Chapter 9

16.2K 482 158
                                    


I can't believe I'm doing this. I can't believe this is actually happening!

Nakasimangot ako habang nagsusuot ng gloves. May iilang mga plato, dalawang baso, dalawang tasa at iba pa'ng mga utensils sa lababo. Umaga pa lang ay kinatok na ako ni Aries sa kuwarto kanina dahil nagpaalam siyang papasok ngayon sa trabaho. Nagulat pa nga siya na maaga raw akong nagising kaya sabay kaming nag-almusal. Well, labag sa loob ko iyon, pero bakit naman ako tatanggi sa pagkain?

Ang totoo niyan, ay hindi naman talaga ako nakatulog kagabi. Masyado akong nag-overthink sa isiping magiging kasambahay ako! I tried calling Celine, but she wasn't answering at all. Gano'n din si ate Astrid. I can't believe all of this misfortunes are happening to me.

I yawned while creasing my forehead. Bigat na bigat ang mga mata ko at gusto ko nang makatulog. Nagsimulang mag play ang video sa cellphone ko na nakapatong sa malayong banda ng lababo para hindi mabasa. Nag search kasi ako sa youtube kung papaano ang tamang paghu-hugas ng plato.

Bago umalis si Aries kanina ay nagtalo pa kami. Ibinilin niya sa akin ang lahat ng gawaing bahay! Ang mga plato, ang mga furnitures, the flooring and even the garden!

Asa naman siyang gagawin ko lahat iyon? Pinapasweldo niya ba ako? Napaisip ako. Parang oo. I sighed.

I heard the woman dictate the things she's demonstrating in the video. Bumagsak ang tingin ko sa mga plato na nakalapag sa sink. Kailangan pa raw nilang mabanlawan at maalis ang tirang mga kanin bago ito sabunan. Pagkatapos, ay unahin daw ang mga baso, or anything that's less greasy.

I rolled my eyes. Pati ba naman sa paghuhugas ng plato, may order? Ano naman ngayon kung uunahin ko ang plato? Kumunot ang noo ko nang mapansing mamula-mula pa ang plato na ginamit ko kanina dahil sa ketchup. Iyon ang pinagtuonan ko talaga ng pansin. I spent more than a minute scrubbing the surface of the plate dahil puting-puti ito at halata ang bakas ng ketchup.

Doon ko lang napansin na hindi na ako nakikinig sa video, inuna ko pala talaga ang mga plato. Napakurap ako at bahagyang natawa nang maisip na wala naman palang problema kahit mauna ang plato. Okay lang naman!

Stupid. I thought to myself. Dahil nang babanlawan ko na ang mga baso ay napagtanto kong nagmamantika ito. Nagmamantika? Why? Sinabon ko naman nang maayos! Kanina pa 'ko banlaw nang banlaw! I gritted my teeth. Sa huli, ay hinayaan ko na lang iyong ganoon at inilagay na sa lalagyan nila. Sabi sa youtube, itaob muna raw sa ibang lalagyan para matuyo, pero matutuyo rin naman ito kahit saan ko ilagay kaya hindi na ako nakinig. Whatever.

Bakit ba hindi sila bumili ng dishwasher? Mura lang naman iyon, nagtitipid ba sila?

Pagkatapos ko sa kusina, dumiretso naman ako sa garden. Oh, this, I know. I'm good at watering plants! I'm sure they'll grow fast! I even talked to them because I also talk to my artificial flowers back in my condo, at hindi sila nasisira. Geez, kidding. I just know communicating with plants are good for them.

Habang nagdidilig ako gamit ang host dito sa garden ay napansin kong nababasa na ang tsinelas ko. Nagputik na pala sa bandang ito, dapat pala nag-botas ako. I just shrugged my shoulders and went to the other side of the garden. Pinaliguan ko sila ng mabuti dahil mainit. I was smiling ear to ear while talking.

"Your original owner just went out of town earlier, kaya ako muna ang mag-aalaga sainyo. I'll visit you everyday so you won't feel alone. Don't die, okay? Baka ako ang patayin dito. Be beautiful like me! Hahahaha!"

"Uh.. Yana?"

"Ay beautiful!" Naitutok ko kay Kaloy na kararating lang ang host. Sa gulat ay nanlaki ang mga mata ko at nakitang gulat rin siya dahil nabasa ang kaniyang damit.

El Nido #1: His Only MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon