Chapter 12

15.2K 467 54
                                    

Kagaya ng sabi ni Aries, ay dumating nga ang mga kaibigan niya kinabukasan.




I already cleaned his office yesterday. I didn't know if that could pass as 'cleaning' dahil winalisan ko lang naman at itinabi ang mga papel na naka kalat sa lamesa niya.




I couldn't mop, 'coz Aries said bala daw madumihan lang lalo ang sahig. I couldn't clean the furnitures too, dahil tinatamad ako. In the end, pinabayaan ko na lang dahil hindi naman marumi. Balak kong ngayon nalang iyon linisin pag alis nila. Siguradong sasama si Aries dahil bakit naman siya mananatili rito kung nagsasaya ang mga kaibigan niya sa beach?




Kaya naman ngayon, ay wala pa akong magawa. Nakakulong lang ako rito sa kuwarto at naghihintay na umalis sila bago ako mag linis sa office. Hindi naman ako sinabihan ni Aries na manatili rito, pero pinili ko pa rin talaga na huwag lumabas.




I just don't know how to interact with them. Well, gusto ko sanang makausap si Clarence, you know, to catch up, pero palagi silang may kasamang mga babae na kaibigan o katrabahi nila kaya hindi ako makalapit. Those girls obvious don't like me. I even think they hate the sight of my beautiful face.




I waited for a while untill I got extremely bored. I sighed and looked at my own reflection in the mirror. Nakasuot lang ako ng puting floral na bestida at puting headband. Suot ko pa rin ang Bvlgari earrings ko kahit nasa bahay lang. I'm also wearing my beige sandals na binili namin kahapon. I'm so neat and pretty, I wanna cry. Bakit hinayaan ng Diyos na ma stuck lang sa bahay na 'to ang ganda ko? Dapat talaga nirarampa 'to!





I rolled my eyes to myself. Tinalikuran ko ang salamin at naglakad patungo sa pintuan. Bahagya kong binuksan iyon at isinilip ang ulo ko. I can't hear their voices anymore. Baka nakalabas na sila. I smiled and opened the door wide so I could get out.





ko ang buhok ko patungo sa likod ko at malayang naglakad. Bumaba muna ako sa kusina para magtungo sa banyo na naroon. Nandoon kasi ang mga gamit pang linis. Mayroong basahan na mukhang malinis naman, may mop rin na kusang umiikot ang timbang kasama nito.




Naghanap ako ng powder at anumang puwedeng magamit pampabango. Pinaghalo ko iyong lahat hanggang sa bumula. I smiled when I was done. Binitbit ko ang timbang iyon kasama ng mop. Hindi naman mabigat, pero ayoko pa rin madikitan. Ayokong nababasa ang katawan ko kapag nakaayos na ako, e.




When I reached the office door, I leaned the side of my face to listen if I could hear someone inside. Nang wala akong marinig, ay binuksan ko na iyon at pumasok.




And shit.




"Oh, mierda!" Nasapu ko ang dibdib ko sa gulat at binitawan ang timba sa sahig. Tumalamsik ang tubig at mga bula roon, pero hindi naman natapon ang lahat.




Sabay na napatingin sa akin si Clarence at isa pang lalaki. Bahagya silang nakasandal o nakaupo sa lamesa ni Aries, at umayos lamang ng tayo si Clarence para harapin ako. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila.




"Tatiana!" Masiglang bati ni Clarence sa akin.




Ngingiti na sana ako at babatiin rin siya, nang bumukas ang pintuan sa may gilid ng balcony at lumabas mula roon si Aries na inaayos ang sleeves ng itim na dress shirt niya.




Huminto siya sa paglalakad patungo sa lamesa niya, nang mahagip ako ng kaniyang paningin. Binitawan niya ang kaniyang damit at bumaba ang tingin sa basa kong paa, at sahig. Nang bumalik ang tingin niya sa timbang katabi ko, ay kumunot ang kaniyang noo.




El Nido #1: His Only MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon