Chapter Twenty- Eight

8 0 0
                                    

Umiwas na ako ng tingin pagkatapos ko bumati. Nakita ko din na nakatingin pala silang lahat sa amin. Tumikhim ako.

"U-Uh Vao order na kayo ng pagkain niyo?" Riza asked her ka-walang label.

"Later nalang babe."

Naubo ako sa narinig ko. Si Venz at Braint naman ay tumawa sa reaksyon ko. I also heard the man beside me chuckling.

Ang corny! Babe tapos walang label?!

"---I will eat later. I don't know with these guys." Patuloy ni Vao sa sinasabi nya kanina.

"Okay sige. Basta kumain ka ha?" Riza said full of concern. Mas lalo akong naubo. Nakita ko siyang kumunot ang noo sakin. Pero di ko pinansin.

"Inuubo ka yata, Jaley?" Mapagbirong tanong ni Venz.

"Oo nga e. Bigla akong inubo." Biro ko din.

"May kaubo-ubo ba dito?" Braint asked. "O baka may nalanghap ka na amoy ano.."

"Ano?" Naiintrigang tanong ko.

"Amoy..walang label.."

Nagtawanan kaming tatlo ni Braint at Venz. We also high fived. Si Riza ay namumula at si Vao ay umiling-iling lang.

"Ano,Jaley? Tama ako?" Nagthumbs up ako kay Braint.

"What about tayo, Hexan? Anong naaamoy natin?" Vao smirked to Hexan. Napawi ang kaninang natatawa kong mukha at napalitan ng pagka-seryoso.

"Wala naman... amoy milktea?"  Hexan chuckled. Napatingin ako sa kanya at nahuli siyang nakatingin sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Ako may ibang naaamoy bukod diyan." Vao smirked still. Hindi ko mapigilan na tignan siya ng masama.

"Ano yun, Vao?" Riza asked him. Na kay Vao na ang atensyon ng lahat.

"Hmmmmm." Vao trailed. " Amoy may namimiss. Amoy nagkakahiyaan."

Ngumisi si Braint at Venz at tsaka napatingin sa akin at kay Hexan. Tumikhim ako at napataas ng isang kilay.

Miss? Sino? Asa!

"Oh, sya..tama na tama na. Bumili na kayo ng snacks niyo." Riza told them.  Vao shrugged and winked at me tsaka siya tumayo.

"We will be back Jaley..." Briant tapped my shoulders as they walked to the counter. Tumango lang din ako.

Buti nalang nandito pa si Riza.

"Ah, Jaley." Tawag sa akin ni Riza. "Nagtext si papa. Tawag daw ako sa kanya. Punta lang ako sa labas ha? Pakisabi kay Vao na may kausap lang ako."

Bago pa ako nakapagreact ay tumayo na siya at naglakad palabas ng shop.
Punyemas naman oh! Kakabanggit ko lang e!

"Jaley.." tawag sakin ng katabi ko.

"Hmm?" Sagot ko sa kanya.

"Kumusta ka?" He asked me. Huminga ako ng malalim.

"Ayos lang..ikaw? I'm sure okay ka lang." Sabi ko sa kanya. He licked his lips.

"Ayos lang..oo."  Tumango lang ako sa kanya.

Please huwag ka na magsalita, Hexan. Please lang..

"Tagal natin di nag-usap ah?" He chuckled.

"Huh? H-Hindi naman. Nagcha-chat naman tayo ah?" I told him. Deep inside, kinakabahan na naman ako. Kailan ba sila babalik?

"Yea..like one minute." He said licking his lips again.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon