Shar's POV
"Kuya! Anong ginagawa mo dito?"
Donny frowned.
"Banned na ba ako dito?"
"Gagi! Nagulat lang ako, di ko naman inasahan na pupunta ka dito kasi nga scheduled inuman ngayon diba." Depensa ko at tinalikuran na sya para pumasok.
"Narinig ko sila Carl na umoorder ng food for you para ideliver, kaya sabi ko ako na lang. Bakit kasi di ka pumunta samantalang si Jai at Nash andon?"sagot nya at sumunod na rin sa loob.
"Alam ni Carl na ikaw magdadala ng pagkain? Pano si Janina, iniwan mo don?"
Congrats self, di ka nabubulol eh kabado bente ka na. Just when you have that moment na hinihintay mo for a long time kaso may nalaman ka ahead kaya you're wishing na di na lang sana dumating kaso it happened.
"Hindi, kinausap ko lang si Ate Lyca na ako na magdala. Wala naman si Janina, may duty sya ngayon. Kaya ba hindi ka pumunta kasi akala mo andon sya?"
"Baliw! Dami mo alam. Malaking trabaho pa yong design ko kaya di ako pumunta, bubong pa lang ako. Samantalang si Jai at Nash, may roof beams na."
"Eh di tama lang pala na pumunta ako dito, tulungan na kita. I have this software na ginagamit to compute and check the loads and stress ng each truss member. Mapapabilis trabaho mo."
"Kelangan ko may computation, kaya ganon pa rin i-manual ko pa rin. Checking lang sa software na yan kung tama yong values ng computation manually."
"Pede maimport sa excel yong computation kaya no need to do it manually."
Good Lord, bakit naman parang si Doraemon ito? May solusyon para mapadali ang trabaho.
"Do you know what you are doing Donato Antonio Pangilinan?"
"What? I have no idea kung ano iniisip mo?" Nangingiti na sagot niya.
"Ginagawa mo ako tamad kuya! Gagawin ako bobo ng software na yan. Gusto ko ito gawin manually so that alam ko talaga. I always thought you are a good influence, ngayon may nagdadalawang isip na ako."
"Hahahahaha! Ikaw lang talaga nakakapagpatawa sakin kahit hindi nagjojoke. Hahahahaha!"
"Hala sya! Nabuang na. Seryoso kasi ako. Hindi nakakatulong mga software sa estudyante. Students tend to go easy dahil may magcalculate na for them. Para sa mga nagtatrabaho na mga software na ganyan. Nakakainis ka! Salamat sa intention na tumulong pero ayoko gamitin yan."
"Hay naku. Sshhh! Can you let me explain baby?"
Wth?! I know for sure parang kamatis sa pula ang mukha ko. Ang init ng tenga ko. Putik Donato, you caught me off guard.
"I mean baby Shar?" Habol ni Donny na halatang pinipigilan ang ngiti.
"Gago!" That's all I managed to say.
Bwisit. Kelan pa naging kaugali ni Jai ito. Don't start with me Donato. Baka kapag sinakyan ko trip mo magkagulo tayo.
"And fyi, if time comes na someone will give me an endearment, ayoko ng baby. Putik ang corny!"
"What do you want to be called then?"
"None of your business dude!" Supalpal ko sa kanya.
"Balik tayo sa i-exolain mo, dami mo alam eh. By the way, alam ba nila na andito ka, baka hanapin ka?"
"Jai knows. Sya na daw bahala sa grupo." Sagot nya.
"As i was explaining, di ka mabobobi dito kasi alam mo na naman yong gagawin. The steps, the considerations, the limitations and the theory. Ikaw pa rin ang mag assign ng loadings. All the thinkings, sayo pa rin. The software will just help you sa computation. It will just run kung anuman ang input mo. Plus, di mo na kelangan magsulat manually kasi nga pede sya import to excel then print na lang. Gets? Klaro?"
"Bakit di mo agad sinabi? Bakit ngayon mo lang ini-offer? Sana di ako nagka-cram ngayon."
"What? Jai and Nash are using it, akala ko stubborn ka lang talaga and ayaw mo gamitin. Kaya I decided to explain sayo kasi baka nga iba ang impression mo sa softwares and apparently, tama ako "
"What? Ginagamit nila and di man lang nila sinabi?"
"Di ka raw naman nagtanong or nagtaka why they have finished the trusses faster eh."
"Ahh! I hate them! I was worried as hell dahil wala pa ako natatapos yon pala nandaraya sila. Kaya pala may time pa sila makipag inuman."
"Ok na, enough ranting. Gawin na natin then inom din tayo after. My treat!"
"Aww, ikaw na talaga! How to be you po? Ang ideal mo talaga."
Donny stiffened a little pero nakabawi din agad.
We started the works and di ko maiwasan na humanga lalo kay Donny cause he knows what we are doing better than me. To think na ako yong graduating. He really is the ideal man. Matalino na physically gifted pa. Bakit ko ba naisipan na ireto sa iba ito? What was I thinking? Bakit di ko na lang hinayaan? Bakit ako ang nagpush? Haisstt Shar, what were you thinking really?
"Hoy, alam ko gwapo ako pero wag naman katitig, nahihiya na ako eh."
Shit! Did I stare him that long?
"Relax baby, ako lang to." Dagdag asar pa ni Donny.
"Gago!"
"Hahaha, pikon ka talaga. Tara ma'am, bili na tayo inumin. Abante ka na kala Jai ngayon sa design mo. Pwede ka na magpetiks. Jai is working an excel program para sa remaining structure until foundation kaya hayahay na kayo once na-run na nya yon. Input na lang kayo ulit ng loads and values then print."
"Oh thanks God for you!" And I unconciously run to him and hug him which he accepted open arms.
"Sa tingin ko naman napapasaya kita everytime we're together pero ngayon ka lang nanyakap. Can you be like this always?" Bulong ni Donny while we're hugging.
BINABASA MO ANG
Wasted Chances
Random"Kapag tropa, walang talo talo. " "Mind over matter." "First things first. " Ilan sa mga principles na sinusunod ni Shar sa buhay. Irregardless ng mga masasagasaan kelangan sundin at isabuhay nya ang mga yan. She had her first heart break without b...