I was silent the whole ride. Or should I say, we were. None of us talked as we both listened to my bombarding stomach. I was already embarrassed to the pit of my extent, and now this! Hindi talaga ako nawawalan ng kahihiyan sa tuwing magkasama kami! Nakakainis!
At nakakagutom. Akala ko ay dadalhin niya ako sa isang restaurant, pero nang huminto kami sa pamilyar na bahay nila, ay kumunot ang noo ko. Am I.. gonna eat here again? I mean, okay lang naman, masarap naman sila magluto rito.
Bumaba na lang ako nang walang kibo, hindi na hinintay na pagbuksan niya dahil siguradong hindi niya naman gagawin. Bumati ako kay tito Sergio.
"Oh.. sabi na nga ba't babalik ka, nakalimutan mo iyong singsing mo sa kuwarto. Pinahanap kita kay Aries para isauli, mabuti't nahanap ka niya dahil wala ka raw sa hotel na tinuluyan mo.."
Lalong kumunot ang noo ko. So.. he was looking for me? He came looking for me? Kaya ba naroon siya sa mall? Pero bakit may kasamang babae? Nagpatulong pa talaga siya sa babaeng iyon na hanapin ako? As if she was of any help?
Umakyat si Aries kaagad nang makatanggap daw ng tawag mula sa office. Sinamahan naman akong kumain ni tito Sergio, pero kaagad din siyang nagpaalam nang bumaba ulit si Aries.
"Magpapahinga na 'ko.. mamaya ay dadalawin ako ni Kaloy at paplanuhin namin ang gusto kong bakod para sa hardin." Sabi niya sa anak. Ngumiti rin siya sa akin at kalaunan ay nawala na sa paningin ko.
I was left with Aries. Umupo siya sa kabisera kung saan nakaupo ang tatay niya kanina. Again, I became conscious of myself because of his stares. Dahil ayaw ko nang maulit ang nakaraan na mawalan ng gana dahil sa mga titig niya, ay hindi na ako nanahimik.
"I'm thankful for the help, but would you please quit staring at me? I can't even eat properly, my goodness." Sabi ko at inirapan siya.
Is it the hunger that makes me grumpy, o sadyang irita lang ako sa kaniya despite helping me? Clearly, I'm the problem here.
"I just thought maybe you don't want to eat alone."
I rolled my eyes. "Actually, it's the other way around." Sabi ko. I lived alone for years, I sleep and eat alone. Duh.
"I'm sorry." Sabi niya at tumayo. Nagulat naman ako nang umalis siya.
"I-I—" hindi ko na natapos ang sasabihin nang talikuran niya ako at umalis. I didn't know where he went, pero diretso iyon sa sala. Natulala ako sa dinaanan niya at kalaunan ay bumuntong hininga.
Matampuhin. I smirked. Sa tanghaling iyon, hindi ako kaagad nakaalis. Not that I want to go, though. Nasa hardin ako at pinapanood si tito Sergio, kasama ang isang lalaki na siguro ay kaedad ko. Matangkad siya, pero hindi ganoon ka mature ang katawan at hitsura. He's topless and he's holding a tool bag.
"Kayo ho ang balaha, puwedeng bukas na ho natin simulan, sasabihan ko ang mga kasamahan ko." Magalang na sabi ni Kaloy.
I'm wearing a lavender silk dress. Spaghetti strap ito at mapresko. Bagay na bagay sa beach, pero hindi gaanong revealing. Well, at least, para sa akin.
I crossed my thighs and just watched them, waiting for my resume to be sent by Celine today. Ang cellphone ko ay naiwan sa bahay, kaya wala akong mapagkaabalahan kundi ang tumambay rito sa hardin dahil hindi pa naman nagyayaya si Aries. Ihahatid niya naman ako 'di ba? Paano ako babalik doon?
"Mabuti nga kung magsimula na kaagad, para hindi magulo ang pagkakaayos ng mga halaman kapag nag-dagdag na 'ko.." sagot ni tito at humalakhak.
Hindi ko na nasundan ang usapan nila. I rested my chin at the back of my fingers when I put my left elbow on the table beside me. The air is refreshing enough, but not as satisfying as the wind at the house where I'm staying. Probably because it's near the beach.
BINABASA MO ANG
El Nido #1: His Only Muse
RomanceBeing all alone by herself and broke as fuck in El Nido, Palawan, Tatiana, the high maintenance muse of the University of the Philippines, is down to take all risks and jobs to sustain herself, even if it means she'll have to live with a man she bar...