#87 PAKOPYA NALANG CRUSH

13 7 0
                                    

Pakopya Nalang Crush

"Sira ka!"

"Daming love birds!"

"Ayiee,ang sweet nila!"

"Yung papel ko, isauli mo!"

"Yung ballpen ko nawawala!"

Sari-saring ingay na talagang mabibingi ka. Napailing nalang ako at lumabas sana ng room. Pero isang hakbang pa lang ang nalakad ko ay nakita ko na ang professor namin na papadating.

"Prof is coming!" Sigaw ko sa lahat at dali-dali silang umupo ng maayos. Dating gawi ulit.

Pumasok ang prof namin na talagang may anghel na dumating. All of us are silent at wala ni isang magtangkang magsalita. Samantalang parang merkado ang ingay kanina. Psh!

"Get one whole sheet of paper!" Napaigting ang aming tainga at todo reklamo sila. While me? Just chill.

"Lagot na ito! Hindi pa naman ako nagstudy kagabi."

"Bwesit! Palagi nalang surprise!"

"Tsk!"

"Hindi nga nagsabi na magganito pala,test agad."

Rinig kong bulong nila. I end up in silence tsaka sinulyapan ang babaeng katabi ko. She's about to get her notebook nang nagsalita si prof.

"Quiz time na ngayon, no more notebooks! It is not my fault kung hindi kayo nagbasa-basa o nakikinig kahapon." Gigil na gigil siya sa narinig but he's right. It's our fault kung bakit hindi kami nag-aral and knowing this professor ay talagang bet ang surprises. Kahit di ako mag-aral,gets ko naman ito.

Nagsulat na siya sa board at pagkatapos nun ay nagsagot na ako. Mathematics kaya kampante lang ako.

"Yun pa talagang ayaw ko?" Bulong niya at napangisi sa akin. Dinukdok niya yung ulo niya sa mesa nang hinawakan ko ang kaniyang buhok.

"Chill,"ani ko at halata siyang nagulat.

"Wala akong maisasagot. Paano ako maging kampante?" Problemado niyang bigkas. Tss, puro kasi wattpad. Pasalamat ito crush ko ito.

"May sagot ako. Pero–" huminto ako sa pagsalita and I grinned to her. May plano ako and I know this will be enjoyable.

"Pero?"

"Sabihin mo, pakopya nalang crush." Tuluyan niyang inangat ang kaniyang ulo at parang inis akong tiningnan. Pero hindi talaga ako magpapatalo. Ako pa! Isang Kiel, magpapatalo? Kailan?

"Oh sige,pakopya nalang crush." Bored niyang bigkas. Tsk!

"Gusto ko yung sweet." Pang-aasar ko and she blushed.

Nanatili kaming nagbulungan at sa huli natalo ko din siya.

"Pakopya nalang crush," malambing niyang sabi at para akong nanalo sa luto ng marinig ko iyon. Pulang-pula ang kaniyang mukha ngayon at siguro nahihiya siya sa poging tulad ko.

"2 minutes!"

"Name mo Lhor!" Usal ko nang ipasa na sana niya ito. Nagmamadali siyang lagyan iyon ng pangalan but I am surprised when I saw my last name on it.

"Teka! Bakit last name ko yan?" Inosinte kong tanong at dali-dali niya itong binura. She passed her paper pagkatapos pinuntahan ako. Grr! Ang cute niya.

"Sorry,di ko talaga sinasadya iyon Kiel. Nataranta lang ako and also thank you!" Tatalikod na sana siya nang hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinaharap siya. Sa ngayon,isa na siyang pulang kamatis. At mas lalo siyang naging cute.

"Do you know? Bagay pala ang apelyido ko sa pangalan mo." I said in sexy tone and winked.

Nahawakan ko na siya at sa oras na ito ay di ko na siya papakawalan pa.

Nagkatuluyan sila nang dahil sa kopyang iyon. Oh ikaw? Pakopyahin mo na iyang crush mo baka sakaling magkatuluyan din kayo!


@check_korek

ONE SHOT STORIES(1.0)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon