I remember seeing his room before, pero pa silip-silip lang. Kaya naman ngayong nasa loob talaga ako, ay hindi ko alam ang ire-react. It is trice the guest room that I'm occupying. I even believe it could be four times bigger than that.
Malaki ang kaniyang kama at kulay solid gray ang comforter noon. Madilim ang paligid, pero hindi to the point na mahihirapan kang makakita. His dim lights in every corner and behind the accent ceiling did the job. Hindi ko maiwasang mamangha.
It is colder here, probably because of the two huge aircons. Bitbit ko ang mga sapatos ko at nakasunod ako sa kaniya habang naglalakad. I followed his way to another room inside, which obviously is his walk-in closet.
Napanguso ako sa ganda noon kahit simple lang naman. May table sa gitna na para sa collection niya ng mga relo. I recognized some of them dahil nakikita ko ang signature features ng mga brands na alam ko.
"Put them here," Binuksan ni Aries ang isang built-in cabinet na may transparent na sliding door. Kamukha nito iyong sa walk-in closet ko sa condo, mas malaki nga lang iyong akin. Well, mas malaki naman ang kabuoan ng kuwarto niya. I value my things more than myself kasi. Joke.
Sumunod ako nang ilagay niya iyong mga bags ko sa itaas. Itinuro niya ang space sa ibaba at doon ko isa-isang ipinatong ang mga heels, rubbers, at boots. Ni wala man lang ipinadalang flats o tsinelas si Celine.
"You can use this whole space here," Itinuro niya ang bakanteng cabinet na iyon. Marami ang mailalagay ko roon dahil maluwang pa at mataas ang sabitan. Abot ko naman dahil kaya pa ng height ko. "Will this be enough?" tanong niya.
Nilingon ko siya at ngumiti, "Oo, sobra pa 'to. Pero sana hinintay ko na lang 'yung sa guest room?" sagot ko at ipinalibot ang tingin sa closet niya.
"Why? Ayaw mo rito?"
Mabilis akong nag balik ng tingin sa kaniya. He's looking at his closet too, trying to figure out what's not good with it.
Kaagad akong natawa at umiling. I used my hands to signal na mali siya ng iniisip. He looked at me with serious eyes.
"Hindi. I mean, since nandito ang mga gamit ko, paano kapag kailangan ko sila? Edi papasok ako.. dito..?" Mahinang tanong ko.
I caught his adams apple move. Napakurap ako doon. "Oo." Sagot niya.
I tilted my head. Mataas ang mga kilay ko habang pinagmamasdan siya. I was hoping that he could guess what I am thinking. Isn't that just weird? Ako, pumapasok sa kuwarto niya, because my things are inside? Isn't that a husband and wife thingy?
Dang, no. Kung mag-asawa kami ay dapat sa iisang kuwarto kami natutulog. Aish, ano ba itong pumapasok sa isip ko?
"Maliliit ang mga bag mo, dito mo ilagay ang mga dadalhin mo bukas." Pinanood ko siyang buksan ang isa pang cabinet at kuhanin ang stylish na travel bag. Oh, LV. Medyo Malaki nga iyon kumpara sa mga bags na meron ako dito. Nag kibit nalang ako ng balikat at tinanggap iyon.
"Thanks,"
"We'll leave at 6 am for our 8 am flight. Let's wake up early, mag-luluto ako ng almusal." Bilin niya pa.
Tumango-tango ako dahil sanay na. "Okay, uhm, good night, Aries."
He just looked at me and I saw his adams apple moved again. "Good night."
And I took that as a sign to leave his room.
As Aries planned, we left the house at 6 am. Maliwanag na ang paligid pero hindi pa sumisikat ang araw. I was surprised when I've learned that Clarence will drive us to the airport. Wala pa raw kasing mga taxi nang ganoon kaaga rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/240599400-288-k441023.jpg)
BINABASA MO ANG
El Nido #1: His Only Muse
RomanceBeing all alone by herself and broke as fuck in El Nido, Palawan, Tatiana, the high maintenance muse of the University of the Philippines, is down to take all risks and jobs to sustain herself, even if it means she'll have to live with a man she bar...