Chapter Twenty-Two

10 2 0
                                    

"Ayoko Jaleeeeey!" Arte ni Riza sa kabilang linya. Nasa video-call naming dalawa at siya ay kumakain. Ako naman ay nagbubungkal ng mga damit ko sa cabinet.

"Hindi pwede ayoko pumunta don nang mag-isa!" Kontra ko.

Medyo nakakaramdam na din ako ng inis dahil kanina pa ako naghahanap ng masusuot pero wala pa din akong mahanap! Ano ba susuotin ko? T-shirt at pants? Dress?

"Iba nalang yayain mo!" Sabi niya.

"Bakit ba kasi ayaw mo kong samahan?"

"E kasi... Basta!" Frustrated na aniya.

"Ikaw ha, isa ka din e!" Tinuro ko siya sa screen. "Anong ginawa mo don sa pinsan ni Hexan?"

"Huh? Sinong pinsan ni Hexan?" Naguguluhang aniya.

"Yung gwapo! Yung matangkad! Yung medyo kulot ang buhok!"

Namilog ang mga mata niya.  "Gago! Bakit mo alam?! Teka, magpinsan sila ni Hexan mo?!" Gulat na tanong  niya.

"Oo magpinsan sila at gago ka hindi akin yon!"

"Sino ba may sabing sayo yon?" Tanong niya at sabay bumunghalit ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Sarap batuhin ng hanger ang mukha, kaso masisira ang cellphone ko.

"Ganon pala ha. Paano kaya kung sabihin ko don sa pinsan ni Hexan ang social media accounts mo? May kasalanan ka daw, e." Pananakot ko. Biglang nawalan ng kulay ang mukha niya at nabulunan siya sa kinakain.

"Teka lang, message ko yun sa ig niya. Or baka nandon yun sa party bukas."

"HOY!" Sigaw niya. "HETO NA MAGD-DRESS BA TAYO BUKAS?"

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtawa.

"HOY JALEY WAG NAMAN! HOY JALEY MAGKAIBIGAN TAYO DIBA?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ows?"

"Oo na sorry na....basta sasama na ako. Saglit lang tayo don ha? Tsaka diba malakas ka? Protektahan mo ko don sa pinsan ni Hexan."

"Bakit ano bang kasalanan mo don?" Tanong ko sa kanya.

"Basta huhu"

"Okay whatever. Basta dapat bukas ng alas tres, aalis na tayo."

"Copy!"

Nandito na ako ngayon sa lugar na pagkikitaan namin ni Riza. Nakasuot ako ng white na dress na off-shoulder na may lace.
Medyo naiirita na din ako kasi hindi ko naman talaga hilig magsuot ng dresses. Kaso baka ma-underdressed ako kapag di ako nagdress.

At nasaan na ba kasi ang babaeng iyon? Usapan alas tres bakit wala pa iyon? Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan sana siya ng biglang may tumapik ng balikat ko.

"Hello!" Bati ng sobrang punctual na si Riza.
She's wearing a pink halter dress. Her hair is in a messy bun. Infairness, her outfit made her look even prettier.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Kalma lang! Alas tres usapan naten tas five minutes lang naman akong late." Depensa niya.

"Sige, tara na." Yaya ko sa kanya. Pumara kami ng traysikel. Tinanong kami ng driver kung saan daw kami pupunta.

Nakalimutan ko hindi ko din pala alam. "Kuya, dito po. Alam niyo po kung nasan iyan?" Pinakita ko sa kanya ang invitation card. Nandon naman ang venue nakasulat.

"Ah, sa Talaga pala kayo ma'am. Sa exclusive na village yan ma'am ah. Hindi ako sigurado kung papapasukin kaming traysikel drivers pero subukan natin kasi may dala naman kayong invitation letter." Sabi ni kuya.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon