Chapter 32

14.4K 376 28
                                    

"Hey, baby, be careful!" Tumayo ako nang makita ang anak kong tumatakbo patungo sa akin. May hawak itong malaking shell at molding cup. May mga buhangin nan aka dikit sa hita niya hanggang sa bewang. Cute na cute ito sa suot na purple bathing suit.



"Mommy! Mommy shell!" She excitedly showed me the shell in her hands while running.



Napangiti ako nang matanaw si Aries na nakasunod sa bata.



"Wow! Did daddy get that for you?" sinalubong ko siya.



Lumawak ang ngiti niya kaya lumitaw ang matataba niyang pisngi. "Yes, mommy! Look! Pyitty.."



Umupo ako sa beach para mag pantay kami. Huminto siya sa harap ko at ipinakita sa akin ang shell. Tinignan ko lang iyon at ngumiti bago muling nag baling sa kaniya. Kumikislap ang kaniyang mga mata habang ipinapakita iyon sa akin. Her lips are the cutest I've ever seen. Her teeth are not yet fully developed which made her more adorable.



"Right, it's so pretty, what are you gonna do with it?" I asked holding her back.



"Hmm.." she looked at the sky as she thinks. "I will give it to lolo so he can put it in the gayden!" masigla niyang sagot.



I acted amused and caressed her cheeks. "Great! I'm sure he'll like it." Sabi ko. I kissed her cheek and laughed. I just couldn't get enough of her.



"Do you wanna go swim, baby?" boses ni Aries nang makalapit sa amin. Umupo rin siya sa tabi ko.



The child nodded and looked back at the sea. Pinagmamasdan naming siya nang muli siyang lumingon sa amin. Natigilan ako. Kumunot ang aking noo nang makitang nabubura ang mukha ng anak ko. What the hell?



Mabilis ko siyang hinawakan at tinitigan. "W-what.." hindi ako makapaniwala. "Baby?! Baby, what's happening?" Nanginginig ang mga mata kong hinawakan ang mukha niya. It's plain skin. Walang mga mata, ilong, bibig!



"A-Aries! Aries what's happening?!" Nilingon ko si Aries na kunot ang noong nakatingin sa akin. Hindi niya ako sinagot. "What the hell?! Can't you see your daughter?!" Nabasag ang boses ko at napatayo na ako sa galit.



"Baby, baby let's go, huh? We're going to the hospital—"



"Where are you taking her? What are you doing?" nag tatakang tanong ni Aries.



Tinignan ko siya nang masama. "Are you fucking blind, look at her face! It's gone! Everything's gone!" sigaw ko. Hinila ko ang anak ko na tahimik lang. I couldn't see if she's crying. I couldn't hear anything from her because she doesn't have a mouth. Oh my God!



Nahinto ako sa pag hila sa anak ko nang alisin ni Aries ang kamay ko sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanila. "What the hell! Let's get her to the hospital—"



Aries knelt down and held the child's shoulders. Puno ng pag tataka ang mukha ko habang pinapanood siyang kausapin ito. Why can't he see that our daughter doesn't have a face?!



"Go play at the beach, I'll help you build a castle." Sabi niya rito.



Tumango ang bata at tumakbo patungo sa dagat. Nang tumayo si Aries ay tumingin na siya sa akin. " What do you mean? What's happening to you?" Seryoso ang kaniyang mga mata.



Tumulo ang luha ko habang pinapanood ang anak ko na tumakbo patungo sa dagat. "Baby, on the beach! Don't get in the water yet!" Sigaw ko nang makitang dire-diretso ang takbo nito sa dagat. Akala ko ay makikinig siya, kaya hinarap ko si Aries.



El Nido #1: His Only MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon