#160 MA, UWI KA NA!

1 4 0
                                    

Ma, Uwi Ka Na!

Kakauwi ko lang galing sa paaralan nang naisipan kong si mama ay tawagan. Wala pang isang minuto when she answered my video call.

"Ma, ku-"hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang nakita ko ang iba't ibang pasa sa kaniyang mukha. I gulped twice.

"Anak, ayos lang ako." Malumanay niyang wika. Isang luha ang lumabas sa aking mata at hindi ko na napigilan ang aking paghikbi dala ng awang aking nararamdaman patungo sa aking ina.

"Ma, sinaktan ka na naman diyan? Mas mabuting hihinto ako sa pag-aaral dito sa Pinas kaysa magdusa ka diyan." I said as I wipe my tears pero umiling siya sa akin. Ma, naman!

"Ma? Hindi kita kayang tingnan ng ganiyan! Wala silang karapatan na saktan ka diyan!"

"Ayos lang ako Kai, para sayo ang lahat ng ito." Paulit-ulit niyang sabi na dahilan para maiyak ko. Kahit anong hirap na dinanas mo ay kakayanin mo pala para sa taong minahal mo ng sobra.

She's my mom-an Overseas Filipino Worker(OFW). Habang sinasaktan siya ng kaniyang amo ay tahimik din akong nasasaktan.

"Ma, ang suwerte ko talaga sayo no? Kahit nasasaktan ka na, kinaya mo pa. Tapos ang bait mo pa."

"Mahal na mahal kita Ma, isipin mo yan ah? Mahal ka ni Kai at ikinararangal kita." Mga katagang lagi kong binibigkas para mapalakas ang kaniyang loob.

But months passed and passed ay mas lalong naging miserable ang buhay niya.

"Ma, uwi ka na." Umiiyak kong pakiusap pero iling lang aking natanggap.

"Malayo ito sa bituka anak," palagi niyang sagot sa bawat sabi ko ng ganoon. Ma, naman!

"Ma, uwi ka na please! Maawa ka naman sa akin ma, pakinggan mo ako ma!"

"Ma! Mabubuhay naman tayo dito e, uwi ka na please!"

"Uwi ka na ma, hindi na kita kayang tingnan ng ganiyan." Pagpupursigi ko sa kaniya para uuwi siya. Pero hindi niya talaga ako kayang pakinggan.

"M-ma? Si Kai na anak mo na ang nagsabi pero ayaw mo pa rin?" Humahagulgol ako ng iyak sa harapan ng screen. Naghihirap na siya pero bakit ayaw niya paring huminto? Para sa akin? Ma, naman!

"Pabayaan mo ako sa kung anong gusto ko! Ginawa ko naman ito para sayo!" Sigaw niya sa akin at tinapos ang tawag. Napaiyak nalang ako at napatingin sa altar.

"Mali ba ang ginawa ko? Mali bang pauuwiin ko siya? Mali ba yun? Ikakagalit ba yun? Pero huwag mong pababayaan ang mama ko ha? Ipaparamdam mo rin sa puso niya na mahal ko siya sobra." I uttered to Him while staring at His statue infront of me.

"Ma, uwi ka na!" Hindi ko na kaya e, sobra na akong nasaktan. Hindi ko na kaya! Hindi ko na talaga kaya!

"Oo, uuwi na ako Kai." Sagot niya para maglundag ako sa saya.Naglinis ako sa bahay at ginawan pa siya ng tarpaulin. Sa wakas, uuwi na ang mama ko. Nakinig din siya sa akin na noon ko pa pinapangarap.

Pero imbis na siya ang nasurpresa, I am the one who got surprised.

"M-ma?!" I called her and I'm such a statue staring at her body.

Before everything went black I uttered painfully, "akala ko maging masaya na tayo ma, bakit mo ako iniwang mag-isa? Bakit?"

She's gone to heaven.

-
@check_korek

ONE SHOT STORIES(1.0)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon