, masaya ako sa kung anong meron kami. Ano nga bang meron kami?

I laughed at my own though. Syempre, friendship.

"Barilin mo yun Jaley! Yun oh!" Hindi ko alam kung chini-cheer pa ako ni Hexan or inuutusan niya ako. Kanina pa siya turo ng turo kung saan banda ko daw dapat tamaan.

"Saan ba talaga jan, ha?" Inis na tanong ko sa kanya. Naglalaro kasi kami dito sa isang game booth sa Don Gil. Tuwing pista kasi ay ginagawang perya ang Don Gil. Maraming nagpapatayo ng booths, tindahan, kainan, tents at kahit mga rides nga ay meron din. Mga two weeks before pista pa nailagay dito ang rides. May ferris wheel, Vikings, mga pambatang laro like carousel, at kung ano-ano pang pambata at pangmatanda.

Obviously, hindi pa kami nakakasakay ng kahit na anong rides. Well, not that I meant that I want to try every rides with him-- wait why so I sound so defensive?
Sa ngayon, ay nasa isang game booth kami kung saan kailangan kong tamaan ang kahit na anong colors ng balloons na nakasabit sa dingding para makakuha ng prize. Nasa ibaba ng bawat balloons ang prize na pwedeng makuha, some are large junkfoods, large stuff toys and some are too tiny for my vision.

"Yun oh, yun! Teka nakikinig ka ba?"

Napakurap ako. Oh no, I spaced out.

"Saan diyan?"

"Yun!" Turo niya sa isang pink na balloon na may katabing blue balloons on both sides.

"Sigurado ka na ba diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Baka kasi magbago na naman siya ng isip. On second thought, ako naman yung naglalaro so pwede kong tamaan yung balloon na gusto ko mismo.

But it's okay. I like making him smile.

Wait, what?

"Sigurado na! Ang ganda nung prize, oh!" Excited na sabi niya. Kahit na hindi ko alam kung anong prize ay nagkibit-balikat lang ako. I positioned myself so I could hit the target.

One Two Three!

Narinig ko ang pagputok ng isang balloon at ang dismayadong boses ni Hexan.

"Sayang!" Palatak niya.

"Huh? Bakit? Mali ba ang tinamaan ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo! Kulay blue ang tinamaan mo! Hays!" Imbes na malungkot ay natawa nalang ako sa mukha niya. Mukha siyang batang hindi makuha kuha ang gusto na para bang konti nalang ay maiiyak na.

"Oh, bat ka tumatawa?" Nakataas ang kaliwang-kilay na tanong niya.

"Wala." Pag-iling ko pero natatawa pa rin. Tinignan niya ako ng masama na para bang alam niya na nagsisinungaling ako.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon