Chapter 7

14.7K 490 52
                                    



"HAHAHAHA!" Humalakhak ako na parang tanga habang kaharap ang babaeng employer. Tumagal iyon ng ilang segundo bago ako biglaang nag-seryoso. "Are you serious? Kaka-graduate ko lang, bakit mo 'ko hahanapan ng at least five years experience?!" Tumaas ang boses ko.



Ngumiwi siya sa akin at pairap na nag-iwas ng tingin. Aba't! Ang bruhang 'to!



"Iyon ang isa sa mga qualifications namin dito, miss. Kung hindi ka qualified, umalis ka na." Sabi niya at nagmamadali akong tinalikuran.



Nanliliit ang mga mata ko sa inis habang pinapanood siyang maglakad paalis. "Ang tanga ng qualifications niyo!" Sigaw ko kaya napahinto siya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.



Humalukipkip naman ako at nag-taas ng kilay bago siya inirapan at naunang umalis sa silid na iyon. Nilampasan ko siya nang hindi tinitignan at kamuntikan ko pang mabunggo ang balikat niya.




That was my third walk-in job interview for today. Halos sumakit na nga ang mga paa ko sa kaka lakad, hindi pa rin ako natatanggap! Kung alam ko lang na ganito pala kahirap maghanap ng trabaho, ay sana nurse ang tinapos ko! Hindi ko naman kasi akalain na magtatrabaho ako sa dami ng pera namin!



I pouted when I felt hungry. Oh my God, I can't believe I couldn't even buy myself a piece of cake from the starbucks! Gusto ko nang kumain ulit ng totoong pagkain! I mean, iyong mga pagkain na nakasanayan ko.



I tsked and continued walking to find a job here. Nag-commute lang ako papunta rito at si-nearch ko lang sa internet ang mga job openings  na malapit. Last na lang naman ito ngayon, apat lang kasi ang nakita kong medyo swak sa course ko. And soft copies lang ang dala ko dahil wala akong makitang internet shop dito or kahit anong printing services. Tumataas tuloy kaagad ang kilay ng mga employer sa akin.



Pero mas mataas ang kilay ko. I smirked. Haaaa! I held my head. How will I ever get a job with this attitude?! Nakakainis!



"Good morning! Ano pong kailangan nila? Any appointments with our lawyers today, ma'am?" A jolly girl went to me immediately upon seeing me enter the firm.



Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mukha siyang mabait. She seems a bit older than me, siguro ay isa siyang paralegal dito.



I smiled to her, trying to hide the hunger and tiredness. "Hi! I saw your post on the internet, are you still hiring for assistants?" I asked.



Nanlaki naman ang mga mata niya at mabilis na tumango. "Oh! Applicant? Yes! Yes! Hiring pa po, dito po tayo sa office.." magiliw niya akong sinamahan patungo sa isa sa mga office nila. For the nth time, umasa ako na magiging maayos ang interview.



Wala namang ibang naka line up para sa interview na ito. Hindi ko lang maalis ang mga titig ng mga tao sa akin, partikular ang mga lalaki. I'm wearing a white long sleeve mini dress and my pumps. Naka tali rin ang buhok ko, iyon nga lang ay wala akong accessories. I didn't wear any make up, but I had a good night sleep last night, so I'm sure I don't look bad.



"Akala ko po ay kliyente kayo, ang ganda niyo po! At ang tangkad! Ako nga po pala si Riri!"



Nginitian ko siya at tinanggap ang kaniyang kamay. "Tatiana." Pinipigilan ko ang sariling pantayan ang energy niya. For once, I want to look serious and cold. Eme.



"Dito po!"



Pumasok kami sa isang maliit na office. Malaki pa yata ang kusina ko rito. I remained calm as I scanned the room. Mayroong isang katamtamang lamesa sa gitna at nakaupo sa upoan noon ang isang lalaki.



El Nido #1: His Only MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon