#178 ATE VS. BUNSO

2 5 0
                                    

Ate Vs. Bunso

It was raining cats and dogs when my youngest brother invited me to play with him. S'yempre, ako? Tatanggi? Nah. So I decided to stop using my phone tsaka siya hinarap.

"Ano bang lalaruin natin?" I asked him confusingly.

"Kahit ano ate, basta laro." See? HAHAHA.

Ayun, kahit ano ang inilalaro namin until napadpad kami sa larong, "ilang kambing ang nasa bukid" yet he created another version.

Ayaw niyang tutulad kami sa laro na iyon kaya gumawa siya ng iba para raw maganda. Hindi rin namin ginawa ang paghawak nito sa tainga. Psh, masanay ka na sa kaniya.

"Ito ate, ilang bulaklak ang nasa bukid?"

"Marami, as in more than one."

"Itinanim o hindi?"

"Itinanim, of course."

"Bakit mo itinanim ate? Nadamuhan na iyon!" Pangatwiran niya sabayan ng pagkamot sa kaniyang ulo. And I can't stop myself from laughing pati si Papa na nasa tabi namin.

Eee!

"Ako na naman 'by. Ilang bulaklak ang nasa bukid?" I asked him.

"Hmm, isa ate." Kuripot tss.

"Itinanim o hindi?"

"Hindi ate." Ayan pa, tss.

"Bakit hindi 'by? Sayang iyon tas ang ganda kaya ng bulaklak!" Saad ko rito na may pangatwiran. Halos hindi pa ako nakatapos ng pagsasalita nang umusal na siya.

"Ang hirap kaya mag-igib ta's sayang ang tubig, ang layo ng igiban sa aming bukid!" Sagot niya sa akin.

"May ulan naman 'by ah." Pangatwiran ko sa kaniya pero ako rin ang talo't natanga dahil sa kaniyang huling sagot.

"Walang ulan sa amin ate, matagal na! Kawawa naman ang bulaklak kung itinanim ko!"

Napailing na lamang ako habang sila'y tumatawa ng malakas at si papa'y may pa-wink wink pa kay bunso dahil natalo ulit ako.

Psh, talo na lang ako palagi at hindi naman talaga ako manalo kapag siya ang magiging katapat ko.

Mana raw siya sa akin pero nasobrahan ata ng mana, laging talo ang pinagmamanahan. Psh.

-
Non-fiction
-
@check_korek

ONE SHOT STORIES(1.0)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon