R18+ Matured content. Read at your own risk.
Pinanood ko ang pag patak ng mga pawis ni Aries mula sa kaniyang noo pababa sa panga niya. He's literally sweating bullets while drinking from his flask. Kakatapos lang naming mag linis at sa aming dalawa ay siya lang ang may pawis. Well, siya lang naman kasi ang napagod.
Nakatayo siya sa harap ng lamesa habang ako naman ay nakaupo dalawang upoan ang layo sa kaniya. Nang matapos siyang uminom ay inalok niya ako ng tira niyang tubig.
Umiling ako. "I'm not thirsty," sagot ko at ipinatong ang baba ko sa aking mga palad. Ang siko ko ay nakapatong sa lamesa.
He just looked at me and still put the flask in front of me. "Uminom ka pa rin." sabi niya at kinuha ang mga panlinis. I just smiled and drank from his bottle para wala na siyang masabi. Ipinasook niya ulit ang mga panlinis sa timba at binuhat iyon palabas.
Sinilip ko siya at tumayo na dala ang bote para sumunod. "Ah!" kaagad na napalingon sa akin si Aries nang muntik na akong madulas.
"You should walk slowly, hindi pa tuyo." Tukoy niya sa sahig na kaka mop lang. Lumapit siya sa akin at inilahad ang kamay niya para alalayan ako.
Thankfully, hindi naman ako natuluyan at talagang nakakahiya kapag nangyari iyon!
"Hehe," I just smiled at him and held is hand as we walk.
"Tapos na talaga tayo? Wala nang lilinisin?" tanong ko.
"Tapos na." sagot niya.
Itinabi niya muna ang timba sa labas ng bahay tsaka ako binitawan. Humalukipkip ako habang tinitignan ang dagat. Halos mapapikit ako sa sobrang liwanag, kaya naman naniningkit ang mga mata ko habang nakatanaw. Kumikinang ang tubig dahil sap ag tama ng araw, parang binuhusan ng glitters at sumasayaw ang mga ito.
I smiled and put my hands in front of my brows to protect my eyes from the sunlight. Tahimik ang paligid dahil kami lang ang tao rito, gayun pa man ay maingay ang hampas ng mga alon kaya hindi mo talaga mararamdaman na mag-isa ka.
Aries walked to me. Tumayo siya sa kanan ko habang nakaharap sa akin. I smiled when I turned to him. Basa na ang itaas na bahagi ng kaniyang damit at nandoon pa rin ang pawis sa mukha niya. "You're sweating, you should change." I said.
Tumango siya. "Maliligo na ako sa loob niyan, magpapahinga lang." sabi niya.
Tumango rin ako. "I forgot my sunblock, but I really want to swim." Sabi ko.
Tumingin siya sa dagat at pagkatapos ay sa akin. "I'll get it for you." Sabi niya.
Inismiran ko siya. "You won't. Sasama na ako pauwi kapag bumalik ka sa bahay. I'm okay without it, though. Hindi naman ako magtatagal. Maliligo rin ako sa loob pagkatapos. You should swim too, para naman may kasama ako sa dagat."
Hindi siya sumagot at tinignan lang ako. I pouted and his eyes went down my lips. "Edi huwag. Magpapalit na 'ko. Maligo ka na sa loob." Sabi ko at padabog na ibinigay ang flask sa kaniya bago pumasok sa loob para mag palit.
Maingat na ang pag tapak ko sa sahig. Kinuha ko ang ziplock bag sa tabi ng tv at nagtungo sa powder room. Kulay dark blue ang two-piece bikini na dinala ko. Triangle style ang top at high-cut ang bottom. Maayos kong itinabi ang damit na isusuot ko ulit mamaya.
Wala akong dala na pang cover kaya lumabas na lang ako nang naka bikini. Nakita ko si Aries na naka upo sa wooden beach chair. Wala na siyang damit pang itaas at likod niya lang ang nakikita ko. Nasa lilim siya ng umbrella na nasa table katabi niya. I saw smoke coming out from his side so I figured he brought cigars.
BINABASA MO ANG
El Nido #1: His Only Muse
RomanceBeing all alone by herself and broke as fuck in El Nido, Palawan, Tatiana, the high maintenance muse of the University of the Philippines, is down to take all risks and jobs to sustain herself, even if it means she'll have to live with a man she bar...