Chapter Nineteen

13 2 0
                                    

Happy Halloween!

Days passed by so quickly. Weeks was just a blink of an eye. Sa sobrang busy ng mga tao, ni hindi na mapansin ang mabilis na paglipas ng mga araw.

"Jel, punta muna tayo kay Manong Kasyo. Tapos uuwi na tayo." Sabi sakin ni mama pagkatapos niyang magsindi ng kandila sa labi ng mga tiyahin niya daw.

Napabuga ako ng hininga. Kanina niya pa sinasabi iyan. Ilang beses na kami palipat-lipat ng mga lapida. Ang totoo, gaano ba talaga karami ang mga ninuno namin?

"Ikaw nalang ma, hintayin nalang kita dito." Sabi ko sa kanya.

Binigyan ako ni mama ng dismayadong tingin. "Hala, sige. Diyan ka lang."

Humanap ako ng mauupuan at tsaka naupo. Ang wierd, mga lapida ang nakapalibot sakin. Buti nalang madami ang dumadalaw ngayon kasi nga Nov 1 na. Halos dagsa lahat. May iba pa ngang nagtayo ng tent malapit sa puntod ng namatay nilang mahal sa buhay, at may balak pa yatang magpalipas ng gabi. Ang iba ay dayo pa mula sa syudad, at umuwi lang para magsindi ng kandila at dumalaw.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin nakakabalik si mama. Nilalamok na ako dito, nakakairita! Kung marunong lang si mama gumamit ng cellphone di sana e kanina ko pa siya tinawagan. Ang kaso e hindi siya marunong. Maghuwat nalang gyud ko ani.

"Ma, asan ka na ba?" Bulong ko.

"Jaley?"

Napalingon ako sa kung sino mang tumawag sa akin. Nangunot ang noo ko nang makita si Riza na nakangising naglalakad papalapit sakin.

"Uy, naa lagi ka diri." Sabi ko.

Mas lalong tumingkad ang ganda ni Riza sa suot niyang dilaw na off-shoulder dress.
Naka-ponytail ang kulot na buhok. Naaninag ko din ang cheek tint. Char.

"Oo, binisita namin si lolo." Sagot niya sakin ka nakangisi pa din. Anong trip nito? Parang nasobrahan naman sa pagiging good mood.

"Ba't ganyan ngiti mo?" Hindi ko mapigilang itanong. 

Mas lalong lumaki ang ngisi niya. "Nakita ko si mama mo. Uyy, ikaw ha. Walang label pero ni-legal. Sana all." Sabi niya at kinurot pa ako sa gilid ng bewang ko dahilan kaya napaigik ako.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Natatawa at naguguluhang tanong ko.

"Sus, ichika mo to sakin sa school ha. Nga pala ba't ka nandito?"

"Hinihintay ko si mama matapos sa pagbibisita sa mga ninuno namin. Bakit?"

Akmang sasagutin niya na ang tanong ko ng biglang nanlaki ang mga mata niya.
"A-alis muna ako Jaley h-ha? See you!" Tarantang sabi niya.

"Teka---- Hoy!"

Ang kaso ay kumaripas na siya ng takbo. Anong kabaliwan ang nangyayari don?

Napailing nalang ako.

"Excuse me, miss."

Napatingala ako sa lalakeng bigla ay dumating sa mismong harap ko.

"H-huh?"

Napanganga ako nang matitigan ang mukha ng lalake.  Medyo kulot ang buhok, malalim ang may kasingkitang mata, at may maliit at mapulang labi. Idagdag pa ang matangos nitong ilong na may maliit na hikaw na kumikislap sa tama ng sikat ng araw.

Holy Soul! Paano nagkaroon ng ganito ka-gwapo sa sementeryo?!

"May nakita ka bang babaeng dumaan? Kulot ang buhok,  at naka-ponytail?" Tanong niya.

Kinilabutan ako sa lamig ng boses niya.

Jusmiyo, kahit ang boses niya ay gwapo din!

"H-Hindi ko matandaan. Madami kasing dumadaan e, mahirap tandaan ang sinasabi mo. Pasensya na."  Sabi ko nalang sa kanya.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon