Chapter 35

14.1K 424 109
                                    





3 YEARS LATER





The plane landed in Manila. Nandito ang Architectural firm ni Aries, pero hindi ko sigurado kung nandito rin siya. Alas diyes na ng umaga rito, at ngayon lang lumabas ang message ni Celine nang i turn on ko na ang cellphone ko. 



Celine:

I was in a hearing yesterday, hindi ko nasagot. What is it? 



Bumuntong hininga ako at tinawagan siya. Yumuko ako habang naglalakad bitbit ang maleta ko. Nakasuot ako ng itim na sumbrero, mask, at puting coat. Sinikap kong itago ang mukha ko para hindi makilala ng mga taong dumaraan. 



"Oh, Yana.. it's been a while--"



"Celine," I called. "I'm in the Philippines." sabi ko. 



"What? Really? K-kailan pa? Saan ka tumutuloy?"



Naglakad ako palabas ng airport. "I'm still at the airport, kalalapag ko lang. I think mag b-book na lang ako ng room sa malapit na hotel. I need your help." 



"Oh my God, I'm in Cebu right now, luluwas ako ng Maynila mamaya para makita ka! Sino ang kasama mo ngayon?" 



I smirked and waited for a taxi. "I'm by myself. I just need to fix something here. Have you read the article about me?" Tanong ko. 



"Article? Ano'ng article?" 



Kumunot ang noo ko. "May lumabas na pictures sa internet, it was me while I was in El Nido doing chores for Aries." sabi ko. Even his name is so hard to say today. 



"Talaga? Hindi ko pa nakikita, kaya pala napatawag ka. Is it bad?" tanong niya. 



Nang makahanap ako ng taxi ay ang driver na mismo ang nag pasok ng maleta ko sa likod. Pumasok na ako sa loob at hinintay ang driver. "It is. Malaking problema 'to sa agency namin. For all I know this is all his doing." Napairap ako sa hangin. 



"Si Aries? You think magagawa niya iyon sa 'yo?" Puno ng pag dududa ang boses niya. "I'll check the article you're talking about, wait lang." 



Hinayaan ko siya. Hindi ko pinatay ang tawag at nagbasa ng mga emails mula sa Victory. Na cancel ang renewal ng contrata ko ngayong araw at punong-puno ng tanong ang inbox ko. Wala akong sinagot sa mga iyon dahil sumasakit ang ulo ko sa pag-iisp. Bumalik ang driver at nagpahatid ako sa pinakamalapit na 5-star hotel. 



Sabay kaming namroblema ni Celine nang madagdagan pa ang balita tungkol sa akin. Ngayon ay kupirmado nang si Aries ang pinagsisilbihan ko noon. There was a picture of him circulating the internet. Wala kaming litrato na magkasama sa post, naka hiwalay ang picture niya na pormal na pormal sa suot nitong gray na tux. 



Natulala ako habang pinagmamasdan siya. This must be a recent photo dahil hindi naman ganito ang buhok niya dati. Mas malinis na ngayon ang gupit niya at mayroon siyang bigote at maliliit na balbas. Seryoso lang ang kaniyang mukha na nakatingin sa camera at lalo pang na depina ang hugis ng kaniyang panga. Para akong nanghihina.



Nang makarating ako sa hotel ay personal akong nag inquire sa receptionist. Gulat na gulat ang mga staff dahil sa cards na gamit ko at nakilala nila ako dahil doon. I didn't have any security with me so I asked them to assist me in my stay here. Hindi naman sila magkandaugaga kung paano ako aasikasuhin. 



"I'll just call when I need something. Thanks." Sabi ko at nag tungo na sa 11th floor kung nasaan ang room ko. 



Nang makapasok ako, ay hindi na ako nag sayang ng oras. Tanghali na at wala pa akong tulog ng dalawang araw. Gustohin ko mang mag pahinga ay walang puwang ang kapayapaan sa siste ng utak ko ngayon. Masyado akong problemado at na rarattle sa pag ooverthink kung ano na ang ginagawa nina Kenny at Iza sa Agency. Sigurado akong sila ang nasasabon ng mga tanong ngayon kaya hindi ako mapakali. 



El Nido #1: His Only MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon