Chapter Twenty-One

11 1 0
                                    

Sobrang ingay ng hapag habang kumakain kami. Si Mama at si Papa kasi, kung anu-ano itinatanong kay Hexan. Ang lakas pa mang-asar na baka daw nanliligaw sakin. Aaargh! Kainis talaga!

Eto namang si Gabin at Ann, kinukurot-kurot pa ako.

Jusmiyo, kelan matatapos ito?

"Hexan, iho, hindi mo ba talaga nililigawan itong anak ko?" Tanong ulit ni mama na mas lalo kong ikinainis.

"MA! ANO BA?!" Nayayamot na wika ko.

"O bakit?" Painosenteng tanong ni mama. "Aba, kinakabahan na rin ako sayo. Kahit kelan e wala ka pang napapakilalang manliligaw. Tapos iyong mga suotan mo pa ay daig pa ang panlalake. Ni minsan hindi kita nakitang nagsuot ng palda, kundi lang uniform. Sabihin mo nga sa akin anak, tomboy ka ba?"

Nagtawanan ang lahat sa lamesa sa tanong ni mama. Pati si Hexan nakikitawa din! Argh! Nakakainis!

"Hindi po ako tomboy ma!" Naiiyak ko nang wika.

Ano bang mali sa pagsusuot ng pantalon lagi? Bagay naman sakin kasi long-legged ako. Nags-short naman ako ah! Lalo na kapag naglalaro akong volleyball! Ano bang problema nila sakin?

"O tama na tama na. Naiiyak na si Jaley." Akbay sakin ni papa. "Hindi naman minamadali ang pagnonobyo. Tsaka, aba, bawal pa din itong magnobyo ano. Tsaka na kapag tapos na sa pag-aaral." Seryosong sabi ni papa.

Tss. Parang kanina lang e inaasar asar niya ako kay Hexan. Ano to si papa, bipolar? Bago agad isip? Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko nalang sila sa mga pinagsasabi nila.

Maya-maya pa ay natagpuan ko ang sarili ko na nasa labas ng bahay at nakaupo sa mahabang upuang kahoy. Katabi ni Hexan.

Uhm, who should talk first? Ako ba? O siya? Kung ako, ano naman sasabihin ko? Hi, kumusta ka ever since fiesta?
Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa inis. Ano ba kasi sasabihin?

"I hope you are not trying to guess who should speak first, Jaley." Biglang salita ni Hexan. Bumaling ako sa kanya at natagpuan ko siyang nakaharap sa akin. Napakurap ako ng ilang beses.

"H-Hindi ko naman iniisip iyan." Sabi ko nalang.

"How are you, Jaley?" Tanong niya sakin. Napalunok ako. It's been almost a month na hindi na ako masyadong nagre-reply sa mga chat niya. Whenever he invites me to play, I always decline and give out excuses.
And he would always say he understands. So I guess it's okay for him.

"Okay lang naman.... Ikaw? Kumusta ka?" I quickly passed him the question.

"Okay lang din. Medyo busy na sa school for practical research." Sagot niya. Tumango naman ako ng dalawang beses. Kami din kasi,nagsisimula nang ma-stress sa practical research. We've been finding out what method to use.

"Ahh." I blandly responded. Dumaan ulit ang awkward na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bakit kaya ang hirap niya nang kausapin? Parang back to zero kami.

"Why were you avoiding me, Jaley?"

Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon sakin. Hindi ko din inaasahan na alam niya palang iniiwasan ko siya. What could be the next question? Bakit ko siya iniiwasan?

That I couldn't answer.

"Hindi kita iniiwasan. Sadyang busy lang talaga ako this days." I told him.

"It's not just days, Jaley!" Medyo lumalakas na boses niyang sabi sakin.

"Hexan, kalma." Tumatawa kong sabi. "I was really busy, okay?" Sabi ko.

I was really busy. I was busy with homeworks from  school, the research was slowly taking all of my time. Kahit semestral break e hindi ko na nasusunod ang  time management ko. Hinihila ako ng practical research. I'm sure other students will relate.

A Photograph in Coliseum ( completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon