Chapter 40

13.8K 388 104
                                    


I know I made it clear that I'm here to get things done with my issue, but the tire of my consecutive flights all that stress piled up in my body. That day, hindi na ako nakalabas pa upang puntahan ang pakay ko na si Angelica.



Iniwan ako ni Aries sa kuwarto niya at hindi kona ipinalabas ang mga gamit ko sa bag. Alam ko naman kasing hindi rin ako magtatagal dito. Kapag nakausap ko na si Angelica, ay babalik ako ng Maynila para sa presscon at ipapaliwanag ang lahat. Pagkatapos noon, makakabalik na ako sa ibang bansa at makakapag trabaho na ulit kagaya ng dati.



Nakatulog ako nang mabuo ang ganoong plano sa isip ko. Pag-gising ko, ay madilim na sa labas base sa bintana ng kuwarto ni Aries. Inilibot ko ang aking paningin at pinakiramdaman ang malambot na kama. It's jet black and thick. Kitang-kita ang pagkakalayo ng balat ko sa kulay ng kamang ito.



Bumangon ako at nagpunta sa walk-in closet para silipin ang mga gamit na naiwan ko raw noon. Pag bukas ko pa lang ng sliding door ay otomatikong nag liwanag ang paligid. Isa-isang bumukas ang mga ilaw mula sa pinakamalapit sa akin, hanggang sad ulo ng silid.



Mas lumaki ito kumpara noon, animo'y kasing laki na niya ang mismong kuwarto ni Aries. Malawak at naglalakihan ang mga salamin. Sa bandang kanan nakasabit ang mga tux at dress shirts niya, ang mga polo, at kung-anu-ano pa. Sa kaliwa ko natagpuan ang mga dress na tila nakapagpabalik sa akin ng mga ala-ala noong suot-suot ko pa sila.



Lumapit ako at binuksan ang sliding glass noon. They were so colorful; all are in soft pastel. Very simple, yet lively. Malayong-malayo sa mga isinusuot ko ngayon. Kinuha ko iyong kulay yellow na off shoulder dress. Hapit ito sa bandang bewang habang flowy naman sa balakang pababa sa aking mga paa. It's giving something a fairy would wear.



Doon na ako nag bihis. Pilit kong iwinaksi ang mga ala-alang bumabalik sa akin habang nasa loob ng walk-in closet. Kung papaano lumuhod at nagmakaawa si Aries na huwag akong aalis, na isama ko na lang siya, at kung papaano niya sinabing magpakasal na kami noong gabing iyon.



Lumabas ako roon suot at dilaw na bistida. Inayos ko rin ang buhok ko gamit ang suklay na nakita ko sa kuwarto. Nagtungo na ako sa labas ng kuwarto pagkatapos noon. Maya naririnig akong mga boses sa ibaba kaya sumunod na ako. Pagbaba ko, ay naging malinaw sa akin ang boses ni Lea.



"No, actually, the infinity pool is cute, but the bar beside it is a bit tacky. It has too much. For example, I'd like to remove the thick glass on the countertop, coz whenever we put down the glasses, they make crazy loud sounds and it's scary kasi what if mabasag?" She complained to her brother who's chopping something red on the kitchen. I think it's bell pepper.



"It won't break." He assured his sister.



Lea groaned. "E what if we're too drunk na, tapos we accidentally put down glasses with great impact? Do you want me to hurt my skin with bubogs?" Nakatayo si Lea habang nakatungkod ang mga kamay sa countertop. Nasa tabi siya ni Aries at kinukulit niya ito.

El Nido #1: His Only MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon