4 - Paniniwala

1.3K 72 14
                                    

“Karun, sa atong senimana nga paghukom sa mga makakasala sa Arkanka. Ania sa inyong atubangan ug nanubag sa ilahang sala si Miguel, Jose, ug Tonio,” (“Ngayon, sa linggo ng paglilitis sa mga nagkasala sa Arkanka, nandito sa inyong harapan at sasagot sa krimen sina Miguel, Jose, at Tonio,”) pakilala ni Senior Florencio sa tatlo, “Si Miguel ug si Jose, nadakpang gapamutol sa atong mga dagko ug karaang kahoy sa lasang. Atong paminawun ang ilang rason ug kamo na ang maghukom.” (“Si Miguel at si Jose ay nahuling pinuputol ang ating naglalakihan at lumang mga puno. Ngayon, ating pakinggan ang kanilang dahilan at kayo na ang magpaspasya sa kanilang kahihinatnan.”)

Lumapit ito sa magkatabing lalaki at inalis ang mga nakabusal na tela sa loob ng bibig nito.   

“Tabangi mi! Dili namo ni sala!” (“Tulungan n’yo kami. Hindi namin ‘to kasalanan!”)

“Nganong namutol man mo’g kahoy? Kabalo naman mo nga dili namo ginatugot ang pagguba sa kinaiyahan dire sa Arkanka.” (“Bakit n’yo pinutol ang mga puno? Alam n’yo ba na hindi namin hinahayaan ang pagkasira ng kasalikasan ng Arkanka?”)

“Gisugo ra mi, Senior. Gibayaran rami. Pait kaayo ang kinabuhi namo sa lungsod maong nidawat mi aning trabahua. Pasaylua tawun mi, Senior. Dili nami muusab! Kung gusto mo makabalo kung kinsa’y nagsugo sa amoa, si Mayor William.  Malooy mo!” (“Inutusan lang po kami, Senior. Binayaran po kami. Napakahirap kasi ng buhay kaya napilitan kaming tanggapin ‘to. Pakiusap, patawarin mo kami, Senior. Hindi na po kami uulit. Kung gusto n’yo pong malaman kung sinong nag-utos sa ‘min, si Mayor William. Maawa kayo!”) pagmamakaawa ng lalaking nasa kaliwang gawi.

“Anong sabi, Bal?” tanong niya sa katabi.

“Inutusan lang sila Bal na mamutol ng kahoy, nagmamakaawa sila sa publiko na hindi sila puwedeng sisihin dito.”

“...naa koy pamilya na ginapakaon. Pasaylua mi ninyo! Dili nami mubalik diri! Dili nami manghilabot sa inyong mga kahoy,” (“...may pamilya akong pinapakain. Patawarin n’yo kami! Hindi na kami babalik rito! Hindi na namin gagalawin ang inyong mga puno,”) iyak naman ng lalaking nasa gitna.

“Apan kabalo mo nga ginabawal dyud namo ang pagpamutol sa kahoy. Dili lang kamo ang nagsuway ug pasipalad sa kinaiyahan namo.” (“Ngunit alam n’yo na ipinagbabawal namin ang pagputol ng mga puno. Hindi lang kayo ang nagtangkang sirain ang aming kalikasan.”)

“Senior! Pasayloa mi!” (“Senior! Patawaron n’yo kami!”

“Anaa sa atong balaang kasulatan nga ang mga taong gaguba sa kinaiyahan, angay rang hukuman ug kamatayon. Unsay hukom sa tanan?” (Ayon sa ating banal na kasulatan, ang mga taong sisira sa kalikasan ay nararapat lang na patawan ng parusang kamatayan. Ano ba ang desisyon ng madla?”) tanong nito sa publiko.

Masasayang BayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon