Shar's POV
"So, di ka nakarating because of Ricci? I hope emergency ang dahilan why you chose him over us."
Bungad sakin ni Donny ng umupo sya sa tabi ko dito sa library. I am intentionally avoiding him kasi di ko pa alam kung anong idadahilan ko kung bakit si Ricci ang pinuntahan ko without exposing kung ano nangyari.
I am not surprise though na nakita nya din ako agad, maliit lang campus namin and dalawa lang naman ang pwede ko tambayan.
"It was an emergency. Not a matter of life and death though but still an urgent and important matter. If you were in my shoe then, baka ganon din gawin mo."
"Care to share what happened? He seems fine naman, nakita ko sya sa terminal eh."
"I can't. Di nga nya nashare sa sarili nya circle of friends eh tapos ako naman magkakalat? Saka nagtiwala sya sakin tapos ikakalat ko naman. Nothing serious, anxiety attack siguro. That's the most I can share."
"Noted. Then why are you avoiding me?"
"OA naman yong avoiding. Nagiisip lang sana ako ng palusot bakit di ako nakarating kaso naisip ko rin baka mas magtampo ka kapag nabuko ako kaya sinabi ko na totoo."
"So alam mo na nagtatampo ako?"
"Di ka nagreply eh, kaya I assumed."
"You assumed na pala eh bakit sa halip na suyuin mo ako umiwas ka pa? Hahayaan mo lang na may tampo ako sayo?"
"Iniisip ko pa rin kasi kung pano ako babawi, what should I offer para mawala tampo mo."
"Talaga ba? May plano ka na suyuin ako?"
"Oo naman, ano naman tingin nyo sakin? Marunong ako manuyo when I know na may atraso ako. Since andito ka na lang din, pano ba ako makakabawi?" Tanong ko na nagpa ngiti kay Donny
"Ok na. I'm good na. The fact na may plano ka na suyuin ako, ok na ako."
"Seryoso ka ba? Walang bawian na kapag sineryoso ko yan. Bihira ako manuyo so bahala ka."
"Bawi ka sakin. Shot tayo."
"Ulit? Kakashot lang ah. Yayamanin? Madami pampainom? Pabor kala Kobi yan."
"Tayong dalawa lang uy, di sila kasama. Sakin ka lang naman babawi diba. Saka sagot mo yon ha, gusto mo kasama sila?"
Seryoso ba sya? Kaming dalawa lang? Saglit lang naman Donny ha. It's been a year na, oo pero wag naman ganyan. Im still on the process. It's hard enough na araw araw kita nakikita and kasama tapos ngayon magiging extra sweet ka pa. If you already moved on, ako di pa todo.
"Bakit di ka na sumagot? Hindi naman ngayon kung di ka pwede, kung kelan maluwag sched mo. Pero diba last subject mo na yong klase natin ng 5:00 pm tapos hapon naman ulit klase nyo bukas?"
Seriously?!? Alam mo pa rin schedule ko? Just as how much I knew your schedule. Okay na ako ngayon Donato, nasasanay na ako sa sitwasyon ko. Masaya ako na tulad pa rin tayo ng dati. Pero tigilan mo na yong mga bagay na nakakapagpahulog lalo sakin. Sa girlfriend mo na lang ikaw maging extra sweet please!
"Okay lang naman kaya lang hindi ako agree na sagot ko. Birthday mo diba? Mababawasan na nga oras ng pahinga ko gagastos pa, lugi naman ata."
"Sino ba kasi maysabi di ka pumunta? Ako naman magdoble gastos ngayon."
"Eh di wag na lang kung ayaw mo. Let me think of ways na makabawi sayo na alam ko."
"Oo na, sige na. Ako naman lugi pero dahil gusto kita makasama sa shot ako na sasagot. So after class?"
"Okay! Mabilis ako kausap. Pero pano tayo tatakas kala Carl?"
"Oo nga pala. Uwi na lang muna tayo tapos don na lang sa malapit sa inyo tayo uminom, kita tayo don mga 7pm, G?"
Bago pa ako nakasagot, nag ring ang telepono ni Donny.
"Bakit Mee?"
Okay, si Janina.
"Nasa library ako kaya medyo mahina boses ko."
"Oo kasama ko si Shar. Baka nga pala di ako makadaan sa inyo mamaya, babawi daw si Shar sakin dahil sa di nya pagpunta nong Saturday."
"Sigurado ka? Akala ko ba may group study kayo dyan sa boarding house mo?"
"Ikaw bahala, syempre naman okay lang. Sabihin ko na lang sa kanya."
"Ha? Bakit pati sya?"
"Hindi ako sang-ayon pero sige, try ko sabihin sa kanya. We're not that close kaya di ko alam kung sasama yon."
"Anong double date na sinasabi mo? Didn't I tell you that I don't trust the guy enough?"
"Okay sige, subukan ko pero malamang di rin pumayag si Shar."
"Okay, ingat. I love you too."
Ouch! That still hurts a bit. Pero ano ba pinag-uusapan nila? Double date? Di talaga ako papayag non, ano yon blind date? Si Janina naman ang may irereto sakin?
Donny said he doesn't trust the guy enough, then why he gave in to Janina's request? Kanina lang ang sweet nya ngayon sya naman ang magtutulak sakin sa iba. Im am not asking for it and he knows my stand in entering a relationship. Kung magjojowa lang din naman pala ako agad sana sya na lang, sana di ko na pinigilan. Sana kami na lang. Sana.
BINABASA MO ANG
Wasted Chances
Random"Kapag tropa, walang talo talo. " "Mind over matter." "First things first. " Ilan sa mga principles na sinusunod ni Shar sa buhay. Irregardless ng mga masasagasaan kelangan sundin at isabuhay nya ang mga yan. She had her first heart break without b...