Chapter Eighteen

30 3 0
                                    

"Hayop na ride iyon!" Hindi ko mapigilan ang mapamura ng malutong pagkababa namin mula sa ride.  Humagalpak ng tawa si Hexan dahil don. Napahawak pa siya sa tiyan niya.

"Epic talaga iyong mukha mo kanina HAHAHAHAHAHA!" Natawa na din ako. I'm so sure my face was epic earlier.

Taenang ride talaga. Ramdam ko pa ang panginginig ko e!

"Kuyaaaaaa! Itigil mo na to sabi! Uwaaaaaaah mama! mama!" Tawang-tawa siya habang ginagaya ang mga pinagsasasabi ko kanina habang umaandar pa at ibinabalibag kami sa ere.

Sumimangot lang ako at inayos ang nagulo kong buhok kanina dahil sa hangin.
Pagkatapos kong mapuyod ang buhok ko ay humarap ako ulit sa kanya. Naabutan ko na naman siyang nakatitig sakin.

"B-bakit?" Naco-conscious na tanong ko.

"Wala." Pag-iling niya. "Kain tayo?" Aya niya. Nagliwanag ang mukha ko.

"Mais?" Nakangiting tanong ko.

"Mais." Ngiti din niya. Magkasabay kaming naglakad palapit sa corn stand.

"Dalawang mais po. Yung tag-25 pesos." sabi ko sa nagtitinda.

"Anong flavor?"Tanong ni ate.

"Cheese sakin." Sagot ko. Tinignan ko muna ang mga flavors na ino-offer nila. Hmm, di ko bet ang iba.

"Hexan." Tawag ko sa kanya. Nakatingin siya kung saan at parang  nakakita siya ng multo.

"Hexan!" Tawag ko ulit. Doon ay napakurap siya at humarap ulit sakin.

"Bakit?" Wala sa sariling tanong niya.

"Ano daw flavor ang gusto mo?"Magkasalubong ang dalawang kilay na tanong ko sakanya ulit.

"U-uh kahit ano." Sagot niya lang. Nagtaka ako sa kanya. Ano kaya ang nakita niya kanina at mukhang wala siya sa sarili niya?

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Oo naman." He hid his thoughts with his smile.  Ginulo niya ang buhok ko as if isa akong bata. I glared at him, and tapped  his hands away.

"Eto na po, dalawang mais." Bago pa ako maunahan ni Hexan ay mabilis ko nang inabot ang bayad sa tindera.

"Oy!" Saway ni Hexan sakin.

I stuck out my tongue. "Ikaw ang nagbayad sa Viking kanina. Ako naman ngayon." Inabot ko na sa kanya ang biniling mais.

"Ediwao." He retaliated but accepted the corn from me.

Nagstay kami sa puwesto namin sa harap ng Corn stand habang kumakain. Patingin-tingin lang ako sa mga taong dumadaan nang may biglang mahagip ang paningin ko. Nasa katapat  namin. At hindi ako pwedeng magkamali kung sino iyon.

Si Evie.

Now I realized why Hexan acted like that.  His girl is here.

Tinignan ko si Hexan na sobrang focused  sa kinakain na mais. Nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sakin.

"Masarap yung flavor. Try mo." Inilapit niya pa sa bibig ko ang parte ng mais na hindi niya pa nakakagatan. Hinawakan ko ang kamay niya at inilayo sa akin ang mais tsaka mabagal na umiling.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Kunot-noong tanong niya. "Hindi ko pa naman nakagatan ang bandang iyan kung saliva concious ka."

"Gusto mo na bang umalis?" Sa halip ay tanong ko sa kanya. Nakita ko sa reaksiyon niyang nagulat siya sa tanong ko.

"H-huh?"

Ngumiti ako sa kanya ng malungkot.

"Gusto mo na umalis, tama?" Tanong ko ulit sa kanya.  His lips parted for a while. He stared at me as if he's trying to figure me out.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon