Chapter Eight

22 3 0
                                    

Hexan Salamanca accepted your friend request.



Inilapit ko pa ang cellphone ko sa mukha ko para makita ko ito ng mas malinaw at para masigurong hindi ako namamalikmata lang.

Hexan Salamanca accepted your friend request.

Hindi pala ako nanaginip kagabi!

"Holy Shocks!" I mumbled.

Pagkatapos kong buksan ang Facebook ko ay sinunod ko ang messenger ko. Umaasang  may ibang nagmessage bukod sa walang kwentang GC ng section namin.



"OH MY GOSH!" I exclaimed as I dropped the phone to my bed. Natutop ko ang bibig ko dahil sa gulat.

Pinulot ko ang cellphone ko at binuksan ulit.

Hexan Salamanca : hi.

Hindi ko pa sini-seen ang message niya pero nababasa ko naman.
Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ang ngumiti.

"Mmmmmmp!" Impit kong tili. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagpagulong-gulong na sa kama.

"Ate, okay ka lang ba diyan?!" Nag-aalalang tanong ni Ann sa labas habang kinakantok ang pinto ng kwarto ko.

Atay.

Nakagat ko ang unan ko bago sumagot. "Oo, okay lang ako.....may ipis lang na....biglang nagpakita!" palusot ko.

Gosh sana makalusot. Ayokong isipin niya na kinikilig ako dito. Palagi ko pa naman siyang pinapagalitan kapag nakikita kong may ka-chat siyang lalake. Ma-backfire pa ko.

" Akoy patay ana bi." She offered to kill the cockroach.

"Ha?" Tomas! "Wala na, patay na!" Mabilis kong kontra.

"O...kay. Dalian mo nalang diyan kase tanghali na. Maligo ka na ate kase tapos na magluto si Mama!  Ikaw na naman magiging dahilan ng pagka-late namin e!" reklamo niya.

"Oo na! Maliligo na!" sigaw ko.

Binalik ko ang atensyon sa cellphone ko. "Diyan ka na muna, ha? Liligo lang ako." Kausap ko sa cellphone ko bago ako tumayo.

Kumuha ako ng tuwalya at lumabas na ng kwarto. Bumaba na ako at dumiretso na sa banyo para maligo.

Kumatok ako sa pinto. "May tao?!"

"Wala. Dyosa meron!" Sigaw ni Ann mula sa loob.

"Kapal." I muttered. Nabaling ang tingin ko ng mapansin ko ang Kindergarten student  na kapatid kong si Gabin na masamang nakatingin sa akin sa may pintuan. Nakasuot na siya ng uniform niya at naka-sapatos na din.

"Oh? Ano problema mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Naka-cross arms paa ang kapatid ko.

"Pagdali diha Jel! Ma-late na sad ko tungod nimo! Langay-langayan kaayo ka!"  Nakakunot ang noo niya at magkasalubong ang kilay na utos niya sakin.

Hindi ko alam kung matatawa ako o mabi-bwisit.

"Andiyan pa si Ann sa loob!" Tinuro ko ang pinto ng banyo. "Alangan namang pumasok ako no?"

"Basta! Pagdali!" Singhal niya sakin at padabog na lumakad papuntang kusina.

"Wow..hah!" I scoffed. Kung makabintang sakin, akala mo naman hindi matagal kung gumising.  Kurutin ko pwet nun e.

Bumukas na ang pintuan, at lumabas si Ann na nakangisi. Bigla niyang hinawakan ang isang mata niya.

"Ate, may muta?"

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon