#78 I WON OVER DEATH

11 8 0
                                    


I Won Over Death

"Hubby,mahal na mahal kita. Kaya pagaling ka huh? Papakasalan mo pa ako," rinig kong sabi ng nobya ko. She's now holding my hands at ramdam ko ang kalungkutan niya. I smiled as she wipe her tears. I need to be strong for her and to my family also.

But, I don't know what had happened. I'm suffering comatose in six months. Natulog ako at di ko alam kung nandiyan pa ba siya sa aking tabi, kung binisita ba niya ako o kahit man lang tinatabihan sa aking pagtulog.

"Kailangan kong lumaban para sayo wifey," I always put it in my mind and even my father wanted me to be with him in a paradise ay kusa kong tinanggihan ang alok niya. My wifey needed me the most at alam kong nangungulila na iyon sa akin. Namiss ko ng halikan ang kaniyang noo at ang yakapin siya.

Not until - I woke up and I saw how happy my mom is. Iginala ko ang aking paningin but I didn't saw her.

"Where's my wifey mom?" Tanong ko sa kaniya. Today is her birthday, her 18th birthday to be exact at ito ang gift ko para sa kaniya.

"Birthday niya ngayon nak, may party yun." Sabi niya but I felt the sadness of her voice. Ramdam ko ang lakas ko kaya akin ng tinanggal ang lahat ng nakakabit sa akin. I need to go!

"Anak!" Sigaw ni mama.

"Ma, ayos na ako." Sagot ko nalang. Alam kong ayaw niya kaya umalis agad ako. Di masyadong malayo ang bahay ng girlfriend ko dito sa hospital kaya nakarating agad ako. Mahina pa ako ngunit kailangan niya ako.

Sa pagpasok ko ay ang lahat ay nakatingin sa akin–including her whose dancing with a man. Pinigilan kong di maiyak at nilapitan siya. I am about to hug her when a man get her away from me.

"Who are you? Anong kailangan mo sa girlfriend ko?" And that hits me. Napatingin ako kay wifey at umiiyak lang ito. Unti-unti ng tumulo ang aking mga luha at umiiling-iling. Hindi! Hindi ito totoo!

"Sorry," isang salita ngunit alam ko ang kahulugan. Isang salita na mas lalo sa akin ay nagpahina.

"Anak, let's go." Narinig kong sabi ni mom. Pinatalikod na niya ako ngunit nanatili ang tingin ko sa kaniya. Ang babaeng di ko akalaing maghahanap ng iba.

Yes, I win over death but I lose in my girl's heart. Nagwagi ako kay kamatayan ngunit natalo ako sa puso ng mahal ko.

Ano pang saysay ng aking ipinaglaban kung kusa niya naman akong sinukuan?


@check_korek

ONE SHOT STORIES(1.0)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon