"The Plan"

259 7 0
                                    

Shar's POV

"Hi kuya!  Kanina ka pa? " bati ko kay Donny pagdating sa library.  "Kakainis na yong si Engr. Fainsan,  lagi na lang late magpalabas.  Late sya dumarating tapos gusto nya sagadin yong 3 hours kaya nageextend. " sumbong ko.

"Hayaan mo na, alam nya kasi vacant nyo after ng klase nya kaya walang maaapektuhan kahit mag extend sya. "

"Meron kaya,  ikaw.  Naghintay ka tuloy ng matagal dahil sa kanya." napatingin sakin si Donny and late ko na narealize ang dating ng sinabi ko.

"Nakakahiya naman kasi sayo,  inabala na nga kita para magpatutor tapos paghihintayin pa kita." paliwanag ko para mawala yong awkwardness na naramdaman ko.

"Sus,  wala yon,  ikaw pa ba?  Ang lakas mo kaya sakin. " nakangiting sagot nya sa akin.
"Diyos ko, pano ba ako makaka move on nito kapag ganyan sya palagi? Isang text ko lang,  available always. Kahit supposedly mamayang 4pm pa klase nya,  andito sya sa library ng 11am para mag-aral kami. Lord,  pakitaan nyo naman po ako ng kahit isang kapintasan nya,  isang dahilan para mapush ako na kalimutan sya. " tahimik na dasal ko.

After CE day,  tuluyan ng nabura sa sistema ko si Kuya Ramir,  lalo na ng makita ko na nagyoyosi pala sya.  Super turn off yon sa akin. Tuluyan ko na rin tinanggap sa sarili ko na gusto ko si Donny,  pero di ko nakalimutan na hindi pwede.

After CE Day,  nafinalize ko na rin ang plano ko to prevent myself from falling harder and deeper to Donny.

" Kelangan nya magka girlfriend." epic ang reaction ni Carl nong sabihin ko sa kanya yan day after CE  Day. "Kung taken na sya,  I have more than enough reason para kalimutan sya. And you will help me." dagdag ko pa.

"Sigurado ka ba? Masasaktan ka sigurado dyan sa plano mo. " naalala ko na sabi ni Carl

"Its better this way.  Saka why would I eh wala naman ako karapatan masaktan.  Hindi kami,  walang kami,  remember? " sagot ko sa kanya na ipinagkibit balikat nya na lang.

"Kuya,  gusto mo textmate? " tanong ko sa kanya matapos alalahanin ang planong napagusapan namin ni Carl.

"Ha?  Anong nangyayari sayo? Seryoso ka ba? "

"Oo!  Reto kita don sa high school classmate ko. Nursing student iyon dyan sa AU,  malapit lang dorm mo don diba? " patuloy kung pangungumbinsi sa kanya.  "Ano ba hanap mo sa magiging girlfriend mo? Okay naman iyon,  actually best of friends kami.  Hindi naman kita irereto don kung hindi iyon matino and hindi ko rin naman iyon ipapakilala sayo kung tarantado ka. Ano,  g? "

"Ikaw,  kung sa tingin mo makakasundo ko,  ikaw bahala. Hindi mo naman ako ipapahamak siguro. Basta hindi kagaya ni Kissess ha,  alam mo naman na takot ako sa ganong klase. " kuya answered in a flat tone.

Shit! Umpisa pa lang masakit na ah.  Bakit sya pumayag?  Kung totoo ang sinabi ni Carl na gusto nya ako, hindi sya dapat papayag. Bakit di man lang sya nagpapilit? Fake news ata si Carl and assumera lang ako.

"Okay,  bigay ko na number mo ha.  Ito rin number nya" sabi ko na nakangiti habang iniaabot sa kanya yong fon ko.

"Sabihan mo lang sya na bihira ako magload ha." pabirong sabi nya.

OMG,  Lord pwede ko ba bawiin?  Pwede ba madelete na lang sa memory nya ang eksena na ito?  Parang ayaw ko na ata sya ipamigay. Bakit kasi ganon?  Bakit ngayon? Pano kung magclick sila? Pano kung maging seryoso sila sa isa't isa?  Wala ng future for us.

Ginusto mo yan Sharlene wag ka maginarte.  You could have just easily entertain the feelings pero ginagawa mo komplikado ang lahat dahil sa letseng principles mo, so panindigan mo yan.  Endure all the pain,  malay mo naman worth it. Just stick with the plan and prepare yourself. You will be okay,  everything will be alright.

Donny's POV

"Kuya,  gusto mo textmate? "

"Ikaw,  kung sa tingin mo makakasundo ko,  ikaw bahala. Hindi mo naman ako ipapahamak siguro. Basta hindi kagaya ni Kissess ha,  alam mo naman na takot ako sa ganong klase. " sabi ko na lang para hindi humaba usapan pero deep inside I was hurting and questioning the situation.

"What was that? Masaya na sana ako don sa sinabi nya na kaya sya naiinis kay Engr.  Fainsan kasi naghihintay ako kaya lang biglang may ganon.  Akala ko ba gusto ako ni Shar?  Bakit pakiramdam ko ipamimigay nya ako? Parang itinataboy,  ilalayo nya yong sarili nya sakin?  Ito ba yong sinasabi nila Carl na gusto nya ako pero hindi pa rin ako dapat matuwa? Is she that afraid na masira yong friendship?  What if maging okay naman if tumawid kami and level up our relationship?  Ayaw nya talaga magrisk?  Seryoso naman ako ah, bakit Shar? " mahaba kong tanong sa sarili ko.  Ang daming bakit.

Shar gave me her friend's phone number and promised her that I'll try to befriend her. I ask her about the topic na aaralin namin para mawala na yong topic but I don't know where the awkwardness came from and hanggang sa matapos kami mag-aral ay hindi nawala iyon.

"Salamat kuya ha,  iba ka talaga.  Lodi!" sabi nya ng nagaayos na kami ng gamit para lumabas ng library.  " Hanggang anong oras pala klase mo?  Mga 6 daw yong call time sa inuman,  wag daw kalimutan ung price natin nong CE Day.  Sa Lyka daw. "

"Hanggang 6 lang ako,  tuloy na lang ako don.  Kaw ba anong oras? "

"6 din,  sabay na tayo? " ani Shar

"Okay,  san ka ba para puntahan na lang kita? CE lab ako eh. "

"JMB ako,  ako na lang dadaan sayo,  hintayin mo na lang ako. "

"Ok,  willing to wait. " biro ko na nagpatawa sa kanya.

"Wag mo na ako ipamigay Shar,  willing naman ako maghintay hanggang ready ka na.  Hindi ko naman ipipilit eh,  okay na sakin na ganito tayo. Wag na tayo magdagdag ng tao na makakagulo satin."tahimik kong pakiusap kay Sharlene.

"Tara,  ice cream tayo.  Libre mo!" ani Shar na nagpabalik sakin sa kasalukuyan at nagtanggal na awkwardness na kanina ko nararamdaman.

How can you do that Sharlene San Pedro? How can you act as if nothing has change? Pero kung ganito lang din na ipapamigay mo ako,  how I wish na wala nga sana nagbago. Sana hindi ko na lang naramdaman na gusto kita more than friends.

Wasted ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon