#74 NAGCHEAT AKO SA KANIYA

14 8 0
                                    


Nagcheat Ako Sa Kaniya

She's Kianna–my girlfriend. Siya yung tipong babae na maunawain,mapagmahal,madaling kiligin at syempre nangunguna sa karupukan.

She once told me before na hindi niya alam kung paano maging sweet towards on her partner yet she don't know na grabe na ang katamisan niya pagdating sa akin. She may not be a perfect girlfriend of mine but she's the one I treasured the most.

I courted her in a year–before she answered me–bago ko narinig ang matamis niyang oo. May away at tampuhan pero di naman namin iyon paaabutin ng isang araw. Marupok–kaydaling suyuin.

But I can't lie as a guy,minsan na tayong makaramdam ng sawa sa isang babae. To make the story short, nagsawa ako and I cheated on her.

Not until–one day, sinundo ko siya galing sa kaniyang trabaho. Pero ang kaniyang titig sa akin ay kakaiba.

"Jay, kailan pa tayo naghiwalay?" She asked me coldly at napalunok ako. May nalaman kaya siya?

"Tell me, kailan pa tayo nagbreak?!" I sighed at hinila siya sa isang sulok dito sa hospital. Yes, she's a nurse.

"What are you talking about? Hindi tayo nagbreak at kahit kailan hindi ko iyon gagawin." Mahina kong sabi yet she cried at madali niyang pinunasan ang kaniyang luha.

"K-kung hindi t-tayo n-nag-hiwalay, bakit may i-iba ka?" Tanong niya na nagpadurog sa akin. Nalaman nga niya ang aking kamalian. Bigla siyang yumuko at napahagulgol ng iyak.

"Kia-"

"Sa pagkakaalam ko kasi...sa relasyon ay may isang lalaki at babae lamang...ngunit, bakit dalawa kami? B-bakit?" Napayuko ako at aalis na sana siya nang hinawakan ko ang kaniyang kamay..

"P-pat-awarin mo a-ako,"sabi ko and I sniffed. Para ko siyang niyakap sa sitwasyon namin ngayon and he's holding my shoulder.

"Pero nagkamali ka at hindi ko iyon matatanggap."

"Pangako, magbabago-"

"Sawa na ako sa pangako mo, sawa na akong iyon ay laging mapako." Yelong bigkas niya at iniwan ako.

Hindi ko siya tinigilan, at lagi kong sinusuyo. Hoping na lalabas ang kaniyang karupukan pero hindi na pala.Nagbago ang kaniyang isipan at ako'y kaniyang...

Pinapatawad.

"I will give you a second chance to prove infront of my family that I deserve someone like you. Ganyan kita kamahal Jay at ayaw kong siraan ka ng pamilya ko. Pero kung magloko ka ulit, wala ka ng babalikan pa."

After that, naging kami ulit. At ilang araw nalang ay maging bride ko na siya.

To the one whose reading this, keep your girl and don't give her a pain. Wag kang magcheat sa kaniya at ika nga 'once is enough' at minsan lang maging 'second chance' sapagkat hindi lahat ng babae ay bibigyan ka ng pangalawang pagkakataon para baguhin ay iyong kamalian.


@check_korek

ONE SHOT STORIES(1.0)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon