#81 GHOSTED

15 8 0
                                    


Ghosted

I'm facing the mirror–my reflection while I'm wearing this kind of suit. Para talaga akong multong bride ngayon. Sino kaya yung groom ko ngayon? At sana naman magustuhan ko.

"Grooms,you may meet your brides." Dahan-dahan kaming lumabas sa room kung saan kami nag-ayos. Napayuko akong naglalakad without seeing who will be my groom tonight.

"You looks still beautiful Star." Sabi ng pamilyar na boses at hinawakan agad ang aking kamay. Gayun na lamang ang pagkagulat ko when I noticed that this man beside me is my crush.

Pero bakit sa halloween party pa? Di ba puwedeng sa Valentine's day nalang? Para sure ang happy ending naming dalawa.

Marami ang napagsamahan namin ngayon at pinag-usapan. Enjoy na enjoy ako hindi lang sa nakasali ako ng party na ito kundi dahil din sa naging groom ko siya. Yie,mainggit ka na.

"F-flowers for you," nag-alinlangan niyang saad. Tinanggap ko ang bulaklak at sabay kaming nagpicture. Para na talaga siyang zombie sa ayos niya.

Natapos ang party and my smile never fades. Ack! Imbis na matakot ako sa mga activities ay kinilig ako ng todo. Sheyt! Sino bang mag-aakala na siya ang kukuha sa akin bilang bride niya?

"Gusto kita Star," aniya na nagpatigil sa akin. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan nang bigla siyang tumawa. May meaning sa tawa niya pero hindi ko gets.

"May sulat sa bulaklak na ibinigay ko,read it pag makauwi ka na." Bulong niya sa akin and he tapped my head. Nagsimula na siyang lumayo habang ako ay tulala pa rin. Totoo ba ito? Totoo bang gusto niya ako?

"Isipin mo, madaming multo ngayon. Happy halloween!" Sigaw niya sa akin bago pa man siya sumakay sa kotse niya.

I didn't wasted my time at umuwi na agad. Nagbihis na ako nang maalala ko ang bulaklak. May papel nga na nasa gitna kaya binuksan ko iyon.

"Multo ako." Basa ko at halos magwala ako sa inis. Pashneya siya! Ngayon ko lang nagets ang tawa niya at ang sinabi niya kanina.

"Isipin mo,madaming multo ngayon. Happy halloween!" Pang-uulit sa isip ko. Ibig sabihin, multo siya–not literally multo kundi yung tinawag nilang ghoster. PASHNEYA!

Damn, I'm ghosted gaya ng nagbabasa.


@check_korek

ONE SHOT STORIES(1.0)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon