Chapter 17

16.6K 510 105
                                    

"You didn't tell me you're meeting with your friends!" Pabulong na asik ko kay Vergel nang makarating kami sa beach. 



Paano ba naman, sinalubong kaagad kami ng mga kaibigan niyang binabae rin. Napaka guguwapo! ay hindi, magaganda! Huh, hindi ko na alam!



"Ano ka ba, hindi ko rin alam na nandito sila, 'no! At saka beach naman ito, it's natural to meet people especially residents!" 



Hinila niya ang kamay ko at sumunod ako sa kanila. Iginiya kami ng dalawa niyang kaibigan. 



"Hello, girl! Oh my gosh, look at that.." Ibinaba nito ang suot na sunglasses at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I just let him appreciate my beauty.  "Are you a model? Where you from? You look soooo gorgeous!" 



I laughed elegantly. "I'm not a model, but thanks! I'm from Manila." sagot ko.



"Oh! City girl.. I'm Jonash, Jona na lang hahaha!" He offered me his hand.



"I'm Yana, what's your pronouns?" I asked. 



"She and her!" 



Tumango ako habang nakangiti pa rin, "Girl, you look stunning too!" papuri ko sa kaniya pabalik kaya napa 'O' ang bibig niya at tinuro ako. 



"Gorgeous gorgeous girls love each other!" Maingay na sabi niya at hindi na ako nagulat nang dambahin niya ako ng yakap. 



We all laughed and continued walking to our cottage. Ipinakilala ako ni Vergel sa kanila bilang sister-in-law niya. Hindi ko na kinailangang itanggi iyon dahil hindi rin naman  naniwala ang mga kasama niya. 



"Naku! kaya naman pala ganiyan kaganda, e kalahi ni papa Aries!"



"Oo nga! at ang kutis, tignan mo oh, nakakasilaw sa puti! parang gatas!"



I chuckled. 



"Hulaan ko, sa mother's side ka ni Aries, 'no? Moreno sila ng tatay niya, e." 



Napatingin ako doon sa isang kaibigan ni Vergel na nag salita. Mother's side.. mama ni Aries. I blinked and immediately wondered if anong itsura ng mama niya. I didn't see any frame or traces of a woman sa bahay nila bukod sa kaibigan ni tito Sergio na si aling Tessa. Wala ring nabanggit sa akin si Aries o ang papa niya tungol sa asawa nito kaya hindi ko alam kung nasaan ang mama niya. 



Nakatingin naman si Vergel sa akin na para bang naghihintay din ng sagot ko. Kalaunan, ay ngumiti ako sa kanila at tumango. 



"Ayun! kaya pala!"



"Akala ko nga noong una ay siya na ang kapatid ni Aries!" Ani Vergel kaya natigilan ako.



"Naku, malabo.. pero hayaan na, huwag natin iyong pag-usapan at hindi naman iba ang pamilya nila sa atin. Hindi dapat pag tsismisan." Sabat pa ng isa na ikinalito ko. Nagpa-palit palit ang tingin ko sa kanila. Maybe they got conscious because I'm here. Gusto ko sanag mag tanong dahil wala akong ideya sa kapatid ni Aries.



I know he has a sister, ano'ng nangyari? Nasaan siya?



"By the way ang ganda mo talaga! Ayaw mo bang mag model? Or mag audition ka bilang actress! sisikat ka!" sabi ni Jona. 



Hindi pa ako tuluyang nakakabawi sa iniisip ko pero pinilit kong maging attentive sa kanila. They're very nice and I think we'll get along really well. "Well, actually I want to, pero hindi pa muna sa ngayon.. and about acting, may mga nag offer naman sa akin noon but I turned them down. I don't like that e." Sagot ko. 



El Nido #1: His Only MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon