21

141 8 1
                                    

"Hi Shar! Happy birthday! Humabol kami ha para di ka magtampo." si Donny.

Naramdaman ko na lang na sinipa ako ni Carl sa ilalim ng mesa kaya napatingin ako sa kanya and he subtly point Donny using his mouth.

I compose myself as what he instructed and face Donny and Janina with a smile.

"Uy! Akala ko matitiis nyo ako eh. Pero maintindihan ko naman kung sakali dahil boyfriend duties. Bet ng mga friends ni Janina ang meet the boyfriend daw eh. By the way, congrats, ingatan mo yang kaibigan ko ha. Lagot ka sakin kapag umiyak yan. " tuloy tuloy kong sabi ng nakangiti at nakatingin sa mata ni Donny.

Wow! Congrats self. Pwede ka ng mag artista. Ganyan din ang nababasa ko sa mukha nila Carl, Jai, Nash at Jastin ng mapadako ang tingin ko sa kanila.

I saw shock in Donny's reaction,  maybe hindi nya inaasahan na alam ko na. Hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko kayang tagalan ang pagpapanggap.  Any moment pwede ako magbreakdown so I have to excuse myself para masunod ang bilin ni Jastin.

"Ready or not, here they come.  I can't hide from them,  I must face them. " status ko sa FB para kahit don man lang makapagventilate ako.

"Papa D,  wala ka bang ibabalita samin? " ani Jai

Tahimik lang akong umiinom at nakikinig.  I know my voice will betray me once I speak.

"Anong balita ba?  May rally daw sa may Mendiola kaya traffic,  yan ang last news na narinig ko. " papilosopong sagot ni Donny

"Sus,  alam na namin,  we just want to hear it from you,  baka mali yong source namin eh o hindi ka pa sigurado pero di ka na makaurong? " si Carl naman sabay tingin sakin.

"Carl,  stop that.  Marining ka ni Janina oh. " si Jastin in his usual coolness.

I sensed na sasagot na si Donny kaya I finish my drink and excuse myself.

"San ka punta? Ayaw mo ba marinig ang confirmation? " si Nash naman na parang sinasabi sakin na harapin ko ng tama at wag takbuhan ang katotohanan.

"Banyo lang, nasusuka na ako eh" dahilan ko which I doubt na bumenta sa kanila.

I don't know if Ai sensed what's happening. Nagulat na lang ako ng makita sya sa  reflection ng salamin. I'm washing my face when she asked me if I am okay.

I just nodded. She hugged me and say nothing,  she didn't ask what's the matter.  She just hugged me. That's when my tears starts falling.

After my emotions subsided Ai and I went back to our table. And parang nananadya si tadhana, the intro of song "Destiny" played,  Janina is holding the microphone while approaching Donny. I know for a fact na duet yong song and with that sight,  another blow hit my wounded heart.
Ai hold my hand tighter and when I divert my gaze to the group,  they're all eyes on me. I tried my very best to hide my tears and smiled at them instead.

"Umiyak ka? " si Jai

"Hindi ah. "

"Bakit basa mukha mo?  Bakit namumula mata mo? "

"Nasuka nga ako,  wala ata sa kondisyon yong katawan ko.  Naghilamos lang ako para mahimasmasan.  Tanong mo pa kay Ai. " depensa ko ng makita ang pagdududa sa mukha ni Jai.

I check my phone to busied myself and ng hindi ko masyado mapansin ang duet nila Donny. There are notifications,  comments on my status.

"Napakanta ako don 😂😂😂 pero I feel you girl,  there are times that I have to wear a mask kapag haharap sa tao. " comment ni Elle. 

"Okay ka lang? Upakan mo na lang para di mo na makita. " comment naman ni Ricci.

"Iinom mo na lang yan,  tara dito sa bahay,  andito sila Trysty. " kay Ricci ulit.

"@ Elle: tumpak,  pwede na nga ako mag artista eh. " sagot ko naman

@ Ricci: napakabayolente mo talaga,  upak agad talaga?  Tumatagay na kami nila Carl ngayon dito sa Lyca eh.  Next time agahan mo mag aya. "

Tapos na kumanta sila Donny and Janina walk straight towards me.  Niyakap nya ako so I hugged her back and asked her why.

"Wala lang,  thank you!"

"Para saan?  Buang ka na ga? "

"Thank you kay Donny"

"Nge,  wala naman ako ginawa,  I just introduced him to you.  Kung pano naging kayo,  wala na akong kinalaman don,  kayong dalawa na yon. "

"Still thank you,  ikaw naging daan para magkakilala kami. I love you baby Shark!  Happy birthday! "

"I love you more! Anything for you dear basta kaya ko.  Ingatan mo relasyon nyo,  pero mas ingatan mo puso mo. Just tell me kung nagloloko yan si Kuya ako babatok para sayo. "

Believe it or not,  happy ako for them.  Nasasaktan ako,  yes,  pero masaya ako na may pinuntahan yong sakit na naramdaman ko. Janina is one of my bestfriend so I want the best for her.  Donny is a great guy kaya nga I want him for myself sana,  di lang talaga itinadhana.


Wasted ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon