Hindi nagtagal ang mga bisita. Hindi naalis sa akin ang matalim na tingin ng mga babaeng Architects at Engineers hanggang sa makaalis sila. Ginawaran ko naman sila ng peke at nang-aasar na ngiti.
I know they're just bitter because I get to stay here tonight, under the same roof with Aries. They made it so obvious for me to know na lahat sila ay may gusto sa kaniya! Kung hindi lang siguro ako na-badtrip kay Aries kanina, ay baka nga natuwa pa ako sa isiping dito ako magpapalipas ng gabi. But knowing how he doesn't even want to help me, wala na akong pakielam sa kaguwapuhan niya, ano! Masama pala anng ugali, e!
Napakabilis ng oras. I was struggling to think of ways to get out of this island, but given the lack of means and my super tiny brain, wala akong maisip!
In contrary to what I've expected, masarap ang naging tulog ko noong gabing iyon. Nagising ako sa malinis at maliwanag na silid. It's a gest room so I didn't expect a Versace or Hermes sheets and comforters. Ayos lang naman, nakikitulog lang naman ako.
I stretched my back and arms as I yawn. Parang ayaw ko pang umalis sa kama. Mas malaki at mas malambot ang kama ko sa condo, but something in this bed really comforts me. Nakatulog ako kaagad kagabi nang matapos akong maligo. Suot ko pa itong simpleng floral dress na ipinahiram sa akin ni tito Sergio.
Ang sabi niya ay galing raw ito kay 'Eva' na hindi ko naman nakilala kagabi. Umuwi na raw kasi ito at si manang Tessa raw na taga-luto at laba nila ang nag-hatid nito kagabi. Actually, sakto lang siya sa akin. Siguro ay magkasing edad lang kami noong si Eva. I should thank her later for lending me her dress.
Tumayo na ako at bumangon sa kama. I should claim some money from Celine today. Pero paano nga? Wala na si Clarence dito, kanino ako hihiram ng phone? Kay Aries? E napaka damot nga ng lalakeng iyon!
Napaikot ako ng mata. Kung bakit ba kasi hindi ko naisip kahapon na kina Clarence na lang summa? I sighed. Hindi naman niya ako niyaya, e. At saka malay ko ba kung wala na palang space sa bahay niya!
Ano ba 'yan! kagigising ko lang ay sinisimulan ko na nang badtrip ang araw ko!
Bumuntong hininga na lang ako at pilit na kinalma ang sarili. Nagtungo ako sa banyo para mag hilamos, maingat na hindi masira ang acrylic nails ko. Medyo iritable pa rin ako dahil hindi ko magagawa ang morning skincare routine ko. Ni wala nga'ng jade roller dito.
Lumabas ako roon habang pinupunasan ang mukha ko at naglakad patungo sa malaking bintana. Nakita ko si tito Sergio na nagtatanim ng halaman. Malaki ang garden nila at hindi pa ganoon karami ang mga halaman. Para bang kailan lang ito sinimulan. Binuksan ko ang bintana at sinalubong ako ng mahihinang huni ng mga ibon.
At first, it sounded strange. Para bang ilang taon na mula noong huli ko silang narinig. Walang ganitong mga ibon sa Rockwell. Walang ganitong mga hardin kapag dumungaw ka sa glass wall ng condo ko. Ang tanging makikita roon ay mga gusali at establisyimento. Somehow, this view made me calm.
"Oh, Tatiana, gising ka na pala.."
Bumaba ang tingin ko kay tito Sergio nang mapansin niya ako. Sa gulat ko ay kamuntikan pa akong makapag-tago. Buti nalang at hindi niya nakita iyon. I managed to make a smile for him. He's wearing a simple white shirt and shorts. Nakasuot rin siya ng normal na kupya kapag nagha-hardin. He's smiling at me but his eyes looked serious.
I suddenly wondered kung nasaan ang asawa niya. Hindi ko nakita kagabi ang nanay ni Aries sa mismong birthday niya. It wasn't aling Tessa, of course. Maybe she's dead? I should not talk about her then.
BINABASA MO ANG
El Nido #1: His Only Muse
RomansaBeing all alone by herself and broke as fuck in El Nido, Palawan, Tatiana, the high maintenance muse of the University of the Philippines, is down to take all risks and jobs to sustain herself, even if it means she'll have to live with a man she bar...