Tw: Attempted suicide
__________PRESENT
"I've talked to my secretary, they're setting the conference room in my company. Known media and reporters were also notified last night. Press conference will start in two hours as planned." sabi ni Aries habang ipinapasok ang gamit ko sa likod ng sasakiyan.
Tumango ako. The flight through his private plane wouldn't last longer than an hour, kaya mayroon pa akong isang oras para mag handa doon. "Nasaan na si Angelica?" I asked.
Isinara ni Aries ang trunk at ibinigay sa driver niya ang susi. Hinugot niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at pinag pipindot iyon. "She's still not replying." sagot niya.
I looked at my wrist watch and saw the time. I sighed. "Let's wait some more." sabi ko.
Tumango si Aries at sabay kaming pumasok sa bahay.
"Akala ko naman ay magtatagal ka rito, anak, sayang naman.." sabi ni tito Sergio. Umupo kami sa living room.
I smiled at him. "I'm sorry, tito. I just really need to fix this today." This is my fifth day here in the Philippines. My plan is to fly back to New York after the conference in Manila. Kailangan ko nang balikan ang naiwan kong trabaho.
"Ibig sabihin ba ay hindi ka na babalik pagkatapos nito?" tanong pa niya.
Pareho sila ni Aries na nakatingin sa akin, hinihintay ang isasagot ko. Napaawang ang labi ko bago pilit na ngumiti. "I'll come back naman po.." I said. Ang totoo ay hindi ko alam. Wala sa plano ko noong bumalik dito na makita ulit ang El Nido.
My two-day stay here made me cry, smile, and feel nostalgic. May kung ano sa lugar na ito ang tila nagmamanipula ng switch sa utak ko. I'm very different and it feels like I met my old self again. Hindi ko ito naisip bago bumalik.
Lumawak ang ngiti ng matanda, habang si Aries ay taimtim lang na nakatitig sa akin. "Will you leave Philippines today?" nakapag salita siya nang hindi na nag tanong ang ama niya.
I looked at him and nodded. "Yes."
Hindi siya tumugon. Hindi naalis ang mapanuri niyang mga mata sa akin kaya napalunok ako.
"Nag-book ka na ba?" tanong pa niya.
"My manager booked me one last night. Flight is at 6pm." I said. Nakausap ko na kasi kagabi sina Kenny at Iza. They'll be streaming the conference online. I took a deep breath and managed to keep my smile. "Si Angelica?" pagbabago ko ng usapan.
Doon lamang nag bago ang ekspresiyon niya. Inilabas niya ulit ang cellphone at ngayon ay idinial na ang numero ni Angelica. He held his phone on his ear for quite some time. Ginawa niya iyon nang dalawang beses pero wala pa ring sumasagot.
Tumingin ako ulit sa relo ko at napanguso dahil sa oras. Kung magtatagal pa kami ay magagahol na kami sa oras. Bumuntong hininga si Aries at tumayo. Pinag masdan ko siya na kunot ang noong ibinabalik ang cellphone sa kaniyang bulsa. "Let's go," aniya kaya tumayo na kami.
Tumayo rin si tito Sergio para ihatid kami sa labas. Lea's not here, probably in her guest house again. I don't know if she even know we're leaving today, pero hindi na namin siya inabalang papuntahin.
Umandar ang sasakiyan nang makita ng driver na lumabas na kami ng bahay. Aries opened the backseat for me with his hands protecting my head from bumping on the roof. Pumasok ako at bago niya isara ang pinto ay dumungaw ang ulo niya papalapit sa akin. I looked at him, confused.
BINABASA MO ANG
El Nido #1: His Only Muse
RomanceBeing all alone by herself and broke as fuck in El Nido, Palawan, Tatiana, the high maintenance muse of the University of the Philippines, is down to take all risks and jobs to sustain herself, even if it means she'll have to live with a man she bar...