Shar's POV
Donny is more than what you think he is. He is more than matalino and pretty face na usually nakikita sa kanya ng mga babae na nagkakagusto sa kanya. Realization hit me hard after that conversation nong intrams.
"Shit! Shit! Shit! Bakit kasi kelangan sensible sya? Bakit ang dami nya alam? Nakakainis! "
Andito ako ngayon sa library para magpalipas ng oras pero wala naman ako maintindihan sa binabasa ko. Okupado ni Donny ang isip ko at ng pagpaplano kung pano mawawala ang pagkacrush ko sa kanya.
Hindi na healthy ang pagkacrush ko sa kanya. Mas naghahanap na ako ng mas maraming oras at attention ngayon kesa dati. Every free time na lang gusto ko kasama ko sya or katext kaya. Tapos naiinis naman ako kapag magkasama sila ni Janina.
From: Kuya Donny
San ka? Wala ka sa terminal, andun halos lahat eh.
"Hay naku naman, pano naman talaga ako makakalimot kung di ka nakikisama Donato Antonio Pangilinan? "
"Bakit? Buong buo pangalan ko ah. May problema ka ba sa pangalan ko Sharlene Santos San Pedro? "
"Ay butiki!"
"Grabe naman yon, ang gwapo ko naman butiki. "
"Ay iba, hindi ka nabibigatan sa pagbuhat sa sariling upuan? Bakit kasi bigla ka na lang sumusulpot dyan? Kakatext mo lang na nasa terminal ka ah. "
"Bakit hindi ba totoo? On my way na ako dito nong nagtext ako, wala ka don kaya I assumed andito ka."
"Bakit hindi ka ba makapaghintay na ibang tao magsabi sayo? "
"Eh alam ko naman na di mo sasabihin yon kaya ako na lang. " ani Donny sabay ngiti.
"Ano ba binabasa mo? May quiz ba tayo? Chill lang naman mga tao don sa terminal ah, wala din ako matandaan na sinabi ni Bigots. "
"Practice problems lang kaya lang mas nalilito ako kasi sa sobrang luma ng mga books dito, English pa gamit na units tapos kapag discussion and quizzes SI naman units."
"Itong mga books na ito pa ata gamit nong slide rule pa ang uso at hindi calculator. Pero mostly naman same problem, ung conversion lang talaga nakakalito. " natatawang sabi ni Donny
"Huwag ka naman masyado malakas ang tawa baka palabasin tayo uy. " saway ko.
"Tara na kasi, kain muna tayo, di ako kumain sa bahay bago umalis eh tapos late na naman matatapos klase ni Sir Abestilla kasi late darating. "
"Bakit di ka kumain? Tapos ngayon mang-aabala ka? Pass, diet eh. "
"Seryoso? Parang di naman. " ani Donny sa tonong nang aasar
"Diet bulsa ko, ok na? " aniko na inirapan pa sya.
"Sus, libre ko. Kelan ba kita inaya ng pinagbayad ka? Bilis na, nag-aaway na mga alaga ko sa tyan. " sabi ni Donny habang tinitiklop ang mga aklat sa harap ko.
"Wow naman. Oo na, weakness ko na ang salitang libre. Pero wag mo ibalik yan mga yan sa shelves, hihiramin ko, aralin ko sa bahay, makahabol man lang sa'yo. "
"Timang nito! Anong makahabol sinasabi mo eh di ka naman nahuhuli."
"Kaya pala ikaw pa lang nakakaperfect ng mga quizzes ni Sir Abestilla. Pa-experience naman kahit once. "patuloy ko sa pang-aasar.
If there's one thing na ayaw na ayaw ni Donny, yon ay ang ituring namin sya na above samin dahil sa pagiging matalino nya. Okay lang na ibang tao ang pumuri sa kanya, pero kapag sa grupo namin, awkward daw.
"Kaya mo rin naman kasi yon, di mo lang sineseryoso talaga. Kapag nag-aaral nga tayo dito sa library sa daldalan lang nauuwi eh. "
"Seryoso na ako uy, di ko lang talaga kaya level ng utak mo. Ayoko maging nth year kaya sineseryoso ko pag-aaral ko. "
"Nag-aaral ka ba sa bahay? Nagso-solve ka ba ng mga practice problems? Inaaral mo ba yong mga quizzes na di mo nasagutan? Kasi ako, oo! Yon lang siguro lamang ko sa'yo. Saka siguro yong oras kasi regular ka kaya full load ka talaga. Hindi ako sobrang talino, nagkataon lang mas masipag siguro ako mag-aral kesa sa'yo saka mas madami ako oras, maliwanag? " mahabang seryosong litanya ni Donny.
"Hala sya, oo na, sige, kalma lang. Ang bilis talaga uminit ng ulo mo kapag yan ang topic. Sagot ko na ice cream para lumamig ulo mo. Tara na. " sabi ko ng makuha sa librarian ang mga hiniram ko na aklat.
"Huwag mo kasi i-down yong sarili mo. Ok lang maging humble pero yong i-down ang sarili, hindi okay yon Shar. "
BINABASA MO ANG
Wasted Chances
Random"Kapag tropa, walang talo talo. " "Mind over matter." "First things first. " Ilan sa mga principles na sinusunod ni Shar sa buhay. Irregardless ng mga masasagasaan kelangan sundin at isabuhay nya ang mga yan. She had her first heart break without b...