#185 IKAKAGALIT NA?

1 5 0
                                    

Ikakagalit Ba?

"Jammie!" Dave called me as myself watered our plants here in our garden.

"Tigilan mo ako!" I said to him at lumapit siya sa akin. Nakapamaiwang ito kaya't kumunot ang noo ko.

"Ikakagalit ba ng nanay mo kung ika'y aking aangkining akin?" Tanong niya't naging dahilan para umiwas ako ng tingin.

Sabing tigilan na ako e! Nakakainis!

"Ikakagalit din ba ng lupa kung diyan kita tatadyakan?" Usal ko sa kaniya at matalim itong tiningnan. He laughed.

"Teka lang, galit ka na naman." He said calmly. Sino ba ang hindi magagalit dito?

"Tigilan mo kasi ako sa mga achuchu mong iyan! Maging multo ka niyan e," I said and rolled my eyes into him.

"Hindi ako magiging multo, promise 'yan!" Nye nye. Binaba ko ang hawak kong tabo at aalis na sana nang nagsalita ulit siya.

"Ikakagalit ba ng multo kung takot akong mawala ka?" Nagtitimpi akong tumigil sa paglalakad.

"Pagtalikod mo palang sa akin, parang nanginginig na ako sa takot, paano nalang kaya kung mawala ka?" Hinarap ko siyang inis na inis and I picked a stone.

"Ikakagalit ba ng bato kung itapon ko ito patungo sa'yo?" Gigil kong bigkas at binabato sa kaniya kaso nakailag ang Dave na mukhang timang.

"Ayos lang naman iyon basta ba, kiss pagkatapos?" Argh! Sarap tadyakan nang tadyakan.

"Dave! Tigilan mo na 'yang si Jammie!" Galit na bigkas ng taong kararating lamang sa kinaroroonan namin.

He's my dad.

"Mahal ko po ang anak mo Tito!" Saad niya na ikinabilog ng mata ko. Ang lakas ng fighting spirit ah!

"Ikakagalit ba ng bayabas kung kukuha ako ng sanga para pampalo sa'yo?" Ano raw? Si Papa ba talaga ito?

"Pa, is that you?" Tanong ko sa kaniya. Sumabay sa trip e.

"Oh, ikaw! Uwi!" Napakamot nalang ako ng ulo't kumaripas ng takbo.

"Bleee!" I shouted to Dave na ang mukha'y naging multo na dahil sa sobrang putla.

Sabi ko na e, maging multo siya sa 'ikakagalit ba' niya.

"Diyes anyos palang kayo, tigilan mo ang anak ko!"


@check_korek

ONE SHOT STORIES(1.0)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon