"She's done! Bring me that dress! Faster!"
As soon as I stepped onto the right wing, my stylists rushed to me holding a new set of dress. Iza, my PA, immediately went to my back to unzip my dress. Doon na ako sa backstage hinubaran dahil sa bilis ng flow nitong show.
"Lift your right foot, miss," one of my stylist said kneeling in front of me to change my heels. Kaagad ko iyong sinunod habang hinuhubad ni Iza ang dress ko. I was left with my nipple tape and nude underwear. "Left foot," sinunod ko rin iyon.
Wala namang problema ang maghubad sa backstage at makita ng mga staffs or co-models ang katawan ko. We always do that here. Mas mabilis dahil hindi ka na tatakbo sa dressing room at maraming tutulong sa 'yo sa pagsu-suot ng damit. We're mostly girls din naman sa backstage kaya ayos pa rin. Sanayan lang din siguro. Well, in my case, sanay na ako sa ganoon even before I entered this industry.
Sinikap kong huwag masyadong i-galaw ang ulo ko habang nire-retouch ng makeup artist ang makeup ko. Nagsi-datingan na rin ang ibang mga models na kakatapos lang ring rumampa. Kagaya sa akin, mabibilis ang kilos ng mga stylists nila para sa pagpapalit ng damit.
Hindi ako nagsalita. This is now the last ramp. Hindi naman ako kinakabahan, pero kailangan naming magmadali dahil kapag natapos ang batch na naglalakad ngayon sa runway ay kami na ulit ang sasalang.
"Wear this!"
Tumango ako at isinuot ang isang mini dress na iniabot ni Iza. Kulay cream beige iyon at may silky stripes na palamuti. It's a tube style dress hugging my body until the upper half of my thigh. Mayroon din itong mahabang beige coat na kasama. Sinikop ng hairstylist ang buhok ko sa isang malinis na bun habang dinungaw ko ang cream na stilettos na isinuot sa akin. Napakunot ang noo ko.
We all heard the coordinator clapped. "Girls! Star batch! Go to your positions now! Where's Marchessa?!"
Hindi ko iyon nilingon at yumuko sa paa ko para ayusin ang stilettoes. Hindi masyadong nai-lock iyon at baka magkaproblema mamaya sa catwalk. Nang matapos ay tsaka ko tinignan ang babaeng stylist na nagsuot ng stilettoes ko kanina. Napakurap siya at mukhang nahiya kaya yumuko na lamang.
Hindi na ako nagsalita at tumakbo na patungo sa puwesto ko. This is the grand Balenciaga fashion show, and I am the center of the star models. Kaagad akong hinanap ni Richelle, ang lead designer ng mga damit na inilalabas ngayon.
"Marchessa! Marchessa, here!"
Sinalubong pa niya ako para igiya sa gitna kung saan ako pupuwesto. Nakapila kaming lalabas at hihinto sa upstage. Pupuwesto ako sa gitna at sa pinaka harap nilang lahat, forming a sharp pyramid facing the house. Huminga ako nang malalim at inayos ang ekspresiyon ng mukha ko.
"This is the final walk! Your dresses will be the center of the night, so be confident and don't make any mistakes!"
I cleared my throat and stood on my best posture. Placing my hands on relax beside my hips, the first model started walking. I took a deep breath before angling my head.
As soon as the model before me went out of the wing, I started my killer catwalk. The lights welcomed my eyes again, shedding attention to my dress. The flashes started to focus on me as the center wearing the only colored dress in front. My co-models at my back are wearing black.
Fiercely, I went to the edge and center of the sharp pyramid position that we formed together, before we walked altogether to graze the runway.
BINABASA MO ANG
El Nido #1: His Only Muse
RomansaBeing all alone by herself and broke as fuck in El Nido, Palawan, Tatiana, the high maintenance muse of the University of the Philippines, is down to take all risks and jobs to sustain herself, even if it means she'll have to live with a man she bar...